Friday, April 23, 2010

Galing Pinoy at the Manila F.A.M.E. International Trade Show

Sa mga kababayan ko, paki-bisita na lang yung kabilang blog ko para sa mga detalye. Just sharing my experience sa Manila F.A.M.E. kahapon. Sobra, as in sobrang gaganda ng mga produktong Pinoy doon!!!

Eto ang ilang photos:
Doc's Candles

Asia Embroidery, Inc.

Ben Farrales, design Icon

GSG by Flora Creatives

Pakibasa na lang yung blog entry ko dito and paki-bisita yung picture gallery dito :) Maraming salamat!

Monday, April 19, 2010

Ah, yun pala ang tawag sa kanila!

Nakakareceive ka ba ng text or social networking site shoutouts na ganito: 'e0wSsZz pOwhhZzmUsZtAhH nUah pOwhHzz kEowHsz?'

Personally, naloloka ako everytime nakakabasa ako ng ganyan. Para akong nauubusan ng hininga sa pagbasa ng mga salitang poh, etoh, etc. Kanina ko lang nalaman na may term na pala sa mga taong ganito mag-type.

Alamin dito kung ano ba exactly ang mga "Jejemon" :p

Saturday, April 17, 2010

Kudos to 7-Eleven!


Bilib naman ako sa informal na survey ng 7-Eleven. Great use of technology! Sa mga hindi nakakaalam, yung mga GULP cups na may mukha at kulay ng different presidentiables, may kanya-kanyang bar codes so nata-track nila kung alin ang pinakamaraming binibili ng mga customers.

Binisita ko yung website ng 7-Elections. Mas lalo ako na-amaze kasi pwede rin pala makita ang statistics per city/municipality sa buong Luzon.

BTW, meron din silang contest to get free limited edition Gulp gift certificates! Contest page can be found here. They draw 500 winners per week until the May 10 elections. Shempre nag-sign up ako :p

Habang naghihintay pa ako ng results kung nanalo ako, next labas ko nga, bibili na ako ng GULP drink na nasa cup na kulay dilaw :)

Monday, April 12, 2010

Good Buy!

Nakita ko ito sa discounts shelf ng Shopwise last week.


Not bad! For only P30.00 worth of Maggi Magic Sarap, may free na 12 pieces of Maggi Magic Sabaw. P60.00 savings nga!


Within this week, magluluto ako ng chicken tinola so masusubukan ko kung talagang masarap yung Magic Sabaw as advertised by Ate Shawie :)

Thursday, April 08, 2010

Tulong Para sa mga Bata ng Wawa National High School

Pakibisita ang blog ng Isang Bata at alamin kung paano makakatulong sa organization na ito. Maraming salamat :)
Related Posts with Thumbnails