Wednesday, October 22, 2008

Tepok!

Apat na araw mula ng mahuli ang ahas sa garahe namin, matapos na pangalanan ng asawa ko at mga anak ng “Slinky” (kahit na may violent objections ako!) at kung kailan kinuha ng asawa ko ang maliit na aquarium sa bahay ng nanay nya (ng hindi ko alam!) para paglagyan sa kanilang “pet”, ayun, nadedo na ang ahas. (Imagine my total relief! Ayokong mag-alaga ng ahas, hello!)

Kasi naman, yung balak dati na dalhin sa Parks and Wildlife (na sobrang layo sa amin, baka magtalunan sa jeep at bus ang mga makakasakay ng asawa ko kapag nakitang may dalang ahas) or ibenta sa Cartimar (na isa pang malayong lugar), hindi natuloy.



Buti na lang talaga at puyat ako nung gabi (ergo, mahimbing ang tulog kahit 10 am na) kaya wala akong kaalam-alam na niliguan pa nitong loko kong asawa yung patay na ahas para ma-picture-an!!! (Ew, kung di lang gusto ko sya talaga i-blog, kinikilabutan ako sa mga pictures na itoh!)



According to the kids, nilatag pa ng tatay nila sa sala ang linstok na kinatatakutan ko. At, talagang may-I-sukat pa sila kaya nalaman na 37 inches long ang ahas.



Hay naku, kung maa-upload ko nga lang yung video na kinuha ko (ambigat kasi ng file!) nung panghuhuli, maririnig ninyo kung gaano ako ka-freaked out sa mga pangyayari.

I just hope wala ng kamag-anak si Slinky na umaali-aligid at baka di na kayanin ng puso ko 'pag may buhay na ahas na naman akong nakita dito sa bahay next time :S

Thursday, October 16, 2008

Sa wakas ....

... nahuli din ng asawa ko ang ahas na ilang buwan na akong tini-terrorize dito sa bahay namin! Twice, gumapang sa screen sa may dirty kitchen namin (nung second time, nakita ko sya 2:30am, karipas ako ng takbo sa kwarto para gisingin si hubby at nag-hyperventilate to the max ako!) at nakapasok pa ang kalahati ng katawan nya in between ng bubong at dingding! Twice, naitaboy ng asawa ko at ang matapang kong 12 year old using a lighted candle at Raid mala-blow torch. Nag-retreat ang kumag pero after a few months, bumalik na naman!

That third time, napansin na lang ni hubby na naka-coil dun sa may ledge sa may kisame almost tapat na tapat ng ulo nya habang nandun sya sa may sink! Ni-try nilang hulihin with a kind of tong na mahaba pero dumulas at nakalabas ulit.

Finally, kahapon ng madaling araw, around 3:30 am, nagkahulan ang mga aso sa garahe. Pag silip ni hubby, andun ang ahas naka-coil sa floor at may yakap-yakap na daga. Nyaaah!

Na-trap nya using the front part na grill ng industrial fan namin tapos pinatungan ng kiddie stool at mabigat na bakal. Nung medyo maliwanag na, nag-McGyver etong asawa ko ng pang-silo using an old antenna pole at mahabang steel wire. (Notice blurred ang photo kasi nanginginig kamay ko hahaha)



Ay basta, na-catch nya yung ulo through the grills tapos saka tinanggal yung takip then inabot pa ng ilang minutes bago naisilid sa isang empty 5 gallon bottle ng mineral water. Pramis, nginig ang kamay ko (with matching sigaw-sigaw lalo na nung nag-uncoil at nakita kong lampas 1 meter ang haba nya!!!!) habang vini-video yung panghuhuli.



Nung dumating ang kids from school, pinakita namin yung footage at hagalpakan sila ng tawa sa mga comments ko habang nagvi-video. Alaskado na naman ako :p Gusto i-upload ng mga mokong sa youtube kaso saka na pag naka-dsl na kami kasi baka abutin ng 24 oras pag-upload pa lang.

Ang tanong, saan kaya pwede ibigay yung ahas na yun???? Andun pa rin sya sa bote ng mineral water sa likod bahay at natatakot akong makawala!
Related Posts with Thumbnails