Na-frustrate naman ako nung nag-try ako mag-register ulit sa IMMORTALTXT 10 nung isang araw. Tapos na pala yung promo! Tsk, sa lahat ng immortal, eto ang namatay :S
Ang sabi ng text message na natanggap ko, mag SULITXT na lang daw. Hello?! Eh pang-isang araw lang daw ba yun at hindi naman ako nakakaubos ng 100 texts sa isang araw :(
Ayun, kani-kanina lang, nakita ko may fan page na sa Facebook ang "Ibalik ang IMMORTALTXT 10!" Eh 'di naki-fan na rin ako. Sana nga ibalik ng Globe. Sa ngayon, 15, 211 ang fans. Let's see kung hanggang ilang Globe subscribers ang sasali pa.
Hay naku, buti na lang may Sun number din ako at pagdating sa tipiran, pinakamatipid yung paminsan-minsang paga-avail ko ng CTC10 or Call and Text Combo. For P10, may 40 texts na Sun-to-Sun, 10 texts to other networks and 10 minutes Sun-to-Sun calls. Ang maganda dito, kung mag-register ka today, bukas pa ng 12MN s'ya mage-expire. Hindi saktong 24 hours gaya ng sa ibang networks.
Gamit na gamit ko ito kapag naggo-grocery kami ng asawa ko. Pinapasahan ko lang yung isang Sun sim dito sa bahay ng CTC10 para madali kami matawagan ng mga bata in case merong emergency. Although most of the time, tatawag lang para magbilin at magpabili ng donuts or shawarma :p
Kahit hindi masyado magamit yung texts, pag naubos mo yung 10 minutes within 2 days, super sulit na yun ano! Kaya Sun Cellular, please lang, huwag n'yong tatanggalin ang CTCs!!!
As to Smart promos, nakow, huwag na nating pag-usapan. Bukod sa hindi sulit ang mga prepaid promos nila, hindi ko na ginagamit ang Smart sim ko dahil nangangain s'ya ng load! Hmp!
Showing posts with label product review. Show all posts

Monday, February 22, 2010
Globe Telecom -- Ibalik ang IMMORTALTXT!
Wednesday, December 30, 2009
Porma lang
Two weeks ago, naggo-grocery kami sa SaveMore Alabang nung nakita ni Josh yung Coke booth na may colorful glasses and plates na naka-display. Binasa n'ya yung poster and nag-ask kung pwede daw kami bumili ng tatlong Coke 1.5L para maka-claim s'ya ng glass.
Actually, I don't encourage my kids to drink sodas. Paminsan-minsan lang talaga and, as much as possible, kapag sa parties lang na ina-attendan namin kung walang sini-serve na juices.
Pero sige. Since magpa-Pasko naman, pinagbigyan ko na. Pinili n'ya yung red glass which looks good enough sa malayo although plastic lang pala s'ya. Unlike yung magagandang glasses from McDo dati na made of glass daw talaga (according to my friends who are Coke drinkers and who did collect the glasses during the McDo promo).
Anyway, nakalagay din doon sa Coke poster na pwede mag-exchange ng seven caps na may Santa Claus logo para naman dun sa plates. Eh tatlo lang yung crowns namin.
So last Christmas, I ended up gathering the Coke caps from my mom's house when we went there for lunch. Naka-ipon kami ng pito! hahaha.
Nga lang, noong pinapalitan na namin ng plate yung caps the next time we went to the grocery, na-disappoint naman ako kasi ang nipis-nipis nung plate. Maganda lang yung design pero mukhang di s'ya magandang gamitin. May mga gusot-gusot na part pa dun sa ibabaw as if hindi man lang inayos ang pagdikit nung design na kapag kinainan mo eh matutuklap.
Ending? Ayun, baka pang-display na lang ang mangyayari sa kanya during the Christmas season. Hmmm, 'di kaya yun lang talaga ang purpose for those plates?
Hay naku, another disappointing promo na puro hype lang. Ang yaman-yaman ng Coca-Cola, sana mang lang may kalidad talaga yung pinamigay nilang items :S
Sunday, March 23, 2008
Sa wakas ...
... napaayos ko rin ang navigation key ng celphone ko! Kasi naman, ilang buwan ding nagtyaga akong sumpong ang down scrolling ng Ericsson K700i ko. Eh paano, parang di ko ma-take na singilan ako ng P500 (lahat ng tinanungan ko dati, yun parati ang quotation eh) para lang palitan ng pagkaliit na component yung navi key. (Oo na, kuripot na! hahaha) Kaya ayun, mega-tyaga talaga at pasensya pag nagte-text or gumagamit ng ibang functions. Sirain talaga ang bilog na navi keys ng mga SE series. Kahit yung sa brother ko, nagsa-stuck na rin daw.
Eh nagsa-start na ring magloko yung SE Z500a ko. Kaya inisip kong time na para ipaayos yung isa. Fortunately, pag punta ko ng Metropolis Mall last Wednesday (di na nakatiis), may nahanap akong technician na P300 lang ang singil tapos may 2 weeks warranty pa. Eh di ayun, naayos din finally.
Next time talaga, pag may budget na ako, SE na may flat navi-key na yung bibilhin kong telepono! Wondering bakit loyal ako sa SE? Kasi ayoko na sa Nokia, sobrang bilis bumaba ng value tapos yung magaganda ang features, sobrang mahal!
Pero crush ko din yung myPhone na dual sim. Iniisip ko pa kung mas magandang yun na lang para isang phone na lang dala ko lagi. Hmmm, bahala na ....

Wednesday, March 12, 2008
Bottomless Iced Tea
A few months ago, na-"discover" ko sa supermarket yung Magnolia Lemon Iced Tea. We tried it and liked it. At sa laki ng price difference nya with the other brands we used to buy, sobrang laking tipid without sacrificing the taste. Imagine P37.50 compared with P50.00-60.00+ for 500 grams!
Tapos around December yata yun nung naglabas ang Magnolia ng new flavors. Nung binili ko yung Apple-flavored iced tea at first time kaming nagtimpla sa bahay, comment agad ni Joshua (the food critic in the family) "Bakit nasa pitcher yung C2?" hahaha. Nung pinakita ko yung packaging nung iced tea, tuwang-tuwa ang bata sabay sabing "Yey! Bottomless na ang C2 natin!" :p
Naku, sana wag magtataas ng price ang Magnolia kasi their products are really great alternatives to the other brands' higher prices.

Thursday, March 29, 2007
The Olay TE Bandwagon
Mga 2 or 3 weeks ago, naka-receive ako ng email about a promo ng Olay. Pwede kang mag-Buy-1-Take-1 after registering dun sa website nila tapos papadalhan ka ng text where you can claim it. Kuripot that I am, noon ko lang talaga inisip na patulan ang Olay para makita kung ano nga ba ang sobrang hullabaloo nyan at pagkarami-raming artista na ang nage-endorse sa TV.
I've been very wary na kasi na bumili ng mga mamahaling beauty products dahil nakailang bili na rin ako dati na palpak naman at after 1 or 2 uses eh di ko na magamit tapos P300+ down the drain na agad yun. (Ayan, naalala ko na naman yung pagka-asar ko sa Avon Anew dahil pinutakti ako ng pimples dahil sa product na yun eh ke mahal-mahal pa naman!).
Late last year, P599 lang ang Olay. After all the TV ad bombarments, abaw naging P648 na! So nung nag-promo, kinausap ko sis-in-law ko and we decided na maghati ng bayad. Last Friday, nakabili na ako sa Shopwise.
Eto ngayon, siguro masyado akong perfectionist kasi gusto kong may drastic changes na makita agad. Eh after almost a week of use, parang wala pa. Although para ngang tighter na ang facial skin ko and the pores are smaller. Still, di pa ako convinced. The other day, tinanong ko si hubby kung may nakita na syang changes. Ang sagot eh, "Wala naman. Basta napansin ko lang na nakakatulugan ko at nagigising akong nakadikit ang ilong ko sa mukha mo kasi mabango," with matching grin. Hay naku, men!
So I'll have to see pa kung after a week or two eh talagang magla-lighten na ereng freckles na gusto kong ma-eradicate at kung mawawala nga ang tiny lines na nakikita ko sa aking noo. At hoooy, walang manghuhusga, lahat ata ng babae eh may itinatagong pagka-banidosa! :p

Subscribe to:
Posts (Atom)