Two weeks ago, naggo-grocery kami sa SaveMore Alabang nung nakita ni Josh yung Coke booth na may colorful glasses and plates na naka-display. Binasa n'ya yung poster and nag-ask kung pwede daw kami bumili ng tatlong Coke 1.5L para maka-claim s'ya ng glass.
Actually, I don't encourage my kids to drink sodas. Paminsan-minsan lang talaga and, as much as possible, kapag sa parties lang na ina-attendan namin kung walang sini-serve na juices.
Pero sige. Since magpa-Pasko naman, pinagbigyan ko na. Pinili n'ya yung red glass which looks good enough sa malayo although plastic lang pala s'ya. Unlike yung magagandang glasses from McDo dati na made of glass daw talaga (according to my friends who are Coke drinkers and who did collect the glasses during the McDo promo).
Anyway, nakalagay din doon sa Coke poster na pwede mag-exchange ng seven caps na may Santa Claus logo para naman dun sa plates. Eh tatlo lang yung crowns namin.
So last Christmas, I ended up gathering the Coke caps from my mom's house when we went there for lunch. Naka-ipon kami ng pito! hahaha.
Nga lang, noong pinapalitan na namin ng plate yung caps the next time we went to the grocery, na-disappoint naman ako kasi ang nipis-nipis nung plate. Maganda lang yung design pero mukhang di s'ya magandang gamitin. May mga gusot-gusot na part pa dun sa ibabaw as if hindi man lang inayos ang pagdikit nung design na kapag kinainan mo eh matutuklap.
Ending? Ayun, baka pang-display na lang ang mangyayari sa kanya during the Christmas season. Hmmm, 'di kaya yun lang talaga ang purpose for those plates?
Hay naku, another disappointing promo na puro hype lang. Ang yaman-yaman ng Coca-Cola, sana mang lang may kalidad talaga yung pinamigay nilang items :S