Showing posts with label kids. Show all posts
Showing posts with label kids. Show all posts

Monday, January 17, 2011

Evolution ng Pomada

Natatandaan ko pa, noong bata pa ako, nagpo-pomada ang lolo ko. Three Flowers Pomade ang brand na gamit n'ya.

Nung high school ako, hair gel ang nauso.

Nang naging high school ang mga anak ko, hair wax at clay doh na ang tawag sa mga pampahid sa buhok. Nung bagu-bago pa lang sila gumagamit nun, nagkakamali pa yung isang anak ko dahil "floor wax" ang nasasabi n'ya hehehe.

Last week, sumama mag-grocery ang panganay ko. Pagdating sa hair products aisle, nagsabing bibili s'ya ng Bench clay doh. Kaso out of stock daw. So instead, eto ang binili n'ya ...


In case nahihirapan kayong basahin, eto ang nakalagay sa takip: New EMO Style, Asymmetrically Funky, Tough & Shine.

Shempre pa, tawa kami ng tawa ng asawa ko habang naka-linya sa cashier. Alaskado si Kuya. 'Ika nga ni Mr. Fu, "Me ganon?!"

The next day, pagdating n'ya from school, kinamusta ko yung effect ni Emo Style. Maiksi ang sagot sa akin, "Hindi Effective!"

Hay naku! Mga marketing gimmicks nga naman!

Tuesday, June 08, 2010

Katuwiran

May pinagtatalunan ang mga anak kong game na inupload sa PSP. Nung nagkaka-initan na ...

Me: In the first place, bakit kasi nilagay yang game na yan dyan?!

Anak: Pwede ko naman tanggalin ulit yan in the second place ah!

Ngar, ano daw? Nagkatinginan kaming mag-asawa sabay tawa. Grabe, hindi ko kinaya! :p

Thursday, November 13, 2008

Inilabas daw ba ang kulit!

Malimit, kapag sobrang busy ako sa trabaho in front of the computer, hindi makasingit ang kids ko para makalaro. Alangan namang paunahin ko pa silang mag Dragon Fable or Sims kesa tumapos ako ng deadlines ano!

Last month, during a particularly busy working time for me, kinalabit ako ng bunso ko. By then, kakatapos lang nilang maglaro magkakapatid kasama si Daddy nila ng Scrabble habang maloka-loka ako sa deadlines ko. So hindi ko sila halos pinapansin.

Pagtingin ko kay Deden, hindi na nagsalita, itinuro na lang yung Scrabble board. Sows, natawa talaga ako kasi sobrang creative, nagawan ng paraan yung kulang na tiles ng letter M hehehe. Di ko ma-resist na hindi picture-an :)

Kanina ko lang ulit nakita yung picture dito sa PC kaya ngayon ko lang na-post etong blog na ito.

Tuesday, October 23, 2007

Batang Wais

"Sayang ang lamig ng aircon! Matulog ka dun sa kwarto, tabihan mo sina Kuya," utos ko kay Deden isang hapon last week na sobrang init. Half day sila kasi exams. Gustuhin ko man makitabi sa mga bata, kelangan ko magtapos ng deadlines sa computer dito sa sala. Tulog na yung tatlo habang itong si bulinggit eh mega-marathon ng DVDs.

"Hindi nga ako inaantok Mommy!" protesta ni Deden. Kako, kahit 5 minutes lang, try n'yang mahiga at baka antukin din sya. "Okay, okay!" sagot ng batang makulit na halatang naiinis. Maya-maya pa, pinatay na yung TV at pagkatapos manggaling sa kitchen, pumasok na ng kwarto.

Engrossed na engrossed ako sa mga tina-type ko nang biglang mag-"Ding!" yung timer ng oven toaster. Inisip ko, aba, nag-toast pa pala ng tinapay ang bata eh baka tulog na.

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto, hindi ko pa man nasasabing "Uy tumunog na yung toaster, luto na yung bread mo", andun pa lang ako sa "Uy ..." biglang bangon si liit sabay tanong "Tumunog na yung timer? Time's up na yung 5 minutes ko? Pwede na ako ulit manood ng TV?"

Bwahahaha! Mautak na bata! Pagsilip ko, hindi nakasaksak ang toaster at walang tinapay. Sows, na-good time ako. Ang lakas ng halakhak ng asawa ko nung itinawag ko sa office nila :p

Wednesday, August 29, 2007

Simplifying

Kagabi, nanonood ako ng House M.D. sa QTV 11. One dialogue there was "She's in a coma." So tanong si Josh, "Ano'ng sabi Mommy?" Inulit ko. "Ano yung coma?" tanong nya ulit.

I tried to explain in a way na maiintindihan n'ya. "Parang natutulog ng matagal na matagal na panahon anak tapos hindi sya nagigising pero alive sya."

Biglang nag pipe-in si Deden ng, "Hibernation!" I was amazed kasi he was able to associate the word with coma. Kako, "Parang ganun pero ang hibernation, nagigising sila ng kusa. Yung sa coma, hindi alam kung kelan. Teka, saan nyo naman natutunan ang hibernation?"

Duet silang dalawa, "Spongebob!" hahaha. And then I remembered, oo nga pala, may episode where Sandy the Squirrel went into hibernation for the winter.

Kitam, may natututunan ang bata from Spongebob! hehehe

Wednesday, August 15, 2007

Bawal Magkasakit!

Hay buhay, eto na naman kami. Balik lagnat at tonsillitis na naman si Daniel since Sunday night at absent na naman for three days :( Sobrang worried na ako dahil almost every two months, nagkakaganito s'ya. At ewan ko ba kung bakit natataon pang exam week tumatama! Buti na lang na-suspend ang classes tomorrow, may time pa s'yang magpagaling at mag-review ng mas maayos.

Napatingnan na namin s'ya sa pedia a few months ago (a new one since barely one year pa lang kami dito sa Manila and his original pedia is in Laguna) and nag-prescribe ng Amoxicillin regimen. Wa epek. Balik tonsillitis si Deden after two months at pabalik-balik pa rin hanggang ngayon.

Before, after two days, nagre-resolve na yung lagnat which we attributed to a viral infection lang. Pero this time, inabot na naman ng three days. I thought of Dr. Carmen Nievera, a pediatric infectious diseases doctor I interviewed before for Smart Parenting magazine. Natatakot na kasi kami ni Noy na tumuloy sa rheumatic heart disease kapag hindi pa rin nawala ito.

So this morning, dinala ni Noy si Deden sa Asian Hospital while I stayed home with James. Pagbalik nila, nyay, andaming reseta! Pero it is heartening to know na mas matindi ang medication regimen na binigay ng doctor. Sabi daw kay Noy, may studies na ngayon about kids who develop tonsillitis 6-10 times a year due to infection and allergies na nagma-manifest as phlegm na naiipon in turn sa respiratory tract at umaakyat hanggang tonsils. Iiiks, pasok sa category ang Dedenpot kasi may sipon din s'ya the past few days! Kaya kelangan daw aggresive ang gamutan para di na pabalik-balik.

He was prescribed Augmentin for 10 days (nung mabasa ko yung reseta, para akong hihimatayin hahaha), Dimetapp for 5 days, Heraclene for 30 days (isa pang mahal na gamot ito!!!), Cetirizine for 2 weeks and Cherifer Forte as vitamins.

Immediately, nag-compute ako ng dosages at kung gaano karami ang kelangan naming bilhin. Tapos tumawag ako sa pinakamalapit na Mercury Drug sa bahay namin. Eto conversation namin nung nakausap ko:

Me: Magtatanong lang po kung magkano ang Augmentin 400mg suspension
SalesLady: Ilang ml?
Me: Yung pinaka-malaking bottle po.
SL: P940.50 yung 70 ml (Ngwark, 130ml ang kelangan ni Bunsoy!)
Me: How about Dimetapp syrup? Anong pinakamalaking bote?
SL: 120 ml, P147.00
Me: Eh Mam yung Heraclene capsule?
SL: P16.10 isa. Teka marami pa ba yan? (inis na ang boses)
Me: Ah eh, dalawa na lang ho. Yung cetirizine at Cherifer syrup pa.
SL: (mataray na) Taga-botika ka ba?
Me: (kamot ulo) Ho?! Pasyente po. Marami kasi ni-reseta sa anak ko.
SL: Saan ba ito? (mataray pa rin)
Me: Dito rin po sa Muntinlupa. Kaya naman po ako nagtatanong para alam ko kung magkano dadalhin ko pagbili ng gamot sa inyo (duh?)


Ayun, sinabi naman ang prices nung ibang gamot. Pero naangasan ako sa kanya kasi ano ba, kala n'ya taga ibang botika ako at nagsi-spy sa prices nila???? Eh naman, di ba public knowledge dapat ang presyo ng mga bilihin sa kanila. Kaya nga sila may telepono para makapagtanong ang customer eh. Tsk, bad trip talaga.

Kaya bukas, hindi ako dun sa branch nila bibili ng gamot!!! (Hahaha, bitter!) Buti na lang binigyan kami ni Dra. Nievera ng Augmentin sample kaya abot hanggang bukas yung dosage kay Daniel.

Pero pramis, nawiwindang ako sa total ng computation ko. We need to shell out P3282.00 for all the meds. Hay, sana gumaling na finally si Deden sa ailment niyang ito. Please do utter a short prayer for his fast recovery kung nakaabot kayo sa dulo ng mahabang post ko na ito :p (Bumabawi lang kasi tagal kong absent sa blogger).

Friday, April 20, 2007

The Friendster Craze

Ayan na, lalo kong na-realize na nagbibinata na ang mga anak ko! Kagabi kasi, habang nagi-internet ako, sabi ng panganay ko, "Mommy, pwede ba akong mag-Friendster? Kasi marami akong classmates meron nun eh!" When we checked the profiles, ngak, sangkatutak ngang bata na taga-school nila ang nakalista, pati gradeschoolers! Nagtawanan pa ang mga kolokoy na bumulaga yung picture ng isang classmate nitong 5th grader ko na lagi syang tini-text at mukhang crush ata ereng anak ko, "Nyaaah, andyan si ______!" hehehe.

Curiously, nung nag-try silang mag-sign up, nakalagay na minimum age eh 16 lang. Sows, kaya pala nakalagay dun sa ibang profiles ng classmates nila eh kung anu-anong age. Hmmm, kaya din pala naka-sign up noon pa ang ilang anak ng mga friends ko are as young as seven years old! Hay, just to join the bandwagon, sabihin na lang nating, "ipinilit" ang pag-sign up nitong dalawa. May I request pa si bunso (mag-gi-grade 2 pa lang) na siya din daw. Ay naku, kako patangkad muna siya at bawal ang maliliit na bata sa friendster :p Tama na muna sina kuya niya ang mag-try out.

Inisip ko naman, since nakabantay naman ako lagi sa mga ito kapag nag-i-internet, makikita ko yung mga ginagawa nila and I think friendster will be a way din para sa kanila na makipag-socialize as well as masanay sa technology ng internet. After all, the web is here to stay so who am I to curb their enthusiasm? Kumbaga, this would be a safe learning experience para sa kanila.
Related Posts with Thumbnails