Thursday, December 07, 2006

Bombarded

Hay, kung kelan magpa-Pasko, saka ang dami-daming aberyang nangyayari sa amin lately. Una, nasira yung isang electric fan, tapos nag-start na naman magloko ang computer ko (naghahanap na talaga ng kapalit, waaah!), then yung DVD player naman ... lahat yan last month lang.

Pagpasok ng December, nasira naman yung isang maliit na TV sa kwarto, kasi naisaksak ni hubby sa 220V dahil tinanggal ng kids ang transformer para pag-charge-an ng Gameboy na hiniram sa pinsan nila. Kadadala lang namin sa repair shop nung Saturday, by Monday eto namang isang TV ang nagloko. Nag-o-auto reprogramming mag-isa kahit walang pinipindot sa remote! So dinala ni hubby kahapon sa repair shop din.

Tuesday, biglang nag-instant defrost ang ref ng di ko maintindihan bakit. Pagsilip namin sa likod, may tumatagas na liquid sa rubber tube. Nakupo talaga!!! Kahapon din, ayun ni-pick up ng technician para hanapin sa shop nila saan may butas at para na rin daw makargahan ng freon dahil mukhang paubos na. Susme! Doble-doble bili tuloy kami ng ice sa Mighty Mart (ang mahal pa naman!) para ilagay sa ice box at nang wag masira ang mga meats. Kaninang umaga lang naibalik ang ref. Kaltas ng 1500 agad.

Si hubby, kinuha yung mga TV, worth P950 at P500 ang mga service fees. Tapos hinuli pa sya ng pulis kasi beating the red light daw kahit may enforcer na nagpapa-go dun sa kanto! Eh di ba usually pag may enforcer na sa gitna ng kalsada, ibig sabihin nun kahit gumagana ang stop light, ang sinusunod ng mga drivers eh yung enforcer? Di ba? Di baaaa?! Tapos yung kasamang pulis manghuhuli. Ang labo, grabe! Palibhasa magpa-Pasko, naghahanap na naman ng raket mga pulis. Sorry sila hindi nakikipag-areglo asawa ko para sa lagay-lagay. Ayun, nagpa-ticket na lang. Hay naku, another P500 na naman pag tinubos yung ticket after 5 days. Juice ko po!!!! Kako saka na paayos yung ibang appliances at baka wala na kaming budget pang-grocery man lang.

Hay nako, pahirap na ng pahirap ang buhay sa Pinas, ang dami pang problemang nakikipagsabayan :(

Wednesday, November 22, 2006

Justice!

Wow, nagulat ako kahapon. Me nangyaring himalaaaa! Kasi di ba lagi na lang ako nagrereklams tungkol sa paputol-putol na connection nitong landline namin. For more than two months, imagine, almost 3x a week nasa internet shop ako sa labas dahil wala kaming dial tone palagi! How ironic is that? Nagbabayad ako for unlimited dial-up internet tapos di ko rin magamit. Gumagastos pa ko sa pasahe eh ang mahal-mahal pa naman ng tricycle dito sa liblib naming village, P32 isang tao!

So imagine how pissed off I was. Everytime tatawag sa CS nila, minsan non-commitant ang sagot -- "Mam tingnan po natin, di ko sure kelan mare-repair yan eh." Minsan naman gusto mong tanungin kung saang planeta sila nanggaling pag magco-comment pa ng "Eh tatlong araw na pala kayong walang dial tone, ba't ngayon n'yo lang ni-report?" Duh?! That time pa naman, tatlong villages dito ang sira ang phones kaya nakaabot pa ko ng Ayala Alabang para lang makitawag! Sows!

Kaya sa sobrang inis, I demanded rebates. Inisa-isa ko sa kanila yung mga araw na wala kaming dial tone at kung gaano katagal bago nila naayos (may time, isang linggo! ang tagal, grrrr!!!). Sabi nung nakausap kong mga CSRs, ive-verify nila with the system.

Kahapon, dumating ang bill namin. Pramis, me konting kaba bago ko nabuksan yung envelope. Kasi iniisip ko kung hindi pa rin nila binawasan, maiiyak na talaga ako sa inis. Lo and behold, P93.00 lang ang babayaran ko instead of P840! Yey! Yung "Just Tiis" motto ko, nagkaron ng Justice! Finally, nagbunga ang prinsipyo kong ipaglaban ang tama. Thank you PLDT dahil na-prove kong may pakialam pa rin naman pala kayo sa customers ninyo!

Ngayon ang problema ko na lang eh yung paputol-putol na connection ng internet. Hay!

Tuesday, November 21, 2006

Kurot sa Puso

Ngar, naiyak na naman ako sa palabas. Kasi ni feature ni Kara David sa I-Witness kagabi yung dalawang batang may progeria o fast-aging. Nakakaawa sila kasi mukha na silang crones kahit nine at fourteen years pa lang sila :(

Ang naka-apekto ng todo sa kin, yung emotions nung isang nanay. Oo nga naman, pahiram lang ng Diyos ang mga anak natin kaya i-enjoy na lang natin at pasayahin sila habang nasa atin pa. Tapos napasulyap ako kay James. Ayun, tulo na luha ko :p

Sometimes, etong mga ganitong times yung nare-remind akong mas blessed pa rin kami dahil kahit ganito si James, me capacity kaming alagaan sya at mabigyan ng comfort kahit papano. Hindi gaya ng ibang special kids na kelangan nang ipa-ampon sa shelter dahil di kayang i-maintain ng magulang yung mga needs nila.

Hay, bigat ng dibdib ko ...

Monday, October 30, 2006

For Sale: Cute chairs for kids!

I'm helping a friend sell her original creations -- sofa cum rocking chair for little tots. Perfect as gifts to your precious ones this Christmas! See more adorable designs at http://www.picturetrail.com/writermom. For orders, just email me. :)


Cool Slideshows

Monday, October 23, 2006

Tatlong Anomalya

1) Last Friday, nag-interview ako ng isang resource person ko sa Greenhills. At dahil nasa Galleria lang naman ang office ng publishing house na pinagsusulatan ko, binalak kong doon sunod pumunta. Pagkatawid ko ng overpass, iisa ang jeep na nagpupuno doon sa pila. Ang signboard “Robinsons – Edsa” kaya sumakay ako para tapat mismo ako ng Galleria bababa.

Nearing Edsa, biglang sabi ng driver, “Hanggang dito na lang. Edsa na, Edsa na! Mag-u-U turn na ako dyan.” Apat kaming halos sabay-sabay na nagsabing “Ano?! Hindi ka tatawid ng Edsa???” Hindi daw kasi traffic. Ay naku, dahil tanghaling tapat yun at nakakainit ng ulo ang midday heat, di ko napigilang magtaray at sabihing “Maglalagay ka ng signboard na Robinsons tapos hindi ka naman dun tutuloy!” Hirit nung isang ale, “Hoy! Wag ka nang mamasada kung ganyan ka!”

Ending, wala rin kaming nagawa kaya ayun, lakad galore kaming lahat pagtawid ng Edsa sa gitna ng init, pawis at inis.

2) Pauwi na ako at sumakay ng jeep pagdating ng Alabang. Medyo nagkakagulo yung mga pasahero. It turned out that merong isang pasahero na nagkunwaring kundoktor at syang naningil ng pamasahe ng ibang pasahero. Tanong nung isang mama sa driver, “Pare, hindi mo ba kundoktor yung bumaba? Eh sya yung kumukulekta ng mga pasahe namin kanina!” Pobreng driver, hindi na nga nagbayad ang manlolokong tao, kumita pa ng pera mula sa kapwa pasahero. Tsk, ang dami talagang modus operandi sa Pilipinas!!!

3) Ang tricycle papuntang village namin P16 ang special trip. Swerte mo na lang kapag may makakasabay kang pareho ng bababaan kasi P8 na lang bayad mo. Pero most times, ayoko na maghintay dahil gusto ko na ring makauwi.

Aarangkada na yung tricycle nang biglang may matandang ale na biglang ipinatong yung isang malaking bag nya sa loob ng tricycle. Tinanong nya ako kung pwede daw syang sumabay. Tumango ako thinking at least makakamenos ako ng pasahe. Yung driver, kataka-takang vehement ang sagot nya sa lola na “Ay naku, dun na kayo sumakay sa susunod!” Eh sagot ng lola, “Bakit ba eh pumayag na ereng sakay mong sumabay ako.”

Yung ibang drivers sa labas, naririnig ko “Hoy lola, dito ka na sumakay sa susunod!” Nagtaka ako na ang isinagot nya sa kanila eh “Ano ba! Eh libre na nga ang sakay ko dito!” Akala ko naman baka kamag-anak sya nung driver ng sinasakyan ko at nahihiya lang yung driver magsakay ng kamag-anak kung may pasahero na sya kaya niya pinapalipat.

So eto na, isinalampak ni lola ang tatlong malalaking bag sa paanan ko. Medyo naging masikip ang loob ng tricycle. Pagdating sa shortcut ng village namin (di ako dumadaan malimit dun sa long cut kasi P32 ang pasahe dun although diretso hatid na sa house sana) nagbayad ako ng P20 kasi wala na akong barya. Sinuklian ako ng driver ng P4 sabay bulong ng “Miss, pasensya ka na.” Saka lang nag-register sa kin na siguro alam na nung mga drivers na modus ito lagi ng lolang ito.

Bago ako nakababa, sus! Hirap na hirap akong magmani-obra sa mga bagahe ni lola. At wala syang paki na halos masabit na ang paa ko sa handles ng bags nya at muntik malaglag bago tuluyang nakababa. Naaawa ako sa kanya kasi baka nga walang pera, pero andun din ang inis dahil sa pakiramdam na naisahan na naman ako at wala na akong magagawa.

Hay, litsugas! Tatlong kainis-inis na situations sa iisang araw lang. Kaya di umuunlad ang Pilipinas eh! Ang daming manloloko!!!
The Week That Was

Hindi na yata mawawala ang problema ko sa telepono namin! Magtu-two months nang on and off ang dial tone ng landline dito sa bahay. Ang nakakainis pa, every time kang tatawag ng PLDT, inaabot ng hanggang isang linggo bago nila aksyunan ang complaints mo. What’s worse, I am paying for unlimited dial up internet pero up to three times a week kelangan ko magbayad sa mga internet shops sa labas para lang makapag-research at submit ng mga trabaho ko. Unfair! I have come to the point na bago ko buksan ang computer, inaangat ko muna ang receiver ng telepono to make sure na may dial tone kami at makaka-internet ako.

LATEST ABERYA SA PHONE
Last Wednesday morning, habang nagpapatanghali ako ng gising dahil puyat the whole night kay James, nagising ako bigla nung may malakas na crash. Akala ko may sumabog o nabagsak na gamit ang maid ko. Pero pagsilip ko sa may kalsada, isang malaking truck ang tumigil sa harap ng bahay namin. All the while, ang akala ko, may nahulog silang kargada at pinulot lang kaya tumigil.

Sanay na kami sa mga trucks dito sa street kasi katapat namin ang isang gawaan ng billboards ng softdrinks na nilalagay ata sa mga sari-sari stores. That time though, malaki at mataas yung nakita kong truck, hindi yung mga usual na pumaparada sa harap ng house namin.

Hapon, pag-try kong mag-internet, wala pala kaming dial tone. As I was lamenting on the incompetency of PLDT, parang may “ding!” na nag-click sa mind ko as I recalled the loud sound I heard nung umaga. On instinct, lumabas ako ng bahay at saka ko nakitang naputol ang phone cable na naka-connect sa poste sa labas at sa gilid ng bubong namin. Upon further investigation, nakita ko na may cable na isiningit ng patago sa bakod nung pagawaan ng billboards. Pag hila ko, lumabas ang neatly coiled na putol na cable which confirmed my suspicions. I was really outraged na hindi man lang kami sinabihan out of courtesy na naputol nila yung phone cable namin. Accidentally or not, bastos sila dahil wala silang respeto sa ibang tao.

When I complained dun sa may ari ng shop, ang sagot pa sa kin, di daw kanila yung truck at nag-deliver lang daw sa kanila ng gamit. At bakit daw di sila ininform. Aba eh malay ko ba! Timang nga yung driver siguro. Ayun, hiningi ang phone number namin at irereport daw nila sa PLDT. Ewan ko kung ginawa.

Pagbalik ko ng gate namin, nagtaka ako kasi may isa pang putol na cable dun sa kabilang side ng bakod katabi ng vacant lot. Yun naman eh galing dun sa isa pang poste sa left side. I texted my mom to call PLDT. Ayun nakaka-three days na nung Friday, wala pa ring dumarating na lineman.

OUR HANDYMAN NEIGHBOR
Buti na lang pag-uwi ko nung Friday afternoon galing sa isang interview, naabutan ko yung isang kapitbahay namin sa labas ng gate nila. Nagkakwentuhan kami. Sabi nya madali naman daw ikabit yung cable kung alam mo pano. Eh kako, wa akong idea pati si hubby ko. Pagtingin ko dun sa cable na naka-coil dapat sa kabilang kalsada, susmio! Putol na! May nagnakaw na!

Sabi ni Mang Totoy, wag daw akong mag-worry kasi yun yung lumang cable ng phone ng dating nakatira dito sa house at yung sa amin eh yung nakabagsak pa rin sa tabi ng vacant lot. Thank goodness! Nung sinabi kong mukhang wala na atang balak puntahan ng PLDT anytime soon, tinanong nya ako kung meron kaming ladder. Sabi ko meron.

Pagkapasok ko ng house, maya-maya andyan na sa gate namin si Mang Totoy, may dalang mga tools. Kunin ko daw yung hagdan at ikakabit nya yung cable. Yung bumagsak na bakal kasama nung cable, ipinako nya ulit dun sa kahoy sa ilalim ng bubong. Tapos binuksan nya yung black box na naka-dikit sa outer wall ng house and after konting kali-kalikot, naikabit na nya yung cable. Nung pina-check na nya sa kin kung may dial tone na kami, ayos! Meron na nga!

Hay, salamat sa Diyos at merong mga mababait na kapitbahay na may pusong tumulong sa nangangailangan.

Wednesday, October 11, 2006

Let's recycle fellow Pinoys!

My hubby and I are have been active supporters of recycling for many years now. Even our sons know where to "throw" their scratch papers or fruit peelings. In our home, we have several waste baskets and empty rice sacks where we segregate all our trash (paper, plastic, cans etc.). All biodegradables are buried in our backyard while those that can still be used or recycled, we sell/give to the dyaryo-bote guys roaming the village streets. Konti na lang yung nakokolekta sa amin when the garbage truck comes twice a week. We really believe in making our environment safer for future generations through responsible waste management.

The email below was such good news to me because I have long been despairing of where to dump all the non-traditional trash that we still have at home -- a broken computer keyboard, a DVD player that recently went kaput, old cellphones that don't work anymore etc. etc. I am very glad that the program below has already been initiated last September. Last week, the waste trading market has also been featured in the Probe Team and I really hope that a lot of Filipinos will take part in making our country a better place to live in.

Let's all do our part by making recycling a habit. Promise, it's not at all difficult as long as you have the determination to see it through :) Please spread the good news by forwarding this information to your friends and family.

Thanks and God bless,
Ruth

---------- Forwarded message ----------

THE WASTE TRADING MARKETS!

...... *October 6 (and every first Friday of the month) at the Gold Crest
Car
Park, Ayala Ctr* (along Arnaiz Ave. Makati), and ......*Oct 20 (and every
third Friday of the month) at the Alabang Town Center (Alabang - Zapote Rd)

WHAT THE WASTE MARKETS OFFER;

Trade scrap paper for new (office/ mimeo) paper!
Trade used ink cartridges for new!
Sell your electronic waste (junk computers) and old / broken appliances
Sell your used lead acid batteries
Redeem the following for cash: PET plastic bottles and other plastics,
aluminum/tin cans, scrap glass
Drop off points also provided for junk cellphones/ cellphone batteries/
styrofoam

The Waste Markets aim to make recycling convenient and accessible, especially for those who frequent commercial shopping areas, and also to show that Filipinos CAN make recycling a habit!

Please help spread the word and forward this announcement to friends, family and colleagues.

For more information, contact Nancy pilien at the Phil. Business for the Environment via the contact details below.

Thank you!

Philippine Business for the Environment (PBE) 2F DAP Bldg.,
San Miguel Ave., Ortigas Center Pasig City
Tel: (63-2)635.3670 / (63-2)635.2650 to 51
Fax: (63-2)631.5714 / CP: 0917.405.9265
Email: ctem@csi.com.ph
Website: www.pbe.org.ph / www.iem.net.ph

Tuesday, October 10, 2006

Spoiled ba ang anak mo?

Paano nga ba masasabing spoiled ang isang bata? Kapag humihilata na sa sahig ng mall kung hindi mapagbigyan sa gustong bibilhin? O kapag nang-aagaw ng gamit ng ibang bata ng walang guilt na nakakasakit sya ng kapwa? At marami pang ibang description ...

Pero sa akin, ang ultimate indication na spoiled ang isang bata eh yung wala na talaga syang sinasanto, hindi lang magulang niya ang binabastos kundi pati ibang tao.

Ganito kasi yun. Nung Thursday last week, field trip nina Deden. Sa kasamaang palad, ang nakatapat namin na upuan sa bus eh isang tatay at anak nyang malikot. Ok lang sana kung dun mismo sa seats nila maghurumentado yung bata ng likot eh, kaso pati kami damay.

Yung seats kasi namin ni Deden, dun nakakabit yung parang extra chair na nafo-fold out sa aisle. Yung bata, paulit-ulit nyang hinihila ng padabog yung chair tapos uupuan nya, tatayo, susugurin ng tadyak yung chair sabay upo ulit ng malakas ang force.

Imagine my headache dahil 2 hours lang ang itinulog ko the night before dahil sa puyat kay James. I so badly wanted to take short naps habang nagtatravel ang bus from venue to venue. And yet di ko magawa dahil maya't-maya naje-jerk ang upuan namin dahil dun sa pesteng bata. The dad wasn't doing anything.

After the nth time na medyo napuno na ako (napapapikit na ako sa sobrang antok pero ayan na naman, blagadag!), I turned to the kid and politely said "Iho, pwedeng stop ka sa pag-uga ng upuan? Masakit kasi ang ulo ko, gusto ko sanang mag-sleep ng konti." Ang normal na bata, I'm sure susunod yun kung napagsabihan na ng ibang tao di ba? Like my children, may hiya naman ang mga eto sakaling may ibang taong sasaway na sa kanila. Saka kung may baltik man ang mga ito sa bahay, nakukuha sa tingin at mataray na bulong kapag nasa labas kami.

But the kid? Shet, he looked at me straight in the eye and defiantly gave the chair another strong jerk. The dad lamely said, "Kyle, stop na. Dito ka na sa tabi ko." And you guessed it, hindi sya pinapansin ng anak n'ya. I was already thinking "My gosh, anong klaseng magulang ka? Ibang tao na ang nakiusap sa anak mo dahil nakaka-perwisyo na sya, wala ka man lang bang hiyang sawatahin man lang ang anak mo???"

So I had to bear that kid's obnoxious behavior all throughout the trip. By the time the bus arrived back at the school, I already have a raging headache and I was shooting dagger looks at both son and his dad.

Gaya nga ng comment nung isang nanay na witness sa paghihirap ko, "Hah, maghanda na sya ng pampyansa!" Grrr, kainiiiis talaga!!!

Tuesday, September 19, 2006

The Art of Subtlety

Minsan, kahit masama, di natin maiwasang magsalita ng hindi maganda lalo na kung may nangyayaring nakakainis sa atin. Minsan, may K tayong magalit, minsan unreasonable tayo. Pero kahit anong inis o asar natin, di ba mas magandang huwag namang marinig ng isang tao na pinag-uusapan natin sya na naririnig nya?

Since Saturday, wala kaming dial tone sa bahay. Ergo, hindi ako maka-internet, much less makatawag sa mga dapat kong i-follow up na tao para sa santambak kong article deadlines.

Kaninang hapon, pumunta na ako sa kabilang village para lang makitawag sa bahay ng mga inlaws ko. Masama man sa loob kong iwan si Deden sa maid kahit nilalagnat ang anak ko. Hindi naman kasi naghihintay ang deadlines at panic time na ako dahil nga apat na araw na akong cut-off sa mundo.

Dapat kahapon ako ng umaga tumawag sa Director's Office ng PGH para i-follow up ko yung request kong mag-interview ng doctor. Kaso di nga ako makatawag dahil lahat ng fones sa village namin, wala palang dial tone.

So kanina, noong nakatawag na ako finally sa PGH at nakausap yung secretary, sinabihan akong nawawala daw yung original fax na pinadala ko last Friday. Mag-send na lang daw ako ng panibagong copy. So I had to tell her na wala akong fax access at the moment kasi nga apat na araw nang sira ang phone ko sa bahay. Teka daw at ta-try nyang hanapin ulit.

Tapos ba naman, rinig na rinig kong may kausap sya sa background. And her words were, "Hay naku, di ko makita yung fax, di daw sya makasend ulit at wala daw syang access ngayon. Pati ba naman yun problema ko pa?!"

I was really shocked, and rightfully indignant. In the first place, kung matino silang mag-file ng mga letters nila, at niki-keep track nila lahat ng correspondence sa office na yun, dapat walang nawawalang kopya. Tapos utang na loob ko pa sa kanya na hanapin yung letter ko kung di na ako maka-resend ng request ko which nagawa ko na naman yun nung time na sinabi nilang mag-fax ako?! May nalalaman pa syang sisi na "Eh bakit kasi di ka tumawag kahapon nung andito si doktor!" Eh hello? Wala nga akong telepono kahapon, garsh! So dense!

Ang ending? Pagbalik nya sa phone, pleasant na ulit ang tono nya. How plastic! "Miss ganito na lang, tawag ka ulit mamaya para kausapin mo na lang si Dr. Tee ng diretso pagkatapos ng meeting niya." I was tempted to tell her off. Pero since kailangan ko pa ang services nya for the next days, I decided to keep mum.

Ok fine. Maayos nya akong kinausap as phone. Pero the mere fact na narinig kong inookray nya ako dun sa isang kausap niya, turned off na ako. She could at least have left the bashing after nya ako babaan ng telepono 'di ba?

Life's unfair sometimes, and it's such a sad thing when we're at the receving end of the injustice.

Wednesday, September 13, 2006

Adik

Hay grabe, natapos ko din! Natapos ko ding panoorin lahat ng episodes ng seasons 1 & 2 ng Desperate Housewives on DVD. Ngwark! Ilang gabi akong nag-marathon. Nakakabitin kasi talaga. At least ngayon, di na ako masyado mapupuyat hehehe. Nga lang, kelangan ko na makahanap ng seasons 3 & 4!!!

Medyo super relate kasi ako kay Lynette eh. Ya know, four kids, three super-dooper kulit boys, harassed housewife thingy hahaha. Ang dami-daming scenes na todo alam ko ang pakiramdam dahil nangyayari din sa akin.

Anyways, more than a month ago, ang minarathon ko eh yung Grey's Anatomy. Bitin din!!! Kelangan na nilang simulan ang Season 3 sa US. Kaya lang, kelan pa naman yun mapapalabas sa local channels dito eh season 1 pa nga lang ang airing sa Studio 23? :(

Sows, saka ko na sisimulan yung Dr. House kasi baka di ko na magawa ang deadlines ko. Pero hay, nakaka-relieve din kasi ng pressures kahit papano. For an hour or two, I can just forget about housework and article assignments ... afterwards, refreshed ako! So, it's really a nice way to unwind.
Related Posts with Thumbnails