Gasul Crisis
Sabi sa news nung umpisa ng taon, hanggang sa katapusan lang daw ng January yung shortage ng petroleum gas. Kaso mukhang tatagal pa ito hanggang March according sa Manila Bulletin website na nabasa ko kanina.
Ang nakakainis dito, hirap na nga ang mga tao maghanap ng gagamitin sa pang-luto, ang dami pang negosyante ang nananamantala! :(
Kasi last week, Thursday, naubusan na rin kami ng Gasul (yep, Petron yung gamit namin, hindi generic name ang sinasabi ko). Shempre nagtatawag kami nung mga LPG delivery services. Lahat ubos na ang stock. Pinaka-average price na na-quote nila was around P450 per 11kg tank.
Sabi ng mga nakausap namin, tawag na lang daw ulit kinabukasan ng maaga kasi baka may mga dumating na bago. So early Friday morning, tawag ulit kami. May isang tindahan na nangakong by 3p.m. daw makaka-deliver na sila. Nakapila daw kasi yung mga papagdalhan at isa lang ang delivery boy nila. Hiningi na yung pangalan ng asawa ko, address at phone number namin. Nakahinga na kami ng maluwag.
So dating gawi, bili na lang kami ng lutong ulam tapos saing sa rice cooker. Nung past 3p.m. na, nagfollow-up kami. Ayun, ubos na raw! Grrr, kainis di ba? Sabi nga ng hubby ko dun sa nakausap n'ya, "Sana di kayo nagsabi ng oras na magde-deliver kayo! Aasa-asa kaming meron tapos ngayon sasabihin ninyong wala?!" By then, kahit nagtawag pa kami sa ibang stores, wala na kaming naabutan as expected.
Early Saturday morning, naghanap na ako sa directory ng numbers ng Petron stations na malapit sa amin. Ang sagot, wala pang delivery at di nila alam kailan may darating. So bandang tanghali, nag-bike ang asawa ko para bumili ulit ng ulam sa may gate ng village namin.
May nakasalubong daw s'yang mama na naka-motor at may dalang tangke ng Gasul. Akala n'ya delivery boy pero customer pala na nag-iikot kung saan pwede bumili. Nabalitaan daw n'ya na meron dun sa tapat ng school ng mga anak namin.
So sumabay si hubby sa kotse ng kuya n'ya kasama yung empty LPG tank namin. Pagdating nila dun sa store, haba daw ng pila. Nung umikot pa sila ng konti, may nakita silang store na isang tank na lang ang naka-display. Ayun, pang-last si hubby sa nakabili. According to the tindero, lima-lima lang daw ang limit per store. Buti umabot pa kami dun sa last.
Ang bad trip lang, yung presyo, P498 na! Hindi na nga sila gumastos ng gas para mag-deliver, pinatungan pa nila yung presyo!
Yeah, I know -- Law of Supply and Demand. Pero 'di ba, sobrang nakakainsulto naman na by phone, mababa ang presyong binibigay nila sabay kabig na di na kayang mag-deliver kasi nagpupuntahan na ang mga tao sa kanila at dun pa lang sa mga pumipila, nauubos na. Pag pinuntahan mo, biglang tataas ang price kasi una-unahan daw. Duh?
Ano ba yan?! After sa pahirapang pila sa bigas, pati ba naman LPG?! Ano kayang pwede pang gawin ng gobyerno para mas lalo pang humirap ang buhay ng karaniwang Pilipino? :(
Tuesday, January 27, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)