Finally!
Hay salamat, naayos din ang computer ko. Dalawang linggo lang naman akong nagtiis na giant size ang lahat ng fonts at windows saka sabog-sabog ang mga colors ng monitor dahil na-corrupt na naman daw ang video card nito. Tiniis ko ng 2 weeks dahil may mga deadlines akong tinapos. Last week, pinadala ko sa Manila to my very bait brother-in-law who had this repaired sa office nila. After another long week, eto at ayos na ulit sya.
Ack, daming nangyari sa buhay ko at sa bansang Pilipinas. Kwento ako ...
Saturday, June 5
Pumunta akong Alabang to meet with my sister para ibigay nya sa akin yung mga retailer sims ng Globe at Smart na pang-autoload. Business kasi yun ng isang kasama nya sa church and sabi ok daw na sideline so go kami. Inisip kasi namin, hindi na luho ang celphones ngayon, need na talaga. Eh dito sa baryo namin, wala pa akong nakikitang may signs ng autoloading so magta-try kami. Anyway, mababa lang naman ang capital.
Habang nata-traffic ang bus papasok ng Alabang toll gate, may mamang umakyat. May dala syang megaphone at nagsalita tungkol sa strike nilang mga bus drivers at konduktor sa isang bus line sa Manila. Ewan ba at may heart talaga ako sa mga manggagawa, nakakaawa nga naman ang mga working conditions nila tapos sinasamantala pa ng mga employers nila. Everytime nakaka-encounter ako ng ganun, I drop a coin kahit 5 piso lang dun sa collection box nila. Samantalang 30 minutes ago, may isang nag-preach ng bible pero di ako nag-donate. Sabi kasi ng husband ko, hindi naman daw siguradong legit yung mga ganun. Saka ang isipin ko daw palagi, nagbibigay kami sa tamang paraan (we are sponsoring a child thru World Vision kasi), sa isang organization na sigurado kaming tumutulong talaga sa mga mahihirap.
Tapos after mga 10 minutes, traffic pa rin, lakas pa ng ulan, may isa na namang manggagawa ang umakyat with the same requests at kwento. Kaso napa-double take ako kasi na-recognize ko yung mama! Distinctive kasi yung intonation ng boses nya kapag nagsasalita (yun bang pataas na pitch lahat ng sinasabi sa hulihan ng sentences) at natandaan kong a few months ago, na-encounter ko na rin syang nanghihingi ng donation dun sa same place na yun. Nag-donate din ako sa kanya noon. Nakow, nag-isip tuloy ako, mag-iisang taon na ba yung strike nila na yun at hanggang ngayon eh nangongolekta pa rin sila ng donations? O raket na pala yung ganun? Ang masama pa, pagsulyap ko dun sa rear view mirror nung driver ng bus namin, nakita ko syang iiling-iling na nakangisi dun sa konduktor habang nagsasalita yung mama. Tsk, ayoko na ngang mag-donate next time!
Naghanap kami ng sister ko ng isang celphone sa Metropolis para gamitin sa autoload. Naku, ang hirap palang maghanap ng mukhang totoong brand new! More than 20 booths siguro ang napuntahan namin, with varying prices at kaduda-dudang mga sales talk. Finally, we decided to buy dun sa tapat ng entrance ng Robinsons Department Store kasi maayos at believable yung page-explain ng tindera paano malalamang orig yung binili namin. Binuksan nya yung fone, pinakita yung side na patungan ng keypads and told us dapat walang mga warranty stickers doon kasi kapag brand new, hindi nilalagyan ng manufacturer dahil directly galing daw factory yun. May kaha de yero sila sa gitna ng booth kung saan andun yung mga cels na nakakahon pa. Dun sa iba kasi, mga wala na sa kahon ang ibinibenta sa amin saka sangkatutak na warranty stickers na may Chinese characters dun sa banda nga ng keypads.
Sabi din nung babae, legit sila dahil may TIN # ang resibo nila and registered sila as certified celphone dealers. Ok fine, since pagod na paa namin kakaikot, binili na namin plus an attachment for dual sim para madaling mag-lipat from Globe to Smart kapag may nagpapaload. I chose a Nokia 2100 katulad nitong existing fone ko. Gusto ko kasi dito, may option kang maglagay ng security code everytime you need to unlock the keypad. So walang ibang pwedeng gumalaw ng contents ng fone mo kung sakaling maiwan mo somewhere.
Pagdating namin sa bahay ng sis ko, nakakatuwa kasi unang customer ko ng reloads eh yung yaya ni Matt, pamangkin ko. Naka P100 akong buena mano hehehe.
Nung gabi, sinundo ako ng asawa ko with our 2 older kids (na nagbakasyon sa sis-in-law ko sa kabilang village). Inuwi namin yung isang Dalmatian puppy doon since 2 months old na. Ang cute! Pinangalanan sya ni Matt ng Panda kasi may black ring sa mata. Aliw ang mga bata.
>June 7, Monday
Hay pasukan na yung dalawa kong nasa elementary! Nagbalot na ako ng mga notebooks kaso kinulang yung binili naming 3 meters ng acetate para sa mga books. Umpisa na naman ng mga early mornings pahirapan-sa-gisingan at after dinner assignments-time. Tsk, maulan pa. Kelangan kong bilhan ng mga payong na bago itong mga ‘to. Ang bilis makasira! Yearly na lang kelangan kong bumili.
June 8, Tuesday
Nakita namin ang transit of Venus! Buti na lang hindi masyadong umulan dito sa amin. At buti na lang may mga naitago akong xray films ng mga bata dati. Ayun, sinilip namin ni Deden. Ang liit pala nun! Kung di mo pa tititigang mabuti, di mo agad makikita yung maliit na spot sa bandang upper left ng sun.
Pagdating nina Leland at Josh from school, tingin din sila. Nakakaaliw kasi excited din silang makita. Sabi nga ng friend kong si Ate Myra noong nag-lunar eclipse last month, “I try not to miss meteor showers and eclipses kasi those are some of the free things in life.” Na-inspire din tuloy ako to really LOOK at the sky and see the wonders in store for me.
>June 9, Wednesday
Pinanood ko yung Crying Ladies nina Sharon Cuneta. Maganda daw eh. Nanghiram kasi ako ng mga VCDs sa kapatid ko since wala naman akong time magpunta sa mga sinehan. Hanggang home movies lang talaga ako.
Nakupo, naalala ko na naman yung mamang nanghihingi ng donation sa bus dahil dun sa isang scene sa movie. Ngak, malamang raket na nga yun.
Sad lang kasi ang daming realities sa buhay Pinoy yung pinakita sa movie na yun. Andun na yung magpi-pretend na mali ang sinakyang jeep para makalibre ng bayad, raraket sa street corner preachings para sa donations, mapuputulan ng koryente dahil sa hindi pagbabayad, pagbili sa mga hulugang appliances sa mga bumbay at kung anik-anik pa. Naron na rin yung pagkaka-hiwalay ng isang ina sa kanyang anak dahil hindi nya kayang buhayin mag-isa yung bata. Sobrang nag-hit home sa kin na napakarami naming blessings na dapat muli’t-muli ay ipagpasalamat kay Lord. At nakakalungkot na ang dami pa rin nating mga kababayan ang namumuhay sa matinding kahirapan. Hay, sana talaga umaayos na ang takbo ng bansa natin. Hindi yung puro pansariling kapakanan ang inaatupag ng mga linstok na pulitiko!
>June 12, Saturday
Kasal ng barkada kong si Binky. Such a nice wedding! Pink and lavender ang motif nila. Peborit colors ko rin. Ang galing ng weather kasi after the ceremonies sa church, umulan ng malakas tapos tumigil din agad. So pagdating namin sa reception area, malamig ang panahon at di masyadong pawis-pawis ang mga tao habang kumakain ng lunch. Isinama ko si Leland. Ayun at reklamo ng reklamo na ang tagal-tagal daw at kelan pa kami uuwi. Hmp, sinasabi ko na nga ba, itong mga batang ituuu! Nagpi-prisintang sumama tapos ako ang mamadaliin sa pag-uwi.
>June 13, Sunday
Uuuuy, naka-one week na ako sa autoload business ko. Nakapaubos na ako ng P500 loads sa Smart users within the week. Mas malakas kasi ang signal ng Smart dito sa amin kaya halos lahat ng tao dito naka Smart or Talk and Text. Yung Globe, konti pa lang. Kami nga ata ng asawa ko ang makakaubos ng load nito eh hahaha. Pero ok nga pala ito, customers ang lumalapit sa’yo, di mo na kelangang mangumbinsi na bumili sa yo. Halos maya’t-maya may nagtatawag ng “Pa-load po!” dun sa may gate namin.
Pumunta kaming Manila. Kasama ko si hubby with Josh and Deden. Iwan si Leland kasi sumama sya sa kasal the day before at ayokong iwan namin si James na mag-isa with the yaya. Kelangan laging may kasamang isang family member just in case ... praning na kasi akong mag-iwan ng bata sa yaya lang eh.
Anyway so ayun, pagsakay namin ng bus galing San Pablo, nagulat ako kasi ang pamasahe papuntang Ayala, from P84.00 naging P104.00 isa! Inulit ko pa sa konduktor na Ayala lang kami. Tumaas na daw ang pasahe. Inaykupo! Magkano kaya kung hanggang Cubao pa ang biyahe??? Paano na ako mag-iinterview ng mga resource persons ko kung yung kikitain ko sa bayad sa mga articles ko eh mapupunta lang sa pamasahe??!! Buti na lang P25.00 pa rin ang flagdown ng mga taxi.
We attended the birthday party ng anak ng isang good friend ko sa Makati. Ang cute ni Paolo, ke ganda ng smile! One year old na agad. Bilis ng panahon, parang kelan lang eh kino-congratulate ko pa si Abbie sa pagbubuntis nya. Enjoy ang mga bata sumali sa games at manalo ng prizes. Sabi ni Noy, oks daw yung habang maliliit pa sila, nae-enjoy nila yung ganun dahil a few years from now, mahihiya na silang sumali for sure.
Nag-hold ng surprise birthday party yung friend namin sa asawa nya kaya tuloy kami ng Quezon City nung gabi. Ang saya-saya! Daming close friends namin ang andun kaya parang reunion na rin. At dahil very close kaming mag-asawa sa couple na ito, naisipan kong gawan ng unique birthday gift si Jepoy. Hinalungkat ko lahat ng old negatives ko (buti naka-file ng maayos halos lahat) at pina-recopy ko yung mga pictures naming magkakasama since the late ‘80s. Ganun na kami katagal magkakaibigan. Tuwa naman daw sya. At last napakinabangan ko rin yung maingat na pagtatago ko ng mga bagay-bagay.
June 15, Tuesday
Waaaah! Official ng tumaas ang pasahe sa mga jeep dito sa amin. Wasak ang budget ko! From P8.50 naging P13.50 ang papuntang bayan. Asus, dapat ata hindi na ako mag-grocery ng once a week kundi twice a month na lang! Buti na lang ang minimum fare pala hindi ginawang P6.00 kundi P5.50 lang. Pero kahit na, ang mahal pa rin! Eh tatlong bata ang namamasahe papuntang school araw-araw. Susmio talaga! Dapat after 20 years na ulit bago magtaas ang pasahe! Hmp!
And that was the week that was sa buhay ko. Mag–nobela daw ba. Eh kasi naman kesa isa-isa kong kukwentuhan mga kaibigan kong hina-hunting ako online the past week, isahang kwento na lang. Baka may mapulot pa kayong ibang blog visitors ko dito di ba? ;)
Thursday, June 17, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment