Thursday, June 17, 2004

Energy Issues Explained

In a parenting egroup I belong to, iisa ang sentiments ng mga nanay na katulad ko – ang pagtaas ng pamasahe at ang napipintong pagtaas ng Meralco billing bukod sa pagbaba ng value ng piso at pagtaas ng gasoline prices (argh ang dami-dami-dami!!!). Meron akong isang ka-egroup na financial analyst, si Jen, and I’d like to share here her take on the subject. Mas naliwanagan ako sa explanation nya:

“Am actually in the energy sector. Ang sad to say, sinisisi ko si GMA sa mga pangyayaring yan. What happened started May 2002, PINILIT ni GMA ibaba ang prices ng electricity to the point na malugi ang NPC. I know last year alone, NPC lost over P150B and we expect this year (kung hindi umakyat ang power prices ha) eh malugi ulit sila ng $2-3B (DOLLARS YAN ha at BILLIONS!). And saan kukunin ang pantapal dito??? SA TAXES NATIN!!! Sino ngayon ang niloko ni GMA?!?!? Binabaan nya ang kuryente kasi yun ang madali maintindihan ng masa. Little that they know eh sa taxes rin nya kinukuha ang pang-support sa Napocor. Para lang tayo niloloko noh... yung taxes na binabayad natin eh pambayad lang din sa kulang ng Napocor, plus utang. In a recent report I read, over 90% of government revenues is now budgeted to address our loans (be it interest or kung may principal pa kailangan bayaran). Ano daw yun!?!?!? (talagang ANAK ng #(@!$&#@%!!!). Less than 10% of our budget is now dedicated to government services.

Iawas mo pa ang corruption, eh talagang wala nang matitira. Kawawang Pinoy.
Now... LOOMING POWER SHORTAGES. Totoo po yan mga kaibigan. Dahil sa binaba ni Arroyo ang prices ng power to unreasonable levels... na hindi nya dapat ginawa kasi hindi naman nakabuti sa bansa natin. It was just a stop gap measure para maboto sya. Ni walang programa or reporma silang ginawa ng Dept. of Energy para supportahan ang mga taga-produce ng electricity. Basta babaan ang prices ng power, at bahala na ang Napocor at mga IPP sa buhay nila. So ngayon, walang matinong investor na gusto mag-invest sa power plant all because sobrang baba ng power prices na and it is not enough to recover investments sa power plant. With the increase in demand, kailangan eh nagtatayo na po sila ng planta this year or latest next year. Eh wala ngang investors in their right minds who would do that. Kaya we are now looking at rolling brown-outs in Luzon by 2007. As for the Visayas, meron ng shortages ngayon. Mindanao next year. Now that malapit na ang 2007... tsaka ngayon magiging desperate ang government na maghanap ng investor. We will then be back in our early 90’s situation, na nagmamakaawa sa mga investors. Ayan, papasok na naman ang matataas na charges kasi nga last minute projects na fast track. Di all the more lalo tayong end consumers ang ma-pi-penalize!!!

To add pa po, am working for an American IPP and nalulugi talaga kami since 2002 because of Arroyo's actions. Our mother company is threatening to withdraw from the Philippines. Ayan, one less investor. And not only that, we just filed for corporate rehabilitation early this month. We manage and own a power plant in Cavite kasi. Anong ibig sabihin nito? We just filed for bankruptcy and kahit kailangan ng Luzon ng extra capacity for power, eh isa-isang investor ng power na rin ang umaalis or nalulugi. More so, puede pa lalong mabawasan ang capacity kung kailan mas kailangan natin, tsk, tsk, tsk.

Kaya kung may senator (i.e. Enrile) or congressman na magsasabi na bababaan nya ang price ng kuryente... either nambobola sya para makakuha ng boto (or sabi nila may personal vendetta against the parties - like Enrile eh galit sa mga Lopez's ng Meralco) or hindi talaga nila naiintindihan ang sinasabi nya. Syempre naman lahat tayo eh gusto bumaba ang presyo ng electricity o maging gasoline man. Kaso kung mali ang pamamaraan at ibaba nalang ng basta-basta ng walang ka plano-plano, ay susmio, baka nga maging Argentina tayo in no time!”


No comments:

Related Posts with Thumbnails