BOOKSALE NGA EH!
Mahilig ako sa libro. Syempre laman ako palagi ng Booksale dahil mura dun ang books. Wala naman sa kin kung medyo luma na basta readable pa rin sya. Saka hindi ako para gumastos ng P200-500 para sa isang pocketbook lang ano. Daming pambaon na sa school ng mga anak ko yun!
Anyway, nalalayo ako. Kamakalawa pagpunta ko ng Booksale, nakita ko yung mga lagayan ng books, hindi nakaayos. As in gulo-gulo ang mga libro na mukhang ukay-ukay. Tanong ko, kadarating lang ba ng mga bago? (Monthly kasi napapalitan ang stocks nila).
Sabi nung nagbabantay, hindi daw, talaga daw ganun ang ayos para makita ng mga tao na sale. Asus, kaya nga Booksale ang pangalan ng store nila dahil understood na yun na ang binibenta nila eh -- bargain books! Gawin daw bang ukay-ukay!
Tanong ko “So wala talaga kayong balak i-arrange yan? ‘Lam nyo ba na mas mahirap maghanap pag ganyan? Baka lalong walang bumili senyo nyan.” Nagkibit-balikat lang yung tao. Nakupo, parang di nila naisip na napakadali sanang mag-scan ng titles at authors kung nakaayos ang mga books. Sa mga bookworms pa namang katulad ko, mostly hindi presyo ang tinitingnan kundi hinahanap talaga namin ang mga paborito naming manunulat. Minsan nakakabili ako dahil maganda yung title or summary sa likod o kaya me nakalagay na #1 in New York Bestseller’s List pero mostly, may particular akong gustong makita na madali sanang mahahanap kung naka-arrange ang books na kita ang titles.
Hay naku, kung di lang talaga meron akong gustong mabili na series ng libro at mga sequels dun sa mga nabili ko na dati, hindi na ako magtya-tyagang maghalukay dun sa mga stacks. Eh 8 crates yun! Grabe, nangawit ang braso ko kakalipat ng libro para makita ko yung mga nasa ilalim. Me nabili naman akong apat. Lahat mga gawa ng favorite authors ko – Ken Follett, dalawang Dean Koontz and Janet Dailey. Hindi na kinaya ng powers ko yung pang-pito at pang-walong tambak dahil nangalay na talaga ako.
At pagkatapos kong magbayad ng purchases ko, na-realize ko na yung dating 30 minutes na browsing na ginagawa ko, naging more than one hour and a half na paghahalukay! Parusa talaga oo. Next month, mukhang hindi na dun sa branch ng Booksale na yun ako pupunta. Hindi pa naman ako ganun ka-desperado sa libro. Feeling ko marami na sana akong ibang nagawa kesa nagtagal maghanap dun :(
Monday, February 23, 2004
HELLO?!
Ok ang PLDT ah, may pagka-“Hello” ang dating ng mga tao dun nung Friday. Kasi naman, pumunta ako sa office para magbayad ng bill. Pagpasok ko pa lang, inabutan ako ng security guard ng isang flier about the Rewards Promo chuva daw ng PLDT.
So habang nakapila ako, binabasa ko si flier. Uy, upon registration, me instant reward! Be first daw to submit the PLDT Home Rewards Account Activation Form to get an instant gift. Naku naaliw naman ako kasi pwede daw pumili ng dalawang sample perfumes from known brands like Davidoff, CK etc. Kaso refer daw sa direct mailer which will be sent along with the monthly statement starting Dec. 15, 2003. Ngek, eh wala naman kaming natatanggap na activation form ah. Eh mage-expire na yung promo by March 15.
Pagkabayad ko, since yung guard ang nagbigay sa kin ng flier at busy ang mga tao sa counters, sya ang tinanong ko saan pwede kumuha nung activation form. Aba ang sagot sa kin eh “Wala naman Mam, walang fini-fill up-an.” Hay, so wala syang alam. Hus, bakit nga ba sa kanya ako unang nakapagtanong? Ack!
Punta ako dun sa isang babae sa counter. Sabi ko ika-clarify ko lang, ano dapat gawin dun sa rewards program para ma-activate. Ang sagot? “Ay kasi ineng hindi pa yan napapatupad dito sa probinsya. Sa Manila pa lang. Ia-update na lang siguro (siguro???) kayo.”
Kulang na lang hampasin ko ang noo ko at sabihing “Hay naku, eh bakit kayo namimigay ng flier na yan???!!!!” Kaso since mabait naman ako, ngumiti na lang ako sabay alis. Ano ba?! Clueless sila!

Wednesday, February 11, 2004
La lang, nakita ko si GMA
Kahapon, start ng nationwide campaign di ba? At nagkataong taga-Laguna ako kaya nakita ko ang motorcade ni Pres. GMA galing sa veranda namin sa second floor. Nagba-bye-bye kasi ako kay Deden at sa yaya niya habang nag-aabang sila ng jeep papuntang school ni bulilit.
Tamang-tama, may ilang motorsiklong maiingay na dumaan. Pag tingin ko dun sa parada ng mga sasakyan, nakita ko si Madame Gloria, medyo naka-ismid na at half-heartedly na kumakaway. Nakaupo sya dun sa right side kaya kitang-kita ko. Parang asar na sya sa pagod. Umaambon pa naman.
Hindi ko maiwasang ikumpara dun sa dating pangangampanya ni former Pres. Cory Aquino. Dumaan din kasi sa harap ng bahay namin noon ang motorcade nila ni Doy Laurel. At kahit more than 15 years na ang nakakaraan, hindi ko malimutan yung glimpse ko sa kanya -- kalahati ng katawan nya nakalabas sa bintana ng sasakyan, todo ngiti at enthusiastically na kumakaway. Parang ang friendly-friendly nya.
Wala lang. Nakwento ko lang.

Thursday, February 05, 2004
Ipon pang KZone
Last month, naisipan kong bilhan ng KZone magazine ang mga anak kong sobrang hilig mag-drawing ng mga cartoon characters. Naku tuwa naman yung dalawang kuya. Sobrang type daw nila yung magazine kaya dapat daw makabili ulit sa February. Eh balak ko one-time bili lang yun para sa kanila!
Hmmm, naisip ko, kung saka-sakali eh gagastos pala ako at ba-budget-an ko ng P75 per month itong mga kolokoy ko! Nakow, dagdag pa sa pambili ko ng Good Housekeeping at Smart Parenting mags.
Umiral ang pagiging mautak ng nanay. Sabi ko sa kanilang dalawa, dapat yung next issue pag-ipunan na nila kung talagang gusto nilang bumili ulit. Aba pumayag! So kumuha kami ng isang basyong bote ng Pepsi Blue (oo, specify ko na, yun naman talaga ginamit namin eh – hindi ata kami apektado ng Ito ang Beat commercial ng Coke hehehe) at binutasan ko ala-alkansya.
For the rest of January, nakakatuwa namang tingnan na araw-araw talaga, nagtitira sila sa baon nila at diligently naghuhulog dun sa bote. Kahapon, nagkataong paluwas ako ng Manila. Sabi agad ni Leland, “Naku Mommy, February na, kulang pa ng P10 ang pambili namin ng KZone!” Sinabihan ko “Eh di ipon ka pa. Next week ka na lang pabili kay Daddy sa Manila.” Pero balak ko na talaga silang bilhan kasi reward na rin for their efforts. Abonohan ko na lang yung P10.
Buti na lang talaga bumili ako! Late na ako nakauwi at by then tulog na sila. Pagpasok ko ng kwarto, nakita kong may naka-drawing na bata dun sa white board sa pinto. Merong bubble quote na nakalagay at ang laman “Welcome home Mommy! Where’s my KZone? Bumili ka ng KZone po! End of briefing.” Tawa ako ng tawa pero touched din na meron munang pasakalyeng welcome home. Kinuha ko yung P65 dun sa bote nila. Feeling ko, lesson-learned para sa kanila yun about pag-iipon para sa isang bagay na gustong-gusto nila.
Ayun, paggising ng umaga, tanong agad sa kin kung nakabili ako. Tinuro ko yung bag ko kung saan ipinatong ko yung KZone nung gabi. Hay ang ngiti ni Leland! Sabi nya mamya na nya babasahin pagka-galing sa school.
Pag-uwi nila ni Josh, tanong ko agad “O pano yan, type pa rin bang bumili ng March issue? Ipon ulit?” Matunog ang sagot nila, “Opo!” Ayus!

Subscribe to:
Posts (Atom)