Pamahiin at Sabi-Sabi
Member ako ng isang parenting egroup. Lately, there is this mom na masipag magbigay ng advice. As in halos lahat ng magtanong or mag-share ng problema, may remedy or advice sya (read: nagmamarunong). Ang masaklap, pakiramdam ko and some of my close friends in the group, puro pang urban legends ang pinagsasabi nitong isang nanay na ito. What’s worrisome is, sa dami ng new moms dun sa group, nakakatakot na baka may sumunod sa mga payo nitong si know-it-all-mom na wala namang scientific basis, mapahamak pa ang kids nila. There are some who have tried to subtly question some of the advice given. Kaso mo, pinaninindigan talaga nung tao ang mga una niyang sinabi, to the point na parang lalong lumalala ang mga susunod na justifications. Tsk, hirap talagang makipag-deal sa ganitong tao.
Hindi kasi ako mapaniwalain sa pamahiin or sabi-sabi ng matatanda. Saka (sorry sa mga matatamaan ha, no offense meant) ilang ako (sige na nga, honestly? banas ako) sa “Subukan mo lang, wala namang mawawala eh,” lalo na kung sobrang ridiculous na yung kailangan mong gawin. Kasi pakiramdam ko, it undermines our own decisions, parang wala na tayong choice mag-isip ng ibang mas pupuwede, mas reasonable/logical, less dangerous/harmful o kaya nating paniwalaan. Kasi kung wala akong makitang mas matino o magandang alternative (shempre coupled with research and seeking advice from people I trust), I would abandon the idea altogether.
Like sa mga chain letters, yung mga panakot chuva na may mamatay sa family kung ‘di mo i-forward. Sus, marunong pa sila sa Diyos! I would feel a traitor to my own religious belief kung ico-compromise ko yung faith ko dahil lang sa isang email na ni hindi ko alam kung sinong Herodes ang pinagmulan. Yung tipong ganun ba.
Oh well, my two pesos’ (mahal na mag-isip ngayon dahil sa inflation hehehe) worth of thoughts on the matter ...
Saturday, January 15, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment