Showing posts with label stress-reliever. Show all posts
Showing posts with label stress-reliever. Show all posts

Sunday, May 15, 2011

Pinoy Lang Ang Makaka-Gets Nito!

Kung gusto mo maaliw at tumawa ng bonggang-bongga, watch this! :)



On the other hand, may version si K Brosas na pwede sa international audience. Mas laugh trip ito!

Thursday, May 05, 2011

Short Stress-Reliever

Natawa naman ako dito! :p Share ko lang.

It was posted in Facebook by the son of my friends. Thanks David! :)

===

Isang probinsyano nag-rent ng room sa hotel ...

Prob: Alam ko probinsyano lang ako kaya wag mo akong lokohin! Bakit ganito room ko? Maliit!! Walang kama at bintana!! Mahal na mahal ng binayad ko tapos ganito lang??

Roomboy: Sir nasa elevator pa lang tayo.. Huwag kang excited!!!

Thursday, April 14, 2011

Summer Katatawanan Handog ng Star Cinema at M-Zet Productions

Sa April 23, kalimutan muna ang mga problema at manood ng pinakabagong comedy na dinirek ni Tony Reyes at pinagbibidahan ng mga talents mula sa Star Cinema at M-Zet Productions.

Mabigat ang casting ng Pak! Pak! My Dr. Kwak! dahil talaga namang star-studded ang pelikulang ito. Pinangungunahan ito nina Vic Sotto, Bea Alonzo, Zaijan Jaranilla, Xyriel Manabat at Pokwang. Andun din sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Joonie Gamboa, Jon Avila, Victor Basa, Johnny Revilla, Dextor Doria, at Paw Diaz. Mayroon ding special participation nina Peque Gallaga, Anjo Yllana, Bella Flores, at Joey de Leon.


Ito ang kuwento ng isang anghel (Jaranilla) na naparusahan sa langit at pinababa sa lupa. Assignment niya na mapagbagong-buhay ang isang fake healer (Sotto). Nang magkakilala ang dalawa at nalaman ni Angelo na nakakagawa ng milagro si Anghelito, ginamit n'ya ang anghel sa kanyang ilegal na negosyo. Ang usapan nila, ang bawat milagro na gagawin ni Angelito ay dapat may katumbas na gawing kabutihan si Angelo.


Samantala, nakilala rin ni Angelito si Cielo (Alonzo), isang doctor na galit kay Angelo dahil sa pagiging fake healer nito. Kaya binalak ng anghel na magkabati ang dalawang taga-lupa. Nang tumagal-tagal, napalapit ang loob ni Angelito sa kanyang mga kaibigan at hindi na niya masiguro kung gugustuhin pa niyang bumalik sa langit o manatili na lang sa lupa. 


Maraming twist ang istoryang ito na nag-uumapaw sa katatawanan. Abangan at manood ng Pak! Pak! My Dr. Kwak! simula April 23, Sabado, sa mahigit 100 na sinehan sa buong Pilipinas. Para sa karagdagang impormasyon, mag log-on sa www.starcinema.com.ph, www.facebook.com/starcinema, www.twitter.com/starcinema, at www.starcinema.multiply.com.

Para makita ang mga litratong kuha ko noong Press Con last April 7, paki-click lang dito.

Monday, January 17, 2011

Evolution ng Pomada

Natatandaan ko pa, noong bata pa ako, nagpo-pomada ang lolo ko. Three Flowers Pomade ang brand na gamit n'ya.

Nung high school ako, hair gel ang nauso.

Nang naging high school ang mga anak ko, hair wax at clay doh na ang tawag sa mga pampahid sa buhok. Nung bagu-bago pa lang sila gumagamit nun, nagkakamali pa yung isang anak ko dahil "floor wax" ang nasasabi n'ya hehehe.

Last week, sumama mag-grocery ang panganay ko. Pagdating sa hair products aisle, nagsabing bibili s'ya ng Bench clay doh. Kaso out of stock daw. So instead, eto ang binili n'ya ...


In case nahihirapan kayong basahin, eto ang nakalagay sa takip: New EMO Style, Asymmetrically Funky, Tough & Shine.

Shempre pa, tawa kami ng tawa ng asawa ko habang naka-linya sa cashier. Alaskado si Kuya. 'Ika nga ni Mr. Fu, "Me ganon?!"

The next day, pagdating n'ya from school, kinamusta ko yung effect ni Emo Style. Maiksi ang sagot sa akin, "Hindi Effective!"

Hay naku! Mga marketing gimmicks nga naman!

Friday, November 26, 2010

Usapang Lotto

Ewan ba at lahat na ata ng conversations lately ng mga tao eh tungkol sa P600M+ na lotto jackpot na hindi pa rin napapanalunan.

Kanina, ka-email ko yung mga kapatid ko. Sabi ng sister ko, taya daw kami. Share ko yung sagot ng brother ko kasi natawa ako :p

"600M n yung jackpot kaso lang 1 is to 29 million ang chances na tumama. Mas malaki pa yung chance na tamaan ka ng kidlat which is 1 in 600,000. Or, mas malaki pa ang chance na matapilok o madapa ka papunta sa lotto outlet kaysa sa tumama. hehehe"

Anuveh! Pero, in fairness, may point! :D

Saturday, November 06, 2010

"Tutorial" Paano Sumakay ng Jeep

"There are also two seats in front, next to the driver. But this is usually reserved for female college students." :D

"The angle between your knees should not exceed 10 degrees."

Panalo talaga sina Moymoy Palaboy hahaha! Kaso, kahit English ang instructions, I doubt kung totally magi-gets ng foreigners ang message. Basta, nakakatawa lang talaga s'ya :p I'm sure yung mga Pinoy na nasa abroad matutuwa mapanood ito :)

Friday, October 15, 2010

Ano nga kaya ...?

... kung ganito ang pagdaraanan mo bago ka maka-withdraw ng pera sa ATM?



Hindi kaya ma bugbog-sarado yung machine? :p

Monday, October 04, 2010

Mga Kalokohan sa Facebook

Minsan nga naman, mahirap i-define ang "Status" sa social networking sites. Para sa ilan, hindi enough yung "It's complicated." Kaya siguro may isang Pinoy na napag-trip-ang gawin ito:


Sobrang specific 'no? :p

At para naman sa mga ayaw pa o hindi maka-move on, eto ang para senyo ...


May sense naman 'di ba? :)

Monday, August 09, 2010

Relate ako dito! LOL

Ni-post ng kaibigan ko sa Facebook. Share ko lang, pampasaya ng araw :)

Thursday, August 05, 2010

Bored?

Eto mga magandang suggestions. Para mabago naman for once ang takbo ng araw mo :p

Sunday, August 01, 2010

Aiai delas Alas at FILharmoniKA

Hayaan ninyong patawanin din kayo ni Aiai delas Alas gaya ng pagpapasaya niya sa amin kagabi sa Show Tickler ng Ambient Media.




Para makita naman ang astig na pagkakakanta ni Aiza Seguerra ng Ang Huling El Bimbo, bisita lang kayo dun sa kabilang blog ko :)

Sunday, July 11, 2010

Ang Kwento ni Inday

Ibalik natin ang ilang nakakatawang eksena sa buhay ni Inday. 'La lang, kailangan kong matawa para hindi ako antukin dahil hindi pa ako tapos sa deadline ko :p

===

Dahil sa tindi ng kahirapan sa probinsya, namasukan si Inday bilang katulong sa Maynila. Habang ini-interview ng amo:

Amo: Kelangan namin ng katulong para mag ayos ng bahay, magluto, maglaba, magplantsa, mamalengke, at magbantay ng mga bata. Kaya mo ba ang lahat ng ito?

Inday: I believe that my trained skills and expertise in management with the use of standard tools, and my discipline and experience will contribute significantly to the value of the work that you want, my creativity, productivity and work-efficiency and the high quality of outcomes I can offer will boost the work progress.

Amo: [nosebleed]

Nakaraan ang dalawang araw, umuwi ang amo, nakitang me bukol si junior.

Amo: Bakit me bukol si junior?

Inday: Compromising safety with useless aesthetics, the not-so-well engineered architectural design of our kitchen lavatory affected the boy’s cranium with a slight boil at the left temple near the auditory organ.

Amo: [nosebleed ulit]

Kinagabihan, habang naghahapunan.

Amo: Bakit maalat ang ulam?

Inday: The consistency was fine. But you see, it seems that the increased amount of sodium chloride (NaCl) affected the taste drastically and those actions are irreversible. I do apologize.

Amo: [nosebleed na naman]

Donya: Bakit tuwing paguwi ko, nadadatnan kitang nanunuod ng tv?!

Inday: Because I don’t want you to see me doing absolutely nothing.

Donya: [hinimatay]

Kinabukasan, sinamahan ni Inday si junior sa principal’s office dahil di makapunta ang amo at donya.

Principal: Sinuntok ni junior ang kanyang kaklase.

Inday: It’s absurd! It was never a fact that he will inflict a fight. I can only imagine how you handle schizophrenic kids on this educational institution. Revise your policies because they suck!

Principal: [nag resign]

Pag dating sa bahay, nandun na ang amo, galit na galit.

Amo: Inday, bakit nagkalat ang basura sa likod ng bahay?!

Inday: A change in the weather patterns might have occurred wrecking havoc to the surroundings. The way the debris are scattered indicates that the gust of wind was going northeast causing damage to the path it was heading for.

Amo: [nosebleed ulit]

Habang nagluluto si Inday ng hapunan, malikot si junior.

Inday: Stop your raucious behavior. It is bound to result in property damages and if that happens there will be corresponding punishment to be inflicted upon you!

Junior: [takbo sa CR, punasan ang nagdudugong ilong]

Pagkatapos magluto, nanood na ng TV si Inday. Nabalitaan nya umalis si Angel Locsin sa GMA 7.

Junior: Bakit kaya sya umalis?

Inday: Sometimes, people choose to leave not because of selfish reasons but because they just know that things will get worse if they’ll stay. Leaving can be a tough act, and it’s harder when people can’t understand you for doing so.

Junior: [tuloy ang pagdugo ng ilong]

Nung gabing yon, me nag text ke Inday. Si Dodong, ang driver ng kapitbahay, gusto maki pag text-mate.

Inday: To forestall further hopes of acquaintance, my unfathomable statement to the denial of your request - Petition denied.

Di nagla-on, dahil sa tyaga ni Dodong, nagging syota nya rin si Inday. Pero di tumagal ang kanilang relasyon, at nakipag-break si Inday ke Dodong.

Inday: The statute restricts me to love you but you have the provocations. The way you smile is the proximate cause why I love you. We have some rules to think of. We have no vested rights to love each other because the upper household dismissed my petition!”

Dodong: Perhaps you are mistaken, what you seem to contrive as any affections for you are somewhat half-hearted. I was merely attempting to expand my network of interests by involving you in my daily recreation. Heretofor, you can expect an end to any verbal articulation from myself”

Me dumaan na mamang basurero, at narinig ang usapan ni Inday at Dodong.

Basurero (sabi ke Inday): Be careful in letting go of the things you thought are just nothing because maybe someday you’ll realize that the one you gave away is the very thing you’ve been wishing for to stay.

Narinig ang lahat ng eto ng amo ni inday.

Amo: [nagpakamatay]

O SYA, TAMA NA YAN AT PUNASAN MO NA ANG IYONG NOSEBLEED.

Friday, May 14, 2010

Wala Kayo sa mga Tricycle sa Amin! :p

The first time namin nabasa ang laman ng poster na ito sa loob ng isang tricycle sa village namin, tawa kami ng tawa ng asawa ko.

Nung nakasakay ulit ako ng isa pang tricycle na meron din nun, di ko na mapigilang hindi kuhanan ng picture.


In case hindi n'yo masyadong mabasa, eto ang nakasulat doon ...

Kung ang DRIVER ng tricycle ay may ganitong katangian:
A. Matulungin
B. Matapat
C. Magalang
D. Mabango

I-Text kay PRES!


Shempre dun kami natawa sa "mabango". Sus, may pasahero bang inaamoy ang driver? hahaha.

Kapag nagkataon ...

... ganito daw ang mga NoyBi posters na lalabas sa mga Philippine government offices :p


May isa ring tweet galing sa Twitter na nakapagpatawa sa akin ng malakas kahapon:

"Congratulations Philippines for electing your first black VP." - US Pres. Obama

Hehehe, ang humor nga naman ng Pinoy ... panalo!

Tuesday, March 30, 2010

Spoofed

Hindi ako nage-endorse ng alak ha. I'm just posting this kasi naaliw ako, ang gwapo pala ni Marian Rivera kung sakaling naging lalaki s'ya :p Pero si Dingdong, hindi bagay na babae hehehe.

In fairness, ang galing nung nag-photoshop nito.

Thursday, March 25, 2010

Isa Pang Kababawan

Enjoy ako kapag nakakabasa ng mga ganitong klaseng witticisms. Napaka-creative talaga ng mga Pinoy pagdating sa pagpapatawa!

In fairness, nakaka-relate ako sa message sa baba lalo na kapag full blast na naman ang pagvi-videoke ng kapitbahay namin :p

Tuesday, March 09, 2010

Nakakatawang-Hindi

Okay, aminin ko, funny ito -- kung sa iba nangyari. Pero kung sa akin, baka masapak ko ng bonggang-bongga yung gagawa ng prank na ito sa akin :p



Sobrang nakakatawa lang yung last victim. I can imagine, kinakausap pa n'ya yung patay, like "O ayan ha, mas guguwapo ka pag may makeup ka na ..." :p

Thursday, February 25, 2010

May point! :p

Nakaka-identify ako sa nagsulat nito. Ganito rin ang pakiramdam ko dati noong college student pa lang ako :)

Sunday, February 14, 2010

Funny Valentine

Napasahan na ako ng video na ito noong January pa. Pero palagay ko, ito ang tamang araw para i-post ito dito :)

Cheesy s'ya pero sobrang nakakaaliw!

Wednesday, February 10, 2010

Paalala ...

... bawal ang adik ... sa Facebook! hehehe


Aliw talaga ang mga Pinoy, ang daming naiisip na kalokohan :)

BTW, nakuha ko lang ang picture na ito ... sa Facebook :p
Related Posts with Thumbnails