Noon pa, naiinis ako every time sasakay ako ng taxi tapos hindi ako susuklian kahit pa ang laki ng dapat ibalik na pera sa akin. Hindi sa kuripot, pero right natin yun as passengers eh! Kung sa jeep nga, yung mga taong nagbabayad ng P10 automatic sinusuklian ng drivers ng P3, bakit sa taxi, ini-expect ng drivers na kanila na yung P20 or more na hindi naman kasama sa metro?
May times pa, sasabihan kang "Magdagdag ka naman Mam! Ang taas na kasi ng bilihin/gas ngayon!" as if naman hindi ako apektado ng price increases! Kaya as much as possible, hindi ako talaga sumasakay sa taxi lalo na kung hindi ako nagmamadali. I'd rather walk or sumakay ng jeep/bus/fx/mrt kasi mas honest ang mga drivers doon.
Minsan lang, nakakaasar din sa jeep at bus kapag magbabayad ka para sa 'yo at sa anak mong studyante tapos bingi-bingihan ang driver or konduktor. Kung di mo uuliting sabihin, hindi ka susuklian ng tama. Or, mangangatwiran ng pabalang na "Sabado ngayon, walang pasok!" Duh? Kahit pa Linggo o holiday o mahabang bakasyon, nagbabago ba ang status ng studyante? May sweldo ba sila pag weekends or summer kaya di sila entitled sa Student Discount? Sana linawin ng gobyerno ang batas tungkol dito. At least ang Senior Citizens, all year round 20% discount sila sa pasahe.
Anyway, napikon na ako ng todo kanina nung sumakay ako ng taxi along Kalaw Ave. around 10:30 a.m. Nagmamadali kasi ako dahil late na ako sa isang event sa Museo Pambata. Nung sumakay ako ng Jessica taxi with plate number PYA 346, may sinasagot akong text ng Nanay ko so hindi ko kaagad napansin na hindi ni-reset ng driver ang metro. Nung tumigil sa stop light, napansin kong pinatay nya yung metro. Pagdating sa destination ko, na wala pang isang kilometro mula dun sa pinanggalingan ko, nag-abot ako ng P50 kasi yun lang ang smallest bill ko.
Hindi gumalaw ang driver. Ine-expect yatang bumaba na lang ako and leave it at that. Eto ang naging conversation namin:
Me: Sukli ko kuya? Hindi ka nag-flag down, dapat P30.00 lang pasahe ko. Wala pang isang kilometro ah.
Driver: Aba, P35.00 naman Mam!
Me: Fine. Asan ang sukli ko?
Inabutan ako ng P10 coin.
Me: Kulang ng P5
Driver: Wala na akong barya eh!
Tama ba naman yun?! Buti na lang, nung isang gabi, nakita ko ang Twitter post ni Kara David about the LTFRB hotlines. Kaninang hapon, tinawagan ko yung 4262515. Hindi ako naghintay ng matagal at walang press 1, press 2 ek-ek.Nakausap ko si Mr. Ryan Salvador at very patient n'yang pinakinggan ang kwento ko. Even before ko itanong ano'ng action ang pwede nilang gawin, inexplain n'ya agad na ii-inform nila ang operator ng taxi at papadalhan nila ako ng feedback within three weeks. Sabi pa nya, 7:30 a.m. - 6 p.m. lang yung hotline pero pwedeng mag-text ng reklamo anytime sa 0921-4487777. Sure daw na sasagutin yun the next day kung lampas na ng 6 p.m. ka nag-text.
Simulan natin ang pagbabago sa sarili natin. Huwag tayong maging apathetic sa mga nangyayari sa paligid natin. Magsumbong tayo sa proper venues kung may nakikita tayong mali. Start with abusive public utility vehicles (taxi, jeep, bus at fx). Mag-report tayo ng overcharging, refusing to take in passengers, smoke belching, and other violations. Kung mas maraming masa-sanction, mas mabilis sigurong titino ang mga mahilig mang-gulang ng pasahero.
Sana lahat tayo, tumulong sa kampanyang ito para sa magandang pagbabago ng mga Pilipino at ng bansa natin as a whole. Para naman sa ating lahat ito eh.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment