Pasalubong
Natutuwa naman ako sa asawa ko. Nakauwi kagabi 3 am na kasi nag-dismantle pa sila ng World Vision booth sa Megamall. Tapos me bitbit na rosemary plant for me. Ang bango-bango! Kasi last day na nila kahapon sa Megamall eh baka matagalan bago daw sya makabalik doon. Loko talaga yun kasi nung binili daw nya, may bitbit syang iced tea tapos sinubukan muna daw nyang maglagay ng ilang dahon pang-testing. Hehehe, nata-trial pala ang herbs. Ayun masarap daw kasi may minty undertones.
Alam nya kasing aliw ako sa herbs these days. I was given seedlings ng Basil, Lemon Grass at Tarragon (yung Mint namatay, zayang!) nung isang horticulture professor na na-interview ko for a Vegetable and Herbs article two months ago. Gamit na gamit ko yung Basil sa mga tomato dishes like spaghetti and menudo. Ang bango ng dish lalo na kasi fresh leaves ang nilalagay ko. Eto at nag-iisip na ako san ko pwede gamitin yung Rosemary. Yung Lemon Grass nagamit ko kasama sa water, garlic and salt na pangpakulo ng chicken bago i-fry. Wagi!
Ang sarap ng feeling kapag nakakaluto ako ng may ingredients straight from the garden. Last year bumili si Leland sa school nila ng pechay seeds (during nutrition month) at napakinabangan namin yung mga gulay na na-grow namin! Kaso last week ang bitbit ni pogi eh Sunflower seeds. Sabi ko bakit hindi gulay, eh na-sales talk nung nagbebenta na masarap daw ang Sunflower seeds pag tumubo na. Ngak, eh ang pangit-pangit ng lasa nun! Kaya ayun, next week maghahanap kami ng place para sa seeds nya. Sana lang tumubo at mamulaklak para naman makaramdam ulit ng feeling of accomplishment itong anak ko like last year with the pechay. ;-)
Sunday, July 25, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment