Hindi ako nanunood ng game shows or variety shows sa local channels. Pero nanay ako at nasasaktan kapag may nababalitaan akong mga batang naaagrabyado. Nung nabasa ko sa Facebook ang mga balita tungkol sa pag-iyak ng isang bata sa Wiling Willie habang sumasayaw ala-macho dancer, sinadya kong hindi panuorin ang kumakalat na video.
Tama na yung alam ko ano ang reaksyon ng karamihan. Lahat halos ng nabasa kong comments ay negative. Ayoko nang ma-imprint sa isip ko ang itsura nung bata habang tila tino-torture sa harap ng napakaraming tao. Alam ko kasing maiiyak lang ako sa awa at inis kung papanoorin ko pa.
Kanina, napunta ako sa isang blog kung saan naka-post ang partial na listahan ng mga advertisers ng Wiling Willie. Nung nag-search ako, may isa pang website na mas marami ang nakalista. Meron doon na ginagamit namin dito sa bahay. Mukhang hindi muna ako bibili ng mga yun next time mag-grocery kami. Sorry po sa mga PRs na kilala kong nagha-handle ng iba sa mga products na nabanggit. I'm just making a stand.
Ika nga nung blog owner: "Here are the Willing Willie advertisers that rightfully deserve a boycott. Yes, maybe a boycott of his advertisers' products is the only way to end the national arrogance that is Willie Revillame..."
Share ko na rin lang kung ano yung mga advertisers na yun. I read yesterday na nag-express na ang CDO na magpu-pull out sila from the show. Sana nga. Pero for now, kasama pa sila sa listahan.
1. CDO Karne Norte
2. Pepsodent
3. Islander Sandals
4. Camella Homes
5. Cignal HD
6. Cebuana Lhuillier
7. Pau Liniment
8. Smart Wireless Telecom
9. Belo Medical Group
10. Oishi
11. Vaseline
12. Bench Daily Scent
13. Bench Wil Cologne
14. Wil Tower Mall
15. Techno Marine
16. Surf
17. UFC Ketchup
18. Smart C Juice Drink
Hindi ko intention na siraan si Willie Revillame. Matagal na n'yang ginagawa yun sa sarili n'ya. Ang sa akin lang, gusto kong makapag-express din ng disgust sa kung ano ang nire-represent n'ya sa bansang ito. Hindi s'ya savior ng mahihirap. Hindi uunlad ang Pilipinas kapag may mga taong gaya n'ya at mga game shows na nage-encourage ng maling pananaw tungkol sa pagsisikap (na pumila mula madaling araw para makapasok sa studio?) at sa pagpapayaman (sino ba ang tunay na umasenso dahil umasa lang sa swerte?)
Nakakalungkot ...