Tuesday, July 28, 2009

2-in-1 na, mas mura pa!

Sa maghapon kong pagtatrabaho sa harap ng computer halos araw-araw, hindi na nakapagtataka na sumakit ang buto sa babang kanan na gilid ng kanang kamay ko. Minsan nagpapasa pa.

Kaya nung nakakita ako last year ng isang wrist support chuva sa Shopwise, binili ko na. Sa halagang P89.00, worth it na yun para ma-relieve naman yung sakit ng kamay ko kapag gumagamit ng mouse. Ang kaso mo, since liquid based ang laman niya, nag-start na syang mag-leak kailan lang.

Unti-unti, umiimpis na yung wrist support ko at iniisip ko pa kung bibili ako ng ganun din na bago since wala naman akong nakikitang ibang products na kagaya niya.

Pero kahapon, habang bumibili ako sa CD-R King ng isang flash disk, yung katabi kong mama sa pila, nagpaabot ng isang mouse pad dun sa saleslady. Hmmm, may built-in wrist support! AT, take note, nagulat ako sa price, P35.00 lang s'ya!

So nung turn ko na para asikasuhin nung saleslady, nagpakuha din ako ng sample. Actually may P25.00 at P50.00 din na variants pero mas makipot yung wrist support area. So nag-settle ako sa gitna.

I'm glad binili ko yung mouse pad! Comfortable s'ya, in fairness. Enjoy talaga bumili ng gadget accessories sa store na yun. Maraming super affordable items na tumatagal naman. Hmp, kaya lang tuwi na lang yata akong bumibili sa CD-R King, may bitbit akong extra item pauwi na wala sa listahan ko :p

Thursday, July 23, 2009

Nalulunod sa Milo :p

Tuwing may promo items ang Milo, napapabili kami ng mas marami kaysa sa 1kg. a week na quota namin. Sabagay, loyal talaga ako sa Milo kasi ayoko ng lasa nung isa pang leading brand. Kaya kumbaga, bonus na lang parati kapag may items na kasama pag bumibili ako sa supermarket.

Yun nga lang, instead of 1 kg pack per week (apat kaming umiinom every breakfast eh), nagiging 2 to 3 packs isang bilihan lalo na kapag nakatyempo noong mahirap hanapin na variant.


Kaya ayan, parang magwa-one month na kaming hindi bumibili ng Milo. Kasi gusto nung bunso ko na ma-collect namin yung 5 mugs. In fairness, ang cute ng designs ha!

Nung summer, nauso din yung mini-basketballs na green at orange. Naku, parang kalahating dosena ang na-collect ng mga bata.

Naalala ko tuloy last year nung uso naman eh Olympics figures. Kumpleto din kami nun! hahaha. Eto ang proof:

So, kumpleto na rin ba kayo ng Milo mugs? Hmmm, dapat yata may PF na ako from Nestle para sa pagpo-promote nito :p

Thursday, July 02, 2009

Love Your Own

Iboto natin ang isa sa mga pinagmamalaking tourist spot ng Pilipinas. Please read more below:

"This is an appeal to vote for our Palawan Underwater River to become one of the Seven Wonders of the World. Before, we are first in the Group E category but now we are only second to the Amazon River. The Amazon River is being supported by 9 countries. Let's show our unity and vote for one of our national treasures. An appeal is being sent out to all Filipinos and friends to vote. Log on to www.New7Wonders.com and vote for Puerto Princesa Subterranean National Park under Group E. That is the Philippines' official name entry for our underwater river. If you haven't voted yet, vote now. We still have 5 days to do this as July 7 is the deadline. Thanks and please pass to everybody."
Related Posts with Thumbnails