Mag-ingat sa Salisi Criminals!
Nanlambot ako kahapon nung nag-text ang kapatid ko na napasok ang bahay nila sa Project 7 ng magnanakaw. Dahil sa simpleng change of routine, hindi nila akalaing may mangyayaring ganun.
Early morning ng May 26, around 3:30a.m., sumabay ang brother ko sa sasakyan ng sister-in-law n'ya para umuwi sa bahay namin sa Laguna. Naiwan sa bahay ang hipag ko, nanay n'ya, niece na 10 years old at ang 3-month old kong pamangkin.
Bandang 7 a.m. ng dinala ng nanay ng hipag ko ang basura nila sa labas ng gate. Hindi na n'ya ni-padlock muna ang gate dahil paalis na rin ang hipag ko for work after a few minutes. Habang naliligo ang hipag ko, pinaakyat n'ya sa second floor si nanay para bantayan si baby. Tulog naman sa sala ang pamangkin n'ya. Kung nandoon ang brother ko, malamang s'ya ang nasa taas habang nasa baba na si nanay.
Paglabas ng hipag ko sa banyo, nagulat s'ya dahil bukas ang pinto at bukas ang gate. Wala na rin ang tatlong cell phones sa ibabaw ng entertainment center. May bakas ng paa sa kutson na tinutulugan ng pamangkin nya.
Tantya nila, wala pang isang minuto kasi hindi nakuha yung bag ng hipag ko na nasa sala rin. Cell phone lang talaga ang pinakay.
Ang pasalamat na lang naming lahat, walang nasaktan sa kanila. Mabuti na rin at hindi na nagising yung bata at hindi naabutan ng hipag ko yung magnanakaw paglabas niya ng banyo. Ang nakakatakot kasi, paano kung may sumigaw at bigla silang i-hostage sa loob ng bahay or saktan physically.
May isa silang kapitbahay na namukhaan pa yung mama. Malaking lalaki daw at may hawak na naka-fold na dyaryo. Natakot kami kasi baka may nakabalot na patalim sa loob. Akala ng kapitbahay, bisita nila dahil nag-"Tao po" pa daw.
Nung kumalat na ang balita, umikot pa ang ilang kapitbahay doon sa surrounding streets para hanapin yung mama. Di na nila nakita. Ni-try din nila ipa-ring ang cell phone ng hipag ko. Cannot be reached na ang number. Malamang naitapon na ang sim.
Nakaka-trauma ang nangyari. Kahit hindi nila na-encounter face-to-face yung kriminal, the thought na ganun kalakas ang loob n'yang pumasok sa isang bahay basta-basta, nakakakilabot isipin ano ang pwede pang nangyari. Sobrang thankful pa rin talaga kami dahil ni-protect ni Lord ang mga kamag-anak ko.
Sabi nga ng kapatid ko, ok na yun, cell phones lang ang nawala. Mapapalitan naman yun. Oo nga, tingin na lang kami sa positive side.
Kaya ingat din po tayong lahat. Malapit na ang pasukan at marami na namang desperadong tao na kapit sa patalim at gagawa ng kahit anong paraan para kumita :(
Wednesday, May 27, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)