Sobra naman!
Ilang araw na akong naririndi sa isyu nitong si Jinggoy at si PNP chief Aglipay. Nililipat ko na lang ang channel kapag yun na naman ang nasa news. Naartehan na ako dito sa senador na ito ha. Kesyo ayaw-ayaw pang mag-accept ng apology at pinagre-resign pa ang kalaban sa puwesto. Ang hindi ko ma-gets, ok fine, supposedly nasigawan siya sa telepono (na hindi naman mapu-prove at hindi narinig ng sambayan first hand since it's between the two of them) and feeling nya napahiya siya, pero yung patagalin ang issue para lang mag-inarte, nakakainis na. Sa totoo lang, bumabalik sa isip ko yung pambabatok niya noon kay Richard Gomez na buong bansa nakita ng paulit-ulit sa mga news programs sa TV. Hindi ba mas masahol ang ginawa niya? And yet nakuha siyang patawarin ni Goma. Mas matinding humiliation yun sa part ng binatukan di ba? And kung ico-compare sa nasigawan, parang napakaliit na bagay. To think na kaya naman daw napagtaasan ng boses ni Aglipay si Jinggoy, para din sa security ni Erap.
Ay ewan, sana matapos na yang kaartehan na yan at sayang ang airtime.
Tuesday, January 25, 2005
Tuesday, January 18, 2005
A Funny, Sad Story
Overheard from a neighbor’s house (malakas kasi ang boses ni Aling T eh): “Ano?! Walang natira?!”
Natawa ako. Sounds familiar. Instinctively, alam ko kung ano ang pinag-uusapan nila. Eto kasing asawa ko, kapag nagprisintang gumawa ng errands, like papunta sya ng bayan (we live in a small barrio by the way), at magpapadala ako ng say P1000 na buo kasi walang barya, para pambili ng ilang items, babalik na walang sukli. Kasi marami syang pinagbibiling iba. At minsan, mapapatanong ako ng “Ano?! Walang natira?!” dahil sira ang budget ko.
Kaya nakangiti ako habang naghihintay ng sagot ni Mang J. “Eh, ano eh,” ang tangi nyang nasabi. Hmmm, typical answer. “Walang natira sa bente?! Ipinangtaya mo sa hueteng lahat?! Kasama doon ang pambaon ni Totoy!” sabi ulit ni Aling T.
Dun nawala ang ngiti ko. Bente pesos lang pala ang pinag-uusapan pero kita nyo naman, pati pala anak nilang nagki-kinder, apektado sa nangyari. Tsk, bwisit talaga sa buhay ang mga sugal-sugal na yan! At nakakalungkot na sa hirap ng buhay ng mga Pilipino, nakukuha pa ng iba na isugal ang kakarampot nilang kinikita.
Hay, napakwento lang ...

Saturday, January 15, 2005
Pamahiin at Sabi-Sabi
Member ako ng isang parenting egroup. Lately, there is this mom na masipag magbigay ng advice. As in halos lahat ng magtanong or mag-share ng problema, may remedy or advice sya (read: nagmamarunong). Ang masaklap, pakiramdam ko and some of my close friends in the group, puro pang urban legends ang pinagsasabi nitong isang nanay na ito. What’s worrisome is, sa dami ng new moms dun sa group, nakakatakot na baka may sumunod sa mga payo nitong si know-it-all-mom na wala namang scientific basis, mapahamak pa ang kids nila. There are some who have tried to subtly question some of the advice given. Kaso mo, pinaninindigan talaga nung tao ang mga una niyang sinabi, to the point na parang lalong lumalala ang mga susunod na justifications. Tsk, hirap talagang makipag-deal sa ganitong tao.
Hindi kasi ako mapaniwalain sa pamahiin or sabi-sabi ng matatanda. Saka (sorry sa mga matatamaan ha, no offense meant) ilang ako (sige na nga, honestly? banas ako) sa “Subukan mo lang, wala namang mawawala eh,” lalo na kung sobrang ridiculous na yung kailangan mong gawin. Kasi pakiramdam ko, it undermines our own decisions, parang wala na tayong choice mag-isip ng ibang mas pupuwede, mas reasonable/logical, less dangerous/harmful o kaya nating paniwalaan. Kasi kung wala akong makitang mas matino o magandang alternative (shempre coupled with research and seeking advice from people I trust), I would abandon the idea altogether.
Like sa mga chain letters, yung mga panakot chuva na may mamatay sa family kung ‘di mo i-forward. Sus, marunong pa sila sa Diyos! I would feel a traitor to my own religious belief kung ico-compromise ko yung faith ko dahil lang sa isang email na ni hindi ko alam kung sinong Herodes ang pinagmulan. Yung tipong ganun ba.
Oh well, my two pesos’ (mahal na mag-isip ngayon dahil sa inflation hehehe) worth of thoughts on the matter ...

Tuesday, January 11, 2005
Feeling ko isang taon akong nawala dito sa blogger. Hay kasi naman, sobrang ka-busy-han nung holidays. How are you all folks? Sana'y naging masaya ang inyong mga Christmas celebrations at maganda ang pasok ng New Year senyo. Ako, inubo! Lamig kasi dito sa 'min sa Laguna, nagkahawaan kami ng sipon at ubo ng kids ko. Tsk, ke hirap huminga. Kaya post-New Year, habang naghahabol ako ng deadlines ko, sumisinghot-singhot ako sa harap ng computer.
Ngayong maluwag-luwag na ulit ang sked ko from work, tuloy ang blogging. Shucks na-miss kong dumaldal dito. Will post more later.
For now, here's wishing all of us a great 2005 ahead!
Subscribe to:
Posts (Atom)