Monday, December 29, 2008

Nakakatawang Text

Can't resist. Post ko ito kasi natawa ako. No offense po kung may tatamaan. Got this from a forwarded text lang naman ...

Mga Pagbabago:

Noon,

pag maganda
ligawan mo na agad

Ngayon,

pag maganda
titigan mo muna mabuti baka bakla

Noon,

konti lang ang lalaking gwapo

Ngayon,

konting gwapo lang ang tunay na lalaki

Noon,

pag gwapo, babaeo

Ngayon,

pati mga panget babaero din :)

Thursday, November 13, 2008

Inilabas daw ba ang kulit!

Malimit, kapag sobrang busy ako sa trabaho in front of the computer, hindi makasingit ang kids ko para makalaro. Alangan namang paunahin ko pa silang mag Dragon Fable or Sims kesa tumapos ako ng deadlines ano!

Last month, during a particularly busy working time for me, kinalabit ako ng bunso ko. By then, kakatapos lang nilang maglaro magkakapatid kasama si Daddy nila ng Scrabble habang maloka-loka ako sa deadlines ko. So hindi ko sila halos pinapansin.

Pagtingin ko kay Deden, hindi na nagsalita, itinuro na lang yung Scrabble board. Sows, natawa talaga ako kasi sobrang creative, nagawan ng paraan yung kulang na tiles ng letter M hehehe. Di ko ma-resist na hindi picture-an :)

Kanina ko lang ulit nakita yung picture dito sa PC kaya ngayon ko lang na-post etong blog na ito.

Monday, November 10, 2008

Earn Extra Money Online

In case lagi rin lang kayong naka-internet gaya ko, baka gusto n'yo i-try mag PTC clicking. Wala masyadong effort involved and you'll earn a little on the side.

Check out the blog I made to explain more about this at http://clickermom.blogspot.com

I'm also offering cashbacks which means if you sign up under me, I'll give back the earnings I get from your clicks by transferring money to your paypal or alertpay accounts. I just need your help in reaching payout quicker.

On your part, kahit hindi pa kayo nakaka-abot sa minimum cashout ninyo, kikita na agad kayo for your clicks under me.

Nothing to lose, lots to gain. Start getting bitten by the PTC bug here :)

Wednesday, October 22, 2008

Tepok!

Apat na araw mula ng mahuli ang ahas sa garahe namin, matapos na pangalanan ng asawa ko at mga anak ng “Slinky” (kahit na may violent objections ako!) at kung kailan kinuha ng asawa ko ang maliit na aquarium sa bahay ng nanay nya (ng hindi ko alam!) para paglagyan sa kanilang “pet”, ayun, nadedo na ang ahas. (Imagine my total relief! Ayokong mag-alaga ng ahas, hello!)

Kasi naman, yung balak dati na dalhin sa Parks and Wildlife (na sobrang layo sa amin, baka magtalunan sa jeep at bus ang mga makakasakay ng asawa ko kapag nakitang may dalang ahas) or ibenta sa Cartimar (na isa pang malayong lugar), hindi natuloy.



Buti na lang talaga at puyat ako nung gabi (ergo, mahimbing ang tulog kahit 10 am na) kaya wala akong kaalam-alam na niliguan pa nitong loko kong asawa yung patay na ahas para ma-picture-an!!! (Ew, kung di lang gusto ko sya talaga i-blog, kinikilabutan ako sa mga pictures na itoh!)



According to the kids, nilatag pa ng tatay nila sa sala ang linstok na kinatatakutan ko. At, talagang may-I-sukat pa sila kaya nalaman na 37 inches long ang ahas.



Hay naku, kung maa-upload ko nga lang yung video na kinuha ko (ambigat kasi ng file!) nung panghuhuli, maririnig ninyo kung gaano ako ka-freaked out sa mga pangyayari.

I just hope wala ng kamag-anak si Slinky na umaali-aligid at baka di na kayanin ng puso ko 'pag may buhay na ahas na naman akong nakita dito sa bahay next time :S

Thursday, October 16, 2008

Sa wakas ....

... nahuli din ng asawa ko ang ahas na ilang buwan na akong tini-terrorize dito sa bahay namin! Twice, gumapang sa screen sa may dirty kitchen namin (nung second time, nakita ko sya 2:30am, karipas ako ng takbo sa kwarto para gisingin si hubby at nag-hyperventilate to the max ako!) at nakapasok pa ang kalahati ng katawan nya in between ng bubong at dingding! Twice, naitaboy ng asawa ko at ang matapang kong 12 year old using a lighted candle at Raid mala-blow torch. Nag-retreat ang kumag pero after a few months, bumalik na naman!

That third time, napansin na lang ni hubby na naka-coil dun sa may ledge sa may kisame almost tapat na tapat ng ulo nya habang nandun sya sa may sink! Ni-try nilang hulihin with a kind of tong na mahaba pero dumulas at nakalabas ulit.

Finally, kahapon ng madaling araw, around 3:30 am, nagkahulan ang mga aso sa garahe. Pag silip ni hubby, andun ang ahas naka-coil sa floor at may yakap-yakap na daga. Nyaaah!

Na-trap nya using the front part na grill ng industrial fan namin tapos pinatungan ng kiddie stool at mabigat na bakal. Nung medyo maliwanag na, nag-McGyver etong asawa ko ng pang-silo using an old antenna pole at mahabang steel wire. (Notice blurred ang photo kasi nanginginig kamay ko hahaha)



Ay basta, na-catch nya yung ulo through the grills tapos saka tinanggal yung takip then inabot pa ng ilang minutes bago naisilid sa isang empty 5 gallon bottle ng mineral water. Pramis, nginig ang kamay ko (with matching sigaw-sigaw lalo na nung nag-uncoil at nakita kong lampas 1 meter ang haba nya!!!!) habang vini-video yung panghuhuli.



Nung dumating ang kids from school, pinakita namin yung footage at hagalpakan sila ng tawa sa mga comments ko habang nagvi-video. Alaskado na naman ako :p Gusto i-upload ng mga mokong sa youtube kaso saka na pag naka-dsl na kami kasi baka abutin ng 24 oras pag-upload pa lang.

Ang tanong, saan kaya pwede ibigay yung ahas na yun???? Andun pa rin sya sa bote ng mineral water sa likod bahay at natatakot akong makawala!

Thursday, May 15, 2008

Daddy ... Bingi? hehehe

Kanina, habang nanonood ng Disney's Magic English DVD si James, papalabas si husbandry sa pinto. Biglang napatigil at nag-double take sa narinig sa TV. "Ano daw?!"

Eh busy ako sa pagsusulat dito sa computer kaya di ko alam ang sinasabi nya. Turned out narinig daw nya na sinasabi dun sa video "Holy sh*t they're afraid!" Sabay nung inulit yung frame, ang nasa subtitle ... "All the sheep were afraid!" nyahahaha.

Monday, May 05, 2008

Bagong mga alaga



Hala, may tatlo na naman kaming tuta! Actually, apat sila pero namatay yung isa one day after pinanganak :( Tsk, in a few weeks, pag hindi na sila nagbi-breastfeed sa nanay nila, dagdag na naman sa bibilhan ng dog food, waah!

Ang ku-cute naman, in fairness -- for mixed askal with dalmatian lineage. Kaya kailangang pag-isipan kung ilan ang ipapa-ampon (hindi po kasama ang bata sa picture hehehe) at kung may maiiwan na naman.

Sunday, March 23, 2008

Sa wakas ...

... napaayos ko rin ang navigation key ng celphone ko! Kasi naman, ilang buwan ding nagtyaga akong sumpong ang down scrolling ng Ericsson K700i ko. Eh paano, parang di ko ma-take na singilan ako ng P500 (lahat ng tinanungan ko dati, yun parati ang quotation eh) para lang palitan ng pagkaliit na component yung navi key. (Oo na, kuripot na! hahaha) Kaya ayun, mega-tyaga talaga at pasensya pag nagte-text or gumagamit ng ibang functions. Sirain talaga ang bilog na navi keys ng mga SE series. Kahit yung sa brother ko, nagsa-stuck na rin daw.

Eh nagsa-start na ring magloko yung SE Z500a ko. Kaya inisip kong time na para ipaayos yung isa. Fortunately, pag punta ko ng Metropolis Mall last Wednesday (di na nakatiis), may nahanap akong technician na P300 lang ang singil tapos may 2 weeks warranty pa. Eh di ayun, naayos din finally.

Next time talaga, pag may budget na ako, SE na may flat navi-key na yung bibilhin kong telepono! Wondering bakit loyal ako sa SE? Kasi ayoko na sa Nokia, sobrang bilis bumaba ng value tapos yung magaganda ang features, sobrang mahal!

Pero crush ko din yung myPhone na dual sim. Iniisip ko pa kung mas magandang yun na lang para isang phone na lang dala ko lagi. Hmmm, bahala na ....

Wednesday, March 12, 2008

Bottomless Iced Tea

A few months ago, na-"discover" ko sa supermarket yung Magnolia Lemon Iced Tea. We tried it and liked it. At sa laki ng price difference nya with the other brands we used to buy, sobrang laking tipid without sacrificing the taste. Imagine P37.50 compared with P50.00-60.00+ for 500 grams!

Tapos around December yata yun nung naglabas ang Magnolia ng new flavors. Nung binili ko yung Apple-flavored iced tea at first time kaming nagtimpla sa bahay, comment agad ni Joshua (the food critic in the family) "Bakit nasa pitcher yung C2?" hahaha. Nung pinakita ko yung packaging nung iced tea, tuwang-tuwa ang bata sabay sabing "Yey! Bottomless na ang C2 natin!" :p

Naku, sana wag magtataas ng price ang Magnolia kasi their products are really great alternatives to the other brands' higher prices.

Sunday, February 03, 2008

Sobrang LSS na itoooo!

Unfortunately, gusto ko mang mag-blog at magkwento ng marami dito, sobrang toxic ng work life ko since mid-December. Pero I needed the breather kaya magpo-post ako ng konti.

For the past week, halos araw-araw na pinapanood ng anak ko ang DVD ng Hairspray. Nakupo, kahit patulog na ako sa gabi, napapakanta pa ako ng "Good Morning Baltimore" o kaya "You Can't Stop the Beat". Tsk! Kulang na lang pati sa panaginip madala ko yang cast ng pelikulang yun! hahaha.

Uy pero in fairness, ang galing naman talaga ng mga songs doon. Nakakabaliw lang talaga yung character ni John Travolta kasi di ko masyado ma-separate sa utak ko na guy sya under all the makeup and body suit ni Edna Turnblad :p Ika nga dun sa ibang discussion forums na nabasa ko dati, para daw ka-boses pa sya ni Dr. Evil hehehe. Pero ang cute nilang couple ni Christopher Walken 'no?

James Marsden was a revelation kasi maganda pala yung boses nya. Sa Ally McBeal ko lang sya kasi napapanood noon sa role nya bilang pretty boy. Amanda Bynes also has a surprisingly sweet voice! Si Queen Latifah, as usual, ang galing ng role portrayal (I love her character sa movie na Taxi). Michelle Pfeiffer fits her character perfectly at maganda pa rin sya kahit medyo tumatanda na. Zac Efron is cute, as always, while Nicki Blonsky's voice and dancing prowess is commendable.
Related Posts with Thumbnails