Thursday, October 21, 2004

Calling

Kanina, nag-text ang brother ko "Ate san exactly ba yung Maldives?" Aba'y ewan ko! Napabuklat ako tuloy ng Encyclopedia ng 'di oras. Ayun nasa ibaba ng Sri Lanka daw sabi sa description. A republic composed of around 2000 islands pala yun. Kuha pa ako ng Atlas para makita ko sa World Map. Nyay tuldok-tuldok lang pala, malaki pang tingnan ang Babuyan Islands ng Pilipinas!

So text ako kay little brother (who happens to be taller than I am now and is already a faculty staff in UP Diliman's College of Music) ng info with matching tanong na "Bakit, pupunta ka dun?"

May nag-offer daw sa kanya kasi na mag-work doon as a performer (in fairness, magaling tumugtog ng classical guitar ang kapatid ko!) and $1500/month ang offer, libre na lahat. Kaso parang ayaw daw nya kasi kung isolated yung place, malamang malungkot dun. Magre-refer na lang daw sya ng ibang friends nya na musicians kung sinong may gusto.

Text back ako ng "Aba'y ipag-pray mo muna at baka d'yan ka pala yayaman hehehe"

Sagot n'ya "Hindi ko kayang iwan ang mga estudyante ko. Dito muna ako, gusto ko munang mag-share ng talents ko sa kanila."

Naks! Proud naman ako sa kanya. UP na UP alumni ang dating, una ang bayan bago ang ibang bansa. (Ack, parang nage-echo ang boses ni Rufa Mae sa background at sinasabing "Para sa Bayan 'tooo!" hahaha). Perhaps yun nga ang calling nya for now.

I remembered what this teacher said whom I interviewed just the other day para sa isang article ko. Sabi n'ya sa akin "Gusto ko, pagharap ko sa Diyos, masasabi kong hindi ako nagkamali sa pinili kong propesyon dahil ibinuhos ko ang lahat ng aking makakaya." At pakiramdam ko, ganun din ang iniisip ng kapatid ko kanina :)

4 comments:

shaz said...

The Maldives happens lang naman to be the ultimate destination of the rich and famous (eg. our very own Ruffa G). It's a great place to stay and work, if I were to be asked, what with all the beautiful sand and sea attractions. It's a very good opportunity. Grabe, I'd jump on the next planeif it was offered to me. hehehe...

Ruth Floresca said...

Hi Shaz!

Thanks for the info! As usual kapag tungkol sa rich and famous, wala akong alam hahaha. Hamo at ite-text ko ito ngayon sa brother ko, baka magbago ng isip hehehe

Take care and thanks for the blog visit :)

Ruth

Thess said...

I agree with shaz about maldives, dito po mga rich yan din destination

about being bored dun, sanayan lang naman and when your brother gets to meet people from different countries and learn other cultures, malilibang sya

pero bilib ako sa pagmamahal nya sa students nya :)


fr. an ex musikera/biyahera,

Ruth Floresca said...

Hi Thess,

Thanks! I tried convincing him thru text yesterday, to no avail. Hindi daw ata nya kakayanin ang 2 years eh (palagay ko, hindi kakayaning mawalay din sa GF ng ganun katagal hehehe). Told him nga kala ko makakabakasyon na ko sa Maldives :D

Wow, have you been there na? Bakit ex-musician? Ayaw mo na ring mag-tour? ;) (sensya na, na-curious lang).

When I told our mom about it, sabi lang nya with matching iling-iling "Aba, may prinsipyo talaga! At least hindi mukhang pera ang kapatid mo." Kaya kakabilib nga :)

Take care,
Ruth

Related Posts with Thumbnails