Showing posts with label wala lang. Show all posts
Showing posts with label wala lang. Show all posts

Thursday, May 05, 2011

Short Stress-Reliever

Natawa naman ako dito! :p Share ko lang.

It was posted in Facebook by the son of my friends. Thanks David! :)

===

Isang probinsyano nag-rent ng room sa hotel ...

Prob: Alam ko probinsyano lang ako kaya wag mo akong lokohin! Bakit ganito room ko? Maliit!! Walang kama at bintana!! Mahal na mahal ng binayad ko tapos ganito lang??

Roomboy: Sir nasa elevator pa lang tayo.. Huwag kang excited!!!

Monday, January 17, 2011

Evolution ng Pomada

Natatandaan ko pa, noong bata pa ako, nagpo-pomada ang lolo ko. Three Flowers Pomade ang brand na gamit n'ya.

Nung high school ako, hair gel ang nauso.

Nang naging high school ang mga anak ko, hair wax at clay doh na ang tawag sa mga pampahid sa buhok. Nung bagu-bago pa lang sila gumagamit nun, nagkakamali pa yung isang anak ko dahil "floor wax" ang nasasabi n'ya hehehe.

Last week, sumama mag-grocery ang panganay ko. Pagdating sa hair products aisle, nagsabing bibili s'ya ng Bench clay doh. Kaso out of stock daw. So instead, eto ang binili n'ya ...


In case nahihirapan kayong basahin, eto ang nakalagay sa takip: New EMO Style, Asymmetrically Funky, Tough & Shine.

Shempre pa, tawa kami ng tawa ng asawa ko habang naka-linya sa cashier. Alaskado si Kuya. 'Ika nga ni Mr. Fu, "Me ganon?!"

The next day, pagdating n'ya from school, kinamusta ko yung effect ni Emo Style. Maiksi ang sagot sa akin, "Hindi Effective!"

Hay naku! Mga marketing gimmicks nga naman!

Friday, November 26, 2010

Usapang Lotto

Ewan ba at lahat na ata ng conversations lately ng mga tao eh tungkol sa P600M+ na lotto jackpot na hindi pa rin napapanalunan.

Kanina, ka-email ko yung mga kapatid ko. Sabi ng sister ko, taya daw kami. Share ko yung sagot ng brother ko kasi natawa ako :p

"600M n yung jackpot kaso lang 1 is to 29 million ang chances na tumama. Mas malaki pa yung chance na tamaan ka ng kidlat which is 1 in 600,000. Or, mas malaki pa ang chance na matapilok o madapa ka papunta sa lotto outlet kaysa sa tumama. hehehe"

Anuveh! Pero, in fairness, may point! :D

Friday, October 15, 2010

Ano nga kaya ...?

... kung ganito ang pagdaraanan mo bago ka maka-withdraw ng pera sa ATM?



Hindi kaya ma bugbog-sarado yung machine? :p

Monday, October 04, 2010

Mga Kalokohan sa Facebook

Minsan nga naman, mahirap i-define ang "Status" sa social networking sites. Para sa ilan, hindi enough yung "It's complicated." Kaya siguro may isang Pinoy na napag-trip-ang gawin ito:


Sobrang specific 'no? :p

At para naman sa mga ayaw pa o hindi maka-move on, eto ang para senyo ...


May sense naman 'di ba? :)

Wednesday, July 21, 2010

Ay, ang labo!

I am all for changes that would make people's lives better. Pero nung nakita ko ang picture na ito sa twitpic ni TJ Manotoc, hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Pahirapan daw ba lalo ang mga tao!


'Ika nga nga nung isang nag-comment dun sa photo:
Pasahero: "Mama, paki-baba na lang ako sa Justice Lourdes Paredes San Diego ..."
Driver: Ay lagpas na tayo, dapat [mas] maaga mong sinabi!"

Kaloka!

Sunday, July 11, 2010

Ang Kwento ni Inday

Ibalik natin ang ilang nakakatawang eksena sa buhay ni Inday. 'La lang, kailangan kong matawa para hindi ako antukin dahil hindi pa ako tapos sa deadline ko :p

===

Dahil sa tindi ng kahirapan sa probinsya, namasukan si Inday bilang katulong sa Maynila. Habang ini-interview ng amo:

Amo: Kelangan namin ng katulong para mag ayos ng bahay, magluto, maglaba, magplantsa, mamalengke, at magbantay ng mga bata. Kaya mo ba ang lahat ng ito?

Inday: I believe that my trained skills and expertise in management with the use of standard tools, and my discipline and experience will contribute significantly to the value of the work that you want, my creativity, productivity and work-efficiency and the high quality of outcomes I can offer will boost the work progress.

Amo: [nosebleed]

Nakaraan ang dalawang araw, umuwi ang amo, nakitang me bukol si junior.

Amo: Bakit me bukol si junior?

Inday: Compromising safety with useless aesthetics, the not-so-well engineered architectural design of our kitchen lavatory affected the boy’s cranium with a slight boil at the left temple near the auditory organ.

Amo: [nosebleed ulit]

Kinagabihan, habang naghahapunan.

Amo: Bakit maalat ang ulam?

Inday: The consistency was fine. But you see, it seems that the increased amount of sodium chloride (NaCl) affected the taste drastically and those actions are irreversible. I do apologize.

Amo: [nosebleed na naman]

Donya: Bakit tuwing paguwi ko, nadadatnan kitang nanunuod ng tv?!

Inday: Because I don’t want you to see me doing absolutely nothing.

Donya: [hinimatay]

Kinabukasan, sinamahan ni Inday si junior sa principal’s office dahil di makapunta ang amo at donya.

Principal: Sinuntok ni junior ang kanyang kaklase.

Inday: It’s absurd! It was never a fact that he will inflict a fight. I can only imagine how you handle schizophrenic kids on this educational institution. Revise your policies because they suck!

Principal: [nag resign]

Pag dating sa bahay, nandun na ang amo, galit na galit.

Amo: Inday, bakit nagkalat ang basura sa likod ng bahay?!

Inday: A change in the weather patterns might have occurred wrecking havoc to the surroundings. The way the debris are scattered indicates that the gust of wind was going northeast causing damage to the path it was heading for.

Amo: [nosebleed ulit]

Habang nagluluto si Inday ng hapunan, malikot si junior.

Inday: Stop your raucious behavior. It is bound to result in property damages and if that happens there will be corresponding punishment to be inflicted upon you!

Junior: [takbo sa CR, punasan ang nagdudugong ilong]

Pagkatapos magluto, nanood na ng TV si Inday. Nabalitaan nya umalis si Angel Locsin sa GMA 7.

Junior: Bakit kaya sya umalis?

Inday: Sometimes, people choose to leave not because of selfish reasons but because they just know that things will get worse if they’ll stay. Leaving can be a tough act, and it’s harder when people can’t understand you for doing so.

Junior: [tuloy ang pagdugo ng ilong]

Nung gabing yon, me nag text ke Inday. Si Dodong, ang driver ng kapitbahay, gusto maki pag text-mate.

Inday: To forestall further hopes of acquaintance, my unfathomable statement to the denial of your request - Petition denied.

Di nagla-on, dahil sa tyaga ni Dodong, nagging syota nya rin si Inday. Pero di tumagal ang kanilang relasyon, at nakipag-break si Inday ke Dodong.

Inday: The statute restricts me to love you but you have the provocations. The way you smile is the proximate cause why I love you. We have some rules to think of. We have no vested rights to love each other because the upper household dismissed my petition!”

Dodong: Perhaps you are mistaken, what you seem to contrive as any affections for you are somewhat half-hearted. I was merely attempting to expand my network of interests by involving you in my daily recreation. Heretofor, you can expect an end to any verbal articulation from myself”

Me dumaan na mamang basurero, at narinig ang usapan ni Inday at Dodong.

Basurero (sabi ke Inday): Be careful in letting go of the things you thought are just nothing because maybe someday you’ll realize that the one you gave away is the very thing you’ve been wishing for to stay.

Narinig ang lahat ng eto ng amo ni inday.

Amo: [nagpakamatay]

O SYA, TAMA NA YAN AT PUNASAN MO NA ANG IYONG NOSEBLEED.

Sunday, February 07, 2010

Hindi ko mapigilang matawa :p

Nakita ko lang ito sa Facebook. In fairness, funny s'ya :p

Wednesday, January 20, 2010

Indian Mango!

Nagsasampay ako sa garahe kaninang umaga and first time ko napansin na may bulaklak na ulit yung puno ng Indian Mango sa tabing-bakod namin. Tanim pa yun ng bayaw ko noong sila ang nakatira dito sa bahay namin ngayon.


Nung tiningnan ko pa yung ibang branches, nagulat ako kasi may part na may bunga na talaga and mukhang ready for harvest na. Kailangang ipa-akyat ko kay hubby yun sa weekend!


Saturday, October 03, 2009

Panic Buying?

Kagabi, nag-grocery kami as usual ng asawa ko. Expected ko nang marami ang tao sa supermarket dahil magsa-stock up ang mga tao para sa parating ng bagyong Pepeng.

Akala ko sa kandila lang magkakaubusan. Hindi pala!

Halos wala ng noodles!

Nagkaubusan na rin ng canned goods!

At halos wala na ring mga gulay :(
Related Posts with Thumbnails