Saturday, September 15, 2007

Taxes sa Air Parcels na Kinukuha sa Post Office

About two weeks ago, nakatanggap ako ng registered mail notice galing sa Alabang Post Office. Sumubok akong tumawag para itanong kung saan galing kasi wala naman akong ini-expect na importanteng sulat. It turned out na may air parcel daw ako galing sa US na padala ng American friend kong may mga anak ding naka-tube feeding.

Akala ko kasi ipapadala niya sa hipag ko sa California yung mga ibibigay nyang gamit para kay James, para sister-in-law ko na lang ang magpapadala dito. It turned out na diniretso na lang i-mail papuntang Pilipinas ng friend ko yung mga feeding tubes, syringes and special gauzes. According to her email a day later, para daw magamit agad ni James.

Nung kinuha ko yung box, hiningan ako ng P35 as Custom Fee daw. Since maliit naman yung amount, binayaran ko and nagbigay naman sila ng official receipt.

Tapos two days ago, naka-receive na naman ako ng notice. This time, alam ko ng may paparating, kasi binanggit na sa akin ni Diane na may susunod na package na may lamang tubefeeding pump, feeding bags, formulas, etc. Pagtawag ko sa Alabang office, sabi nila wala sa kanila yung package at mag-inquire ako sa Las Pinas Post Office kasi daw mukhang subject to custom inspection yung contents kaya dun bumagsak.

So tumawag ako ng LP post office to ask kung gaano ba kalaki yung box kasi baka mahirapan ako ulit i-commute pauwi like last time. Wow, ang sagot ba naman, "Ay naku, basta malaki yun kung air parcel. Pumarito ka na lang at kunin mo!" Ang taray!

So hinintay ko muna kung kailan libre ang asawa ko para masamahan ako ng naka-van. Ang layo kaya ng Las Pinas! Saka ilang sakay sa jeep at tricycles ako pag nagkataon. Eh pano kung malaki at mabigat yung box?!

Kahapon, natuloy kaming pumunta. Habang tulog pa si James, ibinilin muna namin sya kay bunso na bantayan hanggang dumating si Kuya Jo nya from school na mas marunong mag-alaga kay James. Pagdating doon, medyo natagalan pa bago kami na-entertain kasi di masyadong namamansin yung mga tao sa parcel receiving area. After ma-verify yung ID ko, pinagbayad ako ng P35 dun sa isang window. Again, may official receipt.

Pagbalik ko dun sa packages counter, ilang minutes ulit bago nila inilabas yung box. Tapos sinabihan kaming kelangan nilang buksan yun to check the contents. Naghintay ulit kami ng medyo matagal before dumating yung magi-inspect. Tapos isa-isang nilabas yung mga nasa loob ng box.

After another long wait, may binigay sa aking papel. Na-confuse ako kasi may mga computations. Nakalagay dun:
Customs Duty – P178
Evat – P799
Import Processing Fee – P250
Customs Docu Stamp - P250
BIR tax - P15
Amount Payable - P1492

"Mam, ano ho ito?" tanong ko. "Yan ang babayaran nyo pa," sagot nung ale. Huwaaaat???! Nung tinanong ko ulit bakit ganun kalaki, may binigay sa aking four or five pages ata yun na Xerox copied documents. "Ayan, basahin mo para maintindihan nyo bakit kayo kailangang magbayad. Based yung computation sa assessed value ng contents nung box nyo." Kung paano inassess at paano nila nalaman magkano ba yung mga laman (ako nga wala akong idea eh!) bukod dun sa paano sila nakarating sa P1492, hindi ko na alam.

contents ng kahon
So binasa ko. Pero confused pa rin ako kasi sabi dun, (ang intindi ko ha) yung nagpadala galing sa ibang bansa, hindi nagbayad ng tax sa Pinas kaya yung recipient ng parcel, sila ang dapat mag-shoulder. Eh di lalo akong nalito kasi yung postage na lang dun sa box, $76.70 na!

Pagtingin ko sa wallet ko, P500 lang cash ko. Si hubby, P700 lang. Kako, hanap na lang sya ng ATM muna para mag-withdraw. Ako, nagpa-iwan na lang dun sa post office. Sa layo ng pinakamalapit na BPI bank, natagalan bago nakarating pabalik asawa ko.

Tapos chinika ako nung ale sa counter. Ano daw ba yung mga laman nung box namin? So inexplain ko na feeding equipment para sa anak kong sa tube lang na nakakabit sa tiyan niya nakakakain. Kako bigay nung kaibigan ko kasi sa US naman, maraming surplus ang mga Kano kasi insurance ang nagbabayad ng lahat ng needs ng mga anak nilang may special needs. Yung sobra, ni-share sa anak ko.

Pagdating ni hubby, tinanong ako kung binasa ko na daw ba yung documents at ano nga daw bang dahilan bakit kelangan naming magbayad pa. Nanghihinayang din kami kasi yung ibabayad namin, pambili na sana ng Pediasure ni James.

Nung sinabi kong hindi ko pa rin magets yung logic ng customs, umandar na ang pagka-PR ni mister. "Mam, ba’t naman ho ganito kalaki yung babayaran namin? Eh kung tutuusin, yang mga gamit na yan, donation sa anak naming may cerebral palsy kasi di namin kayang bumili ng mga ganyan." Basta explain, explain sya dun sa mga ale.

Binanggit pa namin na two weeks ago nga, sa Alabang PO nag-claim din ako ng package from the same sender, P35 lang pinabayad sa akin. Ang sabi ba naman, "Ay naku, smuggled yun! Lahat ng package dito sa amin dapat dumadaan." Ngek! Pano kaya nangyari yun? Eh marami din naman akong nakitang boxes dun sa Alabang na naka-stack. Ay basta, ini-insist nilang smuggled daw yung unang package na nakuha ko. Kahit pa ini-insist kong may official receipt na binigay, ayaw nilang maniwala. (Pagdating sa bahay, pinag-compare ko yung receipts from Alabang at Las Pinas, pramis, OR # lang ang pinagkaiba!)

Maya-maya, sabi nung parang head nila. "Sige, tingnan natin kung pwede itong ma-under sa exemption. Itatawag namin." Ayun, after several minutes, biglang ok na daw, pumayag daw yung boss nila (hu dat?) at pwede na daw hindi kami magbayad. Hay, ang laking buntong-hininga ko kasi kung ako lang pala ang nag-claim, malamang nagbayad ako without arguing. Mahina talaga ko sa negotiations.

Yung katabi kong babae na nagki-claim din, bumulong sa akin, "Sobra naman, pwede naman palang hindi bayaran, sisingilin pa kayo ng P1000+! Kawawa na nga anak nyo!" Hay, buti na lang talaga at hindi na kami nakapaglabas ng P1k+. Isang malaking can na yun ng gatas at diapers ni James.

Ngayon ang medyo nagwo-worry ako, may paparating pa daw na pinaglakihang wheelchair nung anak ng kaibigan ko na ipapadala nya ulit para kay James. Sana naman kung sakaling sa LP na naman bumagsak, wag na nila kami hingan ng extra fees. Buti sana kung mayaman kami :(



6 comments:

Anonymous said...

hello, ano kaya gagawin ko kasi galing din me post office ng airport road at ganun din charge sakin, almost 50% nong actual amount ng item.. Vonage phone naman yung sakin, dko pa naclaim kasi talagang wala akong dalang pera, balik nalang daw ako pero parang ayaw kung kunin.

Mom said...

Hi Jhen,

I sympathize. It's very unfair (and mind-boggling) how those people at the post office come up with those computations. I've sent a request to GMA's Reporter's Notebook to feature this topic in their show. Perhaps, if they do some in-depth investigation, a lot of us will be enlightened on what's fair and what's not.

nikka said...

hello, mas grabe naman sakin taga rito rin po ako sa Las PiƱas... nag claimed ako ng padala saki na digital cam from Denmark and marked yun as a gift.. so that means wala na kong babayaran sa pagki claim nun... eh di una pinagbayad din ako ng P35 pesos.. okay lang yun... tapos may babae akong kasabay din na magki claim nagulat ako kase nakita kong may binigay na resibo sa kanya... at ang item na babayaran nya ay isang Levis jeans na hindi ko alam kung san galing... Tapos tinanong ko yung babae kung para san yun sabi nya kurakot daw ng custom... tapos naawa ako sa kanya kase isang pantalo na nga lang yun hindi nya pa nakuha... mantakin niyo P1,900 something yung babayaran nya..

Eh di ako na, nung ibibigay na sakin yung resibo medyo kinakabahan na ko... Grabe nagulat ako kase P3,503 pesos ang kelangan kong bayaran para makuha yung akin... Eh di nagtanong din ako kung bakit ganun kalaki... At pinaliwanag na nga na taxes daw at etc...

Nag-isip tuloy ako ngayon, pano ko ba mababayaran yun eh ang laki halos ka price na rin ng brand new na digital cam kung tutuusin konti na lang idadagdag ko eh second hand lang naman yung ipinadala sakin.. Maya-maya bumalik ako para makiusap.. Pag balik ko sabi sakin ng babae dun sa cusom ng pabulong na "'magbabayad ka na ba? halika"..
sagot ko naman "hindi pa po may sasabihin lang sana ako..." sabi niya "halika pasok ka dito sa loob".. pag pasok ko pinaupo nya ko then sabi niya "ano miss kukuninn mo na ba?" sabi ko naman "Maam,hindi nyo ho ba pwedeng bawasan ito kase po wala po akong ganyang kalaking perang dala"... Ang sabi niya "eh magkano ba ang kaya mo?" sabi ko "baka naman ho pedeng 500 na lang.." ayun pinagtawanan lang ako.. Sabi nya matutulungan niya raw ako na bawasan yung price ng 1,000 pesos pero hindi raw ako pwedeng tumawad na lalagpas pa sa kalahati ng presyong babayran ko... sabi ko "eh maam hindi naman po ako mayaman eh.. kaya nga ko pinadalahan lnyan kase wala akong pambili nyan saka sabi sa akin ng nagpadala wala na raw po akong babayaran dahil bnyaran nya na lahat sa Denmark yan as a Gift..." Aun sabi lang nya "wala akong magagawa.. May 30 days ka pa naman eh pag ipunan mo muna..." (takot lang ako kase opened na yun eh baka gamitin nila or galawain).. Eh paano kung masira?.. hindi ko pa nga nahahawakan hindi ko na agad mapapakinabangan... (Ang kapal talaga ng mukha sa custom) Kung alam ko nga lang kung san pwede lumapit para matigil yung katiwaliang ginagawa nila eh.. sumasahod naman sila eh bat kelangan pang mangurakot... ang Pilipinas talaga sagana sa corruption.. Tsk tsk.. Ayun no choice ako babayaran ko na lang kesa naman mapasakanila lang yung digicam... Karmahin na lang sila sa pinaggagagwa nila.. Sna naman may gumawa ng way para matigil na ang katiwaliang nagaganap sa customs...

truthwillsetyoufree said...

Totoong kurakot ang CUSTOMS sa las pinas. Ang nakausap ko naman, CARLOTA CABERTO. May binili lang ako na plastic toy sa ebay. 15 dollars lang ang presyo nun ha. Tapos gift item lang yun kasi alam ng seller na grabe ang customs sa Pilipinas. Nakakahiya tayo sa ibang bansa diba. Merong mga computation na binigay sa akin. Fixed na daw na 515 pesos/ plus 5 percent ng value daw plus another 12% vat ng lahat lahat. Ang laking kalokohan. Singilin ba naman ako ng 1,140 para lang sa isang bagay na ang katumbas ay 600++. Ayoko na makipag negiotiate. Alam ko naman ang gusto lang nila ng lagay. Inisip ko nalang na may KARMA din yang mga hayup na yun. CARLOTA CABERTO, KUNG MABABASA MO ITO. MAHIYA KA NAMAN. KAPAL NG MUKHA MO!

Anonymous said...

Hi. What if the package was worth 2,500? how much do you think i would need to pay? the item is not an electronic gadget.

Ruth Floresca said...

Sorry Anonymous, I really have no idea. All I know is that there's a standard fee of P35 for claiming packages from abroad from the post office. Yun, may official receipt na binibigay.

In my opinion, dapat hanggang dun lang ang bayad kasi nabayaran na nung nagpadala ang postage nung item eh. Kikil lang talaga yung customs fees ek-ek na sinasabi ng mga taga-post office :(

Related Posts with Thumbnails