Wednesday, October 26, 2005

Halloween ka dyan!

A few weeks ago, na-discover ko sa aking mga violinist fwends na meron palang device na pangkabit sa violin para hindi masyado malakas ang tunog. Mute daw ang tawag dun. Very ideal pag meron kang marereklamong kapit-room (sa mga boarding houses for example, di ba Joy-cee?) na OA mangatok kapag nagpa-practice ka ng tugtog.

Nung una, naisip kong hindi ko naman kailangan yun dahil hindi naman nakadikit yung bahay ng kapitbahay namin sa amin. Although nililipad talaga ng hangin yung sound. Dati nga comment ng brother ko, rinig daw yung pagti-tinwhistle ko hanggang dun sa kanto sa kabilang kalsada. Eh tinwhistle pa lang yun!

Tapos lately, ang nagiging ideal time para sa kin na mag-practice ng violin eh bandang gabi na, tipong past 9 or 10pm pag nag-retire na ang mga bata sa kwarto nila at kami na lang ni James ang gising. Na-realize ko na medyo malakas lalo ang tunog pag tahimik na ang paligid. Buti sana kapag hapon kasi maingay ang daan ng mga vehicles dun sa tapat (tabing national road kasi kami).

So kanina, tinext ko ang brother ko na hanapan ako ng violin mute sa JB (may discount card kasi sya dun). Tanong nya bakit ko daw kelangan. Kako kasi minsan gabi na ko nakaka-practice eh nakakahiya sa kapitbahay dahil ang dami pang sabit. Ang sagot ba naman "Siguro akala nila meron ka dyang hinihilang ataul at pinapa-aga mo ang Halloween. Maiisip tuloy nilang dumadalaw si Mang Johnny" (yung kapitbahay naming kamamatay lang a few months ago). Mokong talaga yung kapatid ko, para tuloy akong sirang tawa ng tawa habang nagbabayad sa cashier sa grocery store kanina.

Now I know, bukod sa kengkoy kong asawa, may isa pang obvious na pinagmanahan ang mga anak ko sa pagiging pasaway! :p

Friday, October 21, 2005

Pilosopong bata

Kahapon, umiral na naman ang kulit ni Deden. Nakakuha ng magnifying glass dun sa isa nilang book of nature finders at dahil pinakitaan ng mga kuya nya dati paano magsunog ng dahon using that and the sunlight, ayun pumunta sa second floor terrace (hindi sya makalabas sa garahe kasi nakawala sa cage si Panda eh di ko kaya ibalik dahil ang bigat) at doon naghanap na makakalikot.

Nung nakita kong nagdala na ng monoblock chair para tayuan pa at mag-reach sa aking mga herbs na naka-hang, naku nag-freak out ako at baka malaglag sa baba! Sabi ko pasok na sya kasi baka mahulog. Ang tigas ng ulo, ayaw talaga papigil. So I tried to reason with him, “Alam mo bang mahal na mahal kita kaya ayaw kita mahulog dyan?”

Ang sagot ni kulit with matching kamay sa dibdib (imagine a telenovela scene) “Ha?! Ako mahal? Binili mo ako? Makano Mommy?” Pramis, na-speechless ako bigla sa pagka-pilosopo niya bago ko nakuhang matawa. “Ah ganun? Hindi mo alam ibig sabihin ng mahal?” tanong ko. “Eh sabi mo mahal ako, kaya marami ka money? Pahingi!” Nyaaaah!

Tuesday, October 18, 2005

Sneaky

Nung Sabado, sa Megamall kami nag-lunch ng dalawa kong tsikiting. Papunta kasi kami sa isang get-together ng mga ka-egroup ko sa smartparenting. Since meryenda lang ang food dun, naghanap muna kami ng makakainan ng lunch.

Sabi ni Josh gusto nya ng pizza while Deden wants chicken. Eh di ba sale so ang daming tao. Nung nakita kong wala masyado tao sa loob ng Pizza Hut, sabi ko dun na lang kami. We just ordered one regular pizza, yung apatan na chicken wings saka dalawang regular iced tea. Gusto pa sana ni Josh ng bottomless eh for sure di naman sulit sa amin yun dahil mahina kami uminom.

Mentally, I calculated na aabutin ng P400+ yung bill. Kako di bale, minsan ko lang naman ma-treat itong mga bata sa labas kasi malimit puro gastos sa pa-check ups ni James ang bina-budgetan ko.

Nung dumating yung bill, medyo nagulat ako kasi P500+. Pero since nagmamadali kami dahil baka ma-late dun sa pupuntahan namin, hindi ko na masyado natingnan yung resibo. I paid P510.00 and may sukli pang P4.00. Kinuha ko lang yung receipt tapos tumayo na ako, iniwan ko yung coins. Etong si Deden, dinampot at ihuhulog daw nya sa kanyang “alakansya”. Dahil nga gusto ko na umalis, di na ako nag-argue. Sorry na lang yung nag-serve at nawala pa yung konting tip. Oo kuripot ako sa mga ganun dahil alam kong may service charge na naman silang kinuha eh.

In retrospect, buti na rin pala hindi na naiwan. Ni-double check ko kasi yung charges dahil nga I had a niggling feeling na ba’t parang sobra ata ang binayaran ko eh hindi nga ako gaanong nabusog! Nung tiningnan ko na sa bahay yung resibo (ina-account ko kasi ang mga gastos namin sa isang notebook at the end of each day), feeling ko na-holdap ako ng walang kalaban-laban. Bakit? Kasi doble-doble ang extras! Grrr!

Eto ang specifics ha:

Regular cheesy bacon pizza w/ cheesy crust = P249.50
Chicken Wings (4 pcs.) = 99.00
2 glasses of iced tea at P35@ = 70.00
Service Charge = 41.75
Sub-Total = 460.25
VAT = 41.84
Local Tax = 4.18
Total Amount = P506.28
(Kapag may taga-Pizza Hut na kukwestyunin ako, ibabandera ko sa kanila yung resibo!)

Akala ko ba yang VAT bill na yan eh Nov. 1 pa uumpisahan?????????? (Mga Kaze, N.S. o, hehehe) tapos eto at pinapatupad na pala. I mean, I’m all for paying taxes and giving what is due, (yes, including services charges) pero sobrang underhanded naman ata na maglalagay sila na ganito ang amount ng isang product sa menu tapos pagdating ng bill, 20% dun hindi mo naman kinain?! Unfair naman ata di ba?

Paano pala yung mga taong kakain sa kanila tapos eto lang ang dalang pera, thinking it’s enough pag nag-compute based on the menu di ba? Ano, paghuhugasin nila ng pinggan?

I’ve eaten in Pizza Hut before pero nung Saturday ko lang talaga napansin yung exorbitant extra charges nila. Bago lang kaya yun? Kung ano pa man, sneaky pa rin ang dating. Buti pa sa ibang fast foods like Jollibee, McDo or ChowKing, kung ano ang nandun na price, yung lang talaga ang babayaran mo. O iba na rin pala ngayon?

Hay, the rantings of a practical mom …. pagbigyan nyo na po …. nakaka-frustrate kasi sa Pilipinas, ang hirap na nga ng buhay, lalo pang pinapahirap ng mga kayang manlamang :(

Thursday, October 13, 2005

Ang gusto ko ay ...

Nakakatawa itong mga anak ko, tuwing umaga na lang sa breakfast, kanya-kanya ng request na palaman at drinks. Yung dalawang malaki, Milo ang titimplahin while si Deden maghahanap ng “melk” (hay naku, nahahawa kay yaya!).

Para mabilis, (lalo na kung male-late na sa school at tinanghaling gumising) usually isa sa aming adults ang magpapalaman ng sandwiches nila. Eto na, lalabas na ang mga preferences … Si Leland solid Chiz Whiz (tama ba sfelling ko?), si Josh either peanut butter or sandwich spread ang gusto, si Deden sisingit ng “I want Star Margarine! Yung may sugar ha!” hehehe, cowboy!

Tapos lately, ang type na nitong si liit, walang palaman basta kelangan daw toasted yung bread. Kanina lang nag-request ng meryenda, “Mommy ipag-toast mo po ako nung round na bread na ginamit natin sa burgers kahapon. Wag malambot ha, gusto ko yung matigas na crunchy!” Weird na bata hahaha.
Related Posts with Thumbnails