Monday, April 25, 2011

Bagong Kanta Tungkol sa Pilipinas

Naaaliw ako kapag may nababalitaan akong foreigners na kumakanta ng awiting Pinoy. Mas nakaka-impress kapag nagco-compose sila ng kanta tungkol sa Pilipinas. Here's the lyrics to one such song written by Julien Drolon, a French music artist:


PHIL SO GOOD Lyrics

Paradise islands, white sand beach
Tropical jungles where tribes still live
Land of Rizal and the guitar strings
Gotta find some time to live it here

I am in the Philippines x 3
And I feel so good, so good

People speak tagalog, sometimes taglish
They love to have fun, they know how to live
With a warm welcome, they will make you feel
Like it is your turn to smile and sing

I am in the Philippines x 3
And I feel so good, so good

comma down selectah…
seat back relax uminum ng beer
itaas ang bote isigaw ang cheers
lay back, while listenin smooth jazz and
feel the cold breeze and keep the wheels blazin
cause all we need is a time to relax
ihanda na ang serbeza lets drink some wapak
sige sige dont stop, non stop ang saya
pag-katapos ng lahat libutin luzviminda
tawagan mo na si jo and i will text julien
hatakin na si joven all over again
cause the best thing in life is life and that’s true
huwag hayaan ang saya lagpasan ka nito
take a zip just a trip and take a deep breath
libutin tiaong gubat all by your self
fiyah grill, cold beer, lay back and chill
watch the daet sunsets thats the thrill
sounds cool huh

I am in the Philippines x 3
And I feel so good, so good
Boracay in summer, I went there twice
Wanna feel colder, go to the rice terraces
Palawan is where I took my love
She wanted a romance under the sun
Surf is the best in Siargao
You can also dance up to Malasimbo
And when I need a break from Manila
I got a secret place that I won’t say to ya

I am in the Philippines x 3
And I feel so good, so good


Song Credits:

Julien Drolon: songwriting english part/vocal/production
Leal Nanca: songwriting tagalog part/ rap/ keyboards
Jojo Duenas: Arrangement/ bass
Enzo Queyquep: Guitars
Paolo Santiago: Drums
Girlie Capulso: back up vocals

Recorded at Tracks by Angee Rozul
Mixed and Produced by Angee Rozul

Below is a video of the song that I found on YouTube. Medyo malabo nga lang pakinggan. If you want to listen to a clear mp3 copy, download Phil So Good for free sa www.orangemagazinetv.com

To know more about Julien Drolon, paki-bisita yung isa ko pang blog

Thursday, April 14, 2011

Summer Katatawanan Handog ng Star Cinema at M-Zet Productions

Sa April 23, kalimutan muna ang mga problema at manood ng pinakabagong comedy na dinirek ni Tony Reyes at pinagbibidahan ng mga talents mula sa Star Cinema at M-Zet Productions.

Mabigat ang casting ng Pak! Pak! My Dr. Kwak! dahil talaga namang star-studded ang pelikulang ito. Pinangungunahan ito nina Vic Sotto, Bea Alonzo, Zaijan Jaranilla, Xyriel Manabat at Pokwang. Andun din sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Joonie Gamboa, Jon Avila, Victor Basa, Johnny Revilla, Dextor Doria, at Paw Diaz. Mayroon ding special participation nina Peque Gallaga, Anjo Yllana, Bella Flores, at Joey de Leon.


Ito ang kuwento ng isang anghel (Jaranilla) na naparusahan sa langit at pinababa sa lupa. Assignment niya na mapagbagong-buhay ang isang fake healer (Sotto). Nang magkakilala ang dalawa at nalaman ni Angelo na nakakagawa ng milagro si Anghelito, ginamit n'ya ang anghel sa kanyang ilegal na negosyo. Ang usapan nila, ang bawat milagro na gagawin ni Angelito ay dapat may katumbas na gawing kabutihan si Angelo.


Samantala, nakilala rin ni Angelito si Cielo (Alonzo), isang doctor na galit kay Angelo dahil sa pagiging fake healer nito. Kaya binalak ng anghel na magkabati ang dalawang taga-lupa. Nang tumagal-tagal, napalapit ang loob ni Angelito sa kanyang mga kaibigan at hindi na niya masiguro kung gugustuhin pa niyang bumalik sa langit o manatili na lang sa lupa. 


Maraming twist ang istoryang ito na nag-uumapaw sa katatawanan. Abangan at manood ng Pak! Pak! My Dr. Kwak! simula April 23, Sabado, sa mahigit 100 na sinehan sa buong Pilipinas. Para sa karagdagang impormasyon, mag log-on sa www.starcinema.com.ph, www.facebook.com/starcinema, www.twitter.com/starcinema, at www.starcinema.multiply.com.

Para makita ang mga litratong kuha ko noong Press Con last April 7, paki-click lang dito.

Tuesday, April 05, 2011

One of the Best Nestle Commercials Ever!

Napapaghalatang hindi ako masyado nakakanood ng TV lately sa sobrang dami ng trabaho. Buti na lang nakaka-check pa ako ng Facebook kung saan ko nakita ang commercial na ito na ni-post ng isang kaibigan ko. Ang galing-galing ng pagkagawa! Very smooth ng transitions from one life stage to another, in good taste ang subtle na promotion ng Nestle products during each scene, at very appropriate ang kanta. Timeless talaga ang marami sa compositions ng Apo Hiking Society. Panalo!

Enjoy watching. I'm sure maraming moments sa video na ito ang makaka-relate din kayo :)

Related Posts with Thumbnails