Showing posts with label Proudly Filipino. Show all posts
Showing posts with label Proudly Filipino. Show all posts

Monday, August 22, 2011

Inihahayag ng CSM ang “Ito ang Pinoy!” sa 32nd Manila International Book Fair

Para sa mga mahilig magbasa, may good news ang CSM para sa nararating na MIBF sa isang buwan! :)

Press Release:

Mula sa paghalal ng bagong pangulo hanggang sa pagpapamalas ng pambihirang talento sa larangan ng palakasan, sining, at iba pa, tunay ngang may dahilan tayong mga Filipino upang manindigan at itaas ang ating bandera bilang isang lahi.

Sa pagbubukas ng 32nd Manila International Book Fair para sa mga lokal na manlilimbag at mahihilig sa aklat, nakikiisa ang Church Strengthening Ministry sa pagpapanumbalik ng ating pagka-Pilipino sa temang ”Ito ang Pinoy!” Pinahahalagahan ng CSM ang ugat ng ating pagiging Filipino sa pamamagitan ng mga obrang nagmula sa panulat at kaisipan ng ating mga kababayan—mga libro, audiobook, at video, na aming handog sa saktong halagang P100 lamang!


Sa pamamagitan ng isang hanay ng mga pinagbuting materyal na hinabi sa liwanag ng Salita ng Diyos, minimithi ng CSM na maging daluyan ng mga resources para sa aming mambabasa upang mapalakas at mapagtibay ang kanilang loob at kasarinlan sa gitna ng mga dagok na dumarating sa ating panahon.

Magaganap ang 32nd MIBF sa September 14-18, 2011 sa SMX Convention Center sa lunsod ng Pasay (katabi ng Mall of Asia). Halina sa Church Strengthening Ministry booth numero 40-42 upang makabili kayo ng sulit sa halaga.

Kilalalin ang ating mga Pilipinong manunulat tulad nina Rex Resurreccion, Ed Lapiz, Eric Maliwat, Joey Umali, at iba pa at saksihan ang Grand Launch ng mga pinakabagong mga resources ng CSM sa September 17.



Hanggang 200 kopya lamang ang maaring bilhin kada title. Makakakuha ng libreng gate pass sa aming opisina sa Pascor Drive, Sto. Niño, Parañaque City. Tumawag sa 851-0521 at 25 para sa karagdagang detalye.

Maaari ring mag-pre-order mula Setyembre 5-9, mag-email lamang sa order@csm-publishing.com. Bisitahin ang www.csm-publishing.com para sa pre-ordering guidelines at para makita ang listahan ng mga resources.

Tuesday, April 05, 2011

One of the Best Nestle Commercials Ever!

Napapaghalatang hindi ako masyado nakakanood ng TV lately sa sobrang dami ng trabaho. Buti na lang nakaka-check pa ako ng Facebook kung saan ko nakita ang commercial na ito na ni-post ng isang kaibigan ko. Ang galing-galing ng pagkagawa! Very smooth ng transitions from one life stage to another, in good taste ang subtle na promotion ng Nestle products during each scene, at very appropriate ang kanta. Timeless talaga ang marami sa compositions ng Apo Hiking Society. Panalo!

Enjoy watching. I'm sure maraming moments sa video na ito ang makaka-relate din kayo :)

Sunday, August 01, 2010

Aiai delas Alas at FILharmoniKA

Hayaan ninyong patawanin din kayo ni Aiai delas Alas gaya ng pagpapasaya niya sa amin kagabi sa Show Tickler ng Ambient Media.




Para makita naman ang astig na pagkakakanta ni Aiza Seguerra ng Ang Huling El Bimbo, bisita lang kayo dun sa kabilang blog ko :)

Sunday, July 25, 2010

Galing Pinoy sa Larangan ng Musika

Noong isang araw, ni-blog ko ang tungkol sa concert ng Novo Concertante Manila na ginanap kagabi kung saan special guests nila ang Oktokanto Guitar Ensemble. Bilang isang proud na ate, please allow me to share with you ang isang video na kinuha ko kung saan tumugtog ang kapatid ko (gitarista sa dulong kaliwa) at ang mga kasamahan n'ya.

Sana'y ipagmalaki n'yo rin ang talentong Pilipino :)



Para sa video clip ng Oktokanto kasama ang Novo Concertante, pakibisita na lang ang aking kabilang blog. Maraming salamat!

Saturday, July 24, 2010

Kakaibang Tinikling!

Eto ang isa sa mga videos na magpaparamdam sa 'yo na dapat ipagmalaki ang kulturang Pilipino! Sooobrang galing! Mabuhay ang Pinoy!


Edmonton, Alberta's Philippine Barangay Performing Arts Society's Gold Medal Performance of TINIKLING at the 2010 Dance World Cup in Sardinia, Italy (July 2010)

Friday, April 23, 2010

Galing Pinoy at the Manila F.A.M.E. International Trade Show

Sa mga kababayan ko, paki-bisita na lang yung kabilang blog ko para sa mga detalye. Just sharing my experience sa Manila F.A.M.E. kahapon. Sobra, as in sobrang gaganda ng mga produktong Pinoy doon!!!

Eto ang ilang photos:
Doc's Candles

Asia Embroidery, Inc.

Ben Farrales, design Icon

GSG by Flora Creatives

Pakibasa na lang yung blog entry ko dito and paki-bisita yung picture gallery dito :) Maraming salamat!

Sunday, March 28, 2010

Tinikling sa Saliw ng Kanta ni MJ!

Ang cool nito! Ika nga nung isang kaibigan ko, "Old meets New" and "East meets West"!

Isa sa mga bagay na masasabi talaga nating "Ang Galing-galing ng Pinoy!"

Related Posts with Thumbnails