Definitions
Natatawa ako sa isang kaibigan kong doctor, scientific talaga mag-assess hahaha. Kasi after kong ikwento na nahihilig sa jazz ang mga anak ko, ang comment nya “Wow, Jazz na pinapakinggan kahit mga bata pa .... Cultured!!! ... parang bacteria .... hehehe”
Tapos ang pag-define nya ng street food, yun daw may “alikabok factor”. Ayus ka talaga Kididok!
Thursday, March 31, 2005
Wednesday, March 30, 2005
Bad Trip
Kaninang umaga, naka-receive ako ng text from 09186786701: “Phil.charity foundation!sir mam congrats!!!u r lucky win last4digits cel#had w0n! 360 Thousand last drw MARCH,/29/2005.pls txt ur name ADRS. & call me now I’m, CATHY M. CORTEZ’..”
Shempre pa ke aga-aga naasar ako. Una, dahil wala pa akong tulog magdamag dahil ayaw matulog ni James kahit 11am na at di ko sya matulugan dahil umiiyak pag di ko papansinin. Pangalawa, I hate people who take advantage of naïve ones. Etong kapitbahay namin a few weeks back, naka-apat atang pa-load sa akin within one day. Nalaman ko lang later na kaya pala eh dahil may ka-text na nagpromise sa kanya ng pera. Sus, kawawang tao, nagkang-uubos ang load dahil sa paghabol ng isang malabong pangarap. Pangatlo, ang engot mag-text nung manloloko ha. Mali-mali na nga grammar, dikit-dikit pa ang words. Sa madaling sabi, text pa lang, malabo na syang kausap, hmp!
Kaya nag-text back ako, “HOY KATATAPOS LANG NG MAHAL NA ARAW NANLOLOKO NA NAMAN KYO? MAHIYA KA NAMAN SA BALAT MO! MAGHANAP KA NGA NG MATINONG TRABAHO!” Hindi na sumagot. Sana nakonsyensya kahit konti.
Kainis eh. Wala silang magawang matino, mandadamay pa ng ibang tao. Nakakaawa tuloy yung ibang napadalhan nila ng same message tapos kumagat at naniwala. Kahit gaano kahirap ang buhay sa Pilipinas, walang karapatan ang isang tao na manloko ng kapwa niya! Sana lang matuto silang magtino bago pa sila mahuli ng batas at makulong ng matagal sa bilangguan. (Oo alam ko, wishing lang ito dahil hindi naman inaasikaso ng gobyerno at mga celphone companies ang mga ganitong klase ng panloloko.)
Hay naku, sana matigil na ang ganitong modus operandi. *buntong-hininga*

Hiatus
Hi everyone! Kamusta ang Holy week ninyo? Kami hindi na lumabas masyado, nag-bonding na lang dito sa bahay. Naranasan na kasi naming mag-travel dati pa-Baguio from Holy Thursday tapos uwi din ng Easter Sunday. Feeling ko mas marami pang time ang na-spend namin sa daan kesa sa pasyalan sa sobrang traffic pa-Norte. Kaya naging agreement namin ng asawa ko, hindi kami sasabay sa rush ng bakasyunan pag mahal na araw.
Tagal ko na namang di naka-post dito. Sobrang busy lately. Dami ko tuloy naipong kwento na gusto ko i-share senyo. Basa-basa na lang kayo kahit staggered ang entries ha. Salamat sa lahat ng malimit bumisita sa blog na ito. I am very much encouraged and inspired sa mga messages sa tagboard at emails na pinapadala nyo sa akin.
Have a great week!

Friday, March 18, 2005
Ranting
Kaasar talaga ang Globe! I just wish may taga-doon na higher-ups na mabasa ito. Hindi na ako mag-aaksayang tumawag sa 211 hotline nila dahil incompetent naman palagi ang nakakausap kong CSR, malalabong kausap!
Last March 5, nagpa-upgrade kami ni hubby ng sim to XL. Kasi sa dami ng kakilala ng asawa ko and mga clients nila sa company, ang dami ng kulang na space sa phone book nya. Bura sya ng bura ng contact lists dahil wala na mapaglagyan tapos hirap na hirap naman i-figure out kung sino ang nag-text o tumawag pag kinontak ulit sya ng ibang tao. So I convinced him, ako na mag-asikaso ng upgrade, anyway madali lang naman kako yun.
We got there sa Globe Business Center in San Pablo City, Laguna around 6pm na kasi dinala pa namin si James sa doctor. Hanggang 6:30pm ang business hours nila. Nag-fill up ako ng forms, nagbayad ng P200 cash (ayaw tanggapin ang G-Cash ko dahil hindi pa daw sila connected – hello? eh Mercury Drug branches nga tumatanggap ng G-Cash tapos silang mismong business center hindi? Hanggang deposit at retrieval lang daw sila dun for now, ewan!) and binigyan ng bagong sim packs. Sabi nung customer representative, hintay lang daw ng ilang days at kapag nawala ang signal nung old sim, pwede na gamitin yung bago. Saka daw manually na lang i-transfer ang mga contact numbers sa address book. Nagtaka ako sa puntong yun kasi dati na nagpa-upgrade kami sa Glorietta, meron silang maliit na gadget na ginamit para i-transfer ang data from the old sim to the new one. Inisip ko na lang, baka hindi na ganun ngayon at since nagsa-start na magsarado nung metal na pangharang sa door yung guard, di na ako nagtagal. Ako ang last customer kasi.
Upon arriving home, inuna ko ilista ang mga nasa phone book ng sim ni hubby. Since kerami-rami, napagod na ako at hindi ko natapos iinput lahat sa phone nya. Nakita ng brother ko and sabi nya, kakapa-upgrade din lang nya sa mall pero na-transfer naman electronically lahat ng data sa new sim. Lalo tuloy ako nagtaka bakit nga walang ganun dun sa Globe San Pablo?
Sunday morning, my hubby had to leave na for Manila kasi may work sila. Nang mag-Monday, ayan na, nagtext si mister, asar na asar kasi daw hirap na hirap syang i-distinguish ang mga callers nya dahil hindi pa nga complete ang phonebook list. Eh nawalan na ng signal yung old sim nya.
That time, hindi ko pa nasisimulan mag-transfer ng phone book ko manually. Naisip ko, teka muna more than 250 contacts ang ililipat ko, parang ang aga namang penitensya non! Nung hapon, nag-decide na akong pumunta ulit sa Globe to ask bakit hindi sila nag-transfer. Hindi kasi sila nako-kontak by landline, fax tone lang at answering machine ang sumasagot kapag tatawag ka. Ayokong makipag-usap sa makina! Upon arriving there, namukhaan ako nung CSR. Nung sinabi kong “Hindi ba pwedeng ilipat na lang automatically ang data from the old sim to the new sim? Hirap na hirap asawa ko ha.” Ang sagot? “Eh sige Ma’am, ilipat natin. Akin na ang mga sim nyo.” Tumaas ang kilay ko. “Sus, pwede naman pala bakit hindi nyo ginawa nung Sabado?!” Kasi daw that day lang dumating yung gadget na pang-transfer. KUNG DI KA BA NAMAN MAGDUDA NYAN! Isip-isip ko, “Tinatamad ka lang siguro gawin nung Sabado kasi uwian na.” Pero naman, anong klaseng customer service yun di ba?
So nailipat ang mga data ko, in less than 10 minutes. Yun daw sa mister ko, dalhin na lang sa kahit saang Globe center sa Manila para magpalipat since nasa-database naman daw ang number. Hah, huli man at magaling, HULI PA RIN!
Anyway, since pwedeng ilang araw daw ang abutin bago mawalan ng signal ang old sim, hintay ako para dun sa akin. Aba naka-isang linggo na, wala pa rin! Hintay pa ulit ako dahil ayoko ng pabalik-balik sa business center nila, malayo din kasi from our house. Two days ago, di na ako nakatiis. Nakakainis na eh, naka-10 days na, wala pa rin! Ano pa silbi ng XL sim kung di naman magagamit?
I decided to fax them a letter. Eto ang nilagay ko:
Resulta? In less than an hour after ko mapadala ang fax, nawalan ng signal ang old sim ko. MY GULAY, PWEDE NAMAN PALA NILANG I-MANUAL YUN! Ganun ba, dapat pang magreklamo at mag-follow up ang customer sa mga kapalpakan nila bago sila umaksyon?! I will doubt it very much kung may magsasabi sa aking nagkataon lang na after ko sumulat eh saka nawala ang signal ko. Sobra ng coincidence yun, counting the lack of the transferring gadget nung time na nagpa-upgrade ako at pagkakaron nun two days later pagbalik ko.
Argh, kung di lang hindi ko mabitawan ang Globe number kong yun dahil sa dami ng clients kong yun ang alam, etong Smart number ko na lang talaga ang gagamitin ko.
Lesson: Always assert your rights as a customer. Hindi ako nagdadalawang-isip mag-complain kung alam kong nasa tama ako. Ang dami nilang pakinabang sa buong pamilya ko dahil lahat kami naka-Globe (except my mom na hindi na natiis ang palaging walang signal dito sa amin at nabwisit na kaka-“message sending failed” ng telepono nya) tapos ang tamad nila mag-asikaso ng customers! Not fair!

Sir/Madam,
Last March 5, I had my and my husband’s Globe sims upgraded at your branch. My husband was able to use his XL sim after two days because the old one lost its signal sooner. However, up to this writing, my old sim is still functioning and I haven’t had the opportunity to use the new sim even after more than 10 days after the upgrade. The new sim still displays “sim card registration failed” when I try to turn it on. What could be the problem?
I live far from San Pablo and it is very inconvenient for me to go to the service center just to find out what the problem is considering that the upgrade procedure should have been a simple matter. Your customer representative told me that it may take a few days before I can use the new sim so I waited. I have been patient enough to wait for more than a week!
Please call me on my landline phone xxxxxxx (because Globe’s signal is very weak in our area and conversations via mobile phone are always very choppy or get cut off completely) and talk to me about this. I am now very much tempted to totally switch to another network.
Hoping for your quick action.
Resulta? In less than an hour after ko mapadala ang fax, nawalan ng signal ang old sim ko. MY GULAY, PWEDE NAMAN PALA NILANG I-MANUAL YUN! Ganun ba, dapat pang magreklamo at mag-follow up ang customer sa mga kapalpakan nila bago sila umaksyon?! I will doubt it very much kung may magsasabi sa aking nagkataon lang na after ko sumulat eh saka nawala ang signal ko. Sobra ng coincidence yun, counting the lack of the transferring gadget nung time na nagpa-upgrade ako at pagkakaron nun two days later pagbalik ko.
Argh, kung di lang hindi ko mabitawan ang Globe number kong yun dahil sa dami ng clients kong yun ang alam, etong Smart number ko na lang talaga ang gagamitin ko.
Lesson: Always assert your rights as a customer. Hindi ako nagdadalawang-isip mag-complain kung alam kong nasa tama ako. Ang dami nilang pakinabang sa buong pamilya ko dahil lahat kami naka-Globe (except my mom na hindi na natiis ang palaging walang signal dito sa amin at nabwisit na kaka-“message sending failed” ng telepono nya) tapos ang tamad nila mag-asikaso ng customers! Not fair!
Friday, March 11, 2005
Goodbye, Buhok!
Tinopak ako nung Wednesday. I guess I was just bored having long hair. Waist-length na kasi. Siguro mga 1 1/2 years na since nagpa-trim ako ng buhok, hindi ko na nga matandaan kelan eh. Anyways, after so much indecisions dati pa kung magpapaputol nga ba ako o hindi at gaano kahaba ang ipababawas ko, naisipan ko na lang nung isang araw na "sige na, ngayon na!"
So punta ako sa parlor ng tiyahin ko. Tanong pa sya, hanggang saan daw. Sabi ko basta mababa ng konti sa balikat. At nag-request pa akong ipunin namin yung mga mapuputol na mahaba. La lang, remembrance hehehe.
Pagdating ko ng bahay, sinukat ko yung putol na buhok. Tumataginting na 15 inches! Sabi ng sister ko, ibenta ko daw sa mga naghe-hair extension since maganda ang quality nung buhok ko. Pwede ba talaga yun?! In fairness, hindi ako gumagamit ng hair dryer at kung anik-anik kaya simpleng diretso lang ang aking crown of glory. Sabi ko nga, sige hanapan ako ng mapapagbentahan at ng matingnan kung mapapagkakitaan nga ba etong buhok ko hehehe. May alam kayo?
Ang gusto ko lang sa pagiging impulsive ko, wala talaga akong regrets sa bagong hairstyle ko. Parang gumaan lang naman ang ulo ko hahaha. At nawa'y walang nabawas na gray matter sa akin dahil dun :D

Tuesday, March 01, 2005
Naka-CAP-pag-alala Talaga!
Kahapon, against my better judgment but upon my husband’s advice, pumunta ako sa CAP office para magbayad. Dalawang payments na lang kasi kami, fully paid na ang educational plans ng tatlo naming anak. Mas delikado daw namang pabayaan naming mag-lapse tapos in case na magbabawi kami, baka lalong wala kaming makuha.
Nakaka-frustrate lang na habang nagbabayad ako, may dumating na isang naka-uniform na estudyante, at nagtanong “Ma’am kelan po kaya yung sa akin?” To which a CAP employee replied “Hintay-hintayin nyo na lang, darating din yun.” Ack, kailan pa?!!! Kawawa naman yung bata. Napaka-ironic na andun ako at nag-aabot ng pera sa cashier tapos wala silang maibigay dun sa scholar nila. Wala akong magawa kundi mapailing.
Meron ding isang ale na naririnig kong sinasabing “Eh tatlong buwan na hong hindi dumarating yung pera. Bakit nyo kami pinapadalhan ng notice na pwede na mag-claim tapos pagdating dito wala pala? Gagraduate na ho anak ko, wala pa kaming pambayad!” Naku, sana talaga by the time na mag-college na ang mga anak ko, may pambayad na ulit na matino ang CAP! O sobrang optimistic ako?

Monday, February 28, 2005
Conversation
Kadarating ko lang galing grocery. Pagod na pagod ako so naupo muna ako sa sofa and nagkalkal si Deden ng mga pinamili ko. Binuksan ang isang pack ng chips. Humingi ako ng isang balot para maka-snack din ng konti.
Nung ubos na ang laman ng kinain ko, request ako:
Mommy: “Deden, pasama naman itapon itong balat ko sa trash can please.”
Daniel: “Mommy, kanyang kain, kanyang tapon,” sabay alis at yung balat lang nya ang dinala papuntang kitchen. Pagbalik nya sabi ko,
Mommy: “Ay ganun? Ok sa susunod, kanyang pambaon sa school, kanyang bili ha. Hindi na si Mommy ang bibili ng mga snacks mo.”
Tumaas ang mga kilay ng makulit na bata, without a word kinuha ang balat ko at dinala sa basurahan. Ayos, nadadaan naman pala sa psychology eh.

Tuesday, February 22, 2005
One Heartbreaking Experience
Parang sasabog ang dibdib ko kahapon. Unang reaction ko, gusto kong tirisin at ibitin ng patiwarik sa puno ang mga kaklase ng anak ko! My mom who’s a high school teacher happened to drop by my two older sons’ school (elementary) bago mag-dismissal. When my mom and the kids came home, kinausap ako ng nanay ko, galit na galit.
“Alam mo bang binu-bully na pala yang si Geffrey Leland sa school!” Habang nakikinig ako sa mga sinabi nya, hindi ko na napigilang maiyak. Sakit sa dibdib! It turned out na when she got to the classroom, nakita nyang dumudugo ang tenga ni Leland. Nung tinanong nya, ang sagot lang ng anak ko, “Nakutkot ko lang po.” Very passive kasi itong anak kong ito, hindi sya aggressive na bata. Malimit kontento na nasa isang tabi para gawin ang mga comics drawings nya o magbasa ng libro.
Bigla daw nagsipagsumbungan yung mga babae sa klase:
“Kasi po pinagkakaisahan si Geffrey na pitikin ang tenga nung ibang mga lalaki. Eh marami po sila kaya siguro nagsugat na.”
“Malimit po kahit nagdo-drawing yan sa isang tabi, nilalapitan nila para guluhin tapos tinutusok nila ng ballpen.”
“Sina Lyndon nga po pag-galing sa paghuhugas ng kamay winiwisikan ng tubig sa mukha si Geffrey parati.”
“Sa P.E. po ginagawa nila palaging taya para sya ang manghabol at mapagod na mabuti.”
“Si Christian po sinasabihan yan ng ‘Ako ang Master mo, ako lang ang susundin mo at gagawin mo lahat ng sinasabi ko.’”
“Sabi namin kay Geffrey isumbong na namin kay Mam, ayaw po niya.”
Sabi ni nanay “Bukas, puntahan mo ang teacher. Kausapin mo at isa-isahin mong kausapin yung mga batang babae na nagsusumbong. Alamin mo ang iba pang ginagawa dyan sa anak mo! Pagharapin kamo ng teacher yung mga nagsalita at yung mga tinuturo nilang bata.” Konti lang daw ang bullies na nadatnan ni nanay dun dahil nakauwi na yung iba. Pero pinandilatan daw nya ng mata at sinabihang “Anong karapatan ninyong saktan ang apo ko!” May umiyak pa daw na batang lalaki. Tangging-tanggi.
Ang masakit, malimit naman akong pumupunta sa school to check on them kapag wala pang klase si Deden and maiiwan sila ng yaya kasama ni James sa bahay. Pero walang nagsasabi sa akin. Tuwing kukumustahin ko ang schooling nila, palaging “Fine, Mommy” ang sagot at magkukwento lang na “Mataas po ang grade ko sa quiz kanina sa ganitong subject.” Never nagsabing may nananakit na pala sa kanya.
Kinausap ko si Leland. Pinaamin ko kung sino-sino ang mga umaapi sa kanya. Meron pa daw na batang lalapitan sya para lang i-twist ang arm nya. Naiyak lalo ako nung nag-break down na sya at tumulo na ang luha. It seemed all he wanted was to belong. Ayaw nya ng may kaaway, ayaw ng may galit sa kanya. Bwisit kasi yang concept na yan ng peer pressure eh! Sabi ko nga, “Anak, ok ang maging mabait ka. Pero hindi at the expense na sinasaktan ka na at hindi mo pinagtatanggol ang sarili mo!” Tinatanong ko sya kung may nananakot sa kanya kung magsusumbong sya. Hindi makapagsalita. Sabi ko na lang “Kapag may nagsabi sa yo na ‘lagot ka sa akin kapag isinumbong mo ako’, sagutin mo ng ‘mas lagot ka sa mga magulang ko kapag nalaman nila ang ginawa mo!’” Gosh I was so mad. I resolved to go with him the next day pagpasok nya ng school. Last night before I went to sleep, ipinagdasal ko talaga ang magiging confrontation namin sa school.
So kaninang umaga, sugod ako sa school. Pinatayo ako ng teacher sa harap ng klase at isa-isang pinag-salita ang mga batang nagsumbong kahapon. Ganun din ang sinabi and more. Meron pa palang mga incidents na pinagbubuhat si Geffrey ng school bag nung isang kaklaseng bully. At may time pa during gardening na binato ang anak ko at tinamaan sa mukha kaya daw umiyak. Ni hindi ko nalaman ang incident na ito! Ultimo palang ang pagkakaibigan ng anak ko with his bestfriend tinutukso silang mag-syota daw kasi bading. Lagi daw kasing magkasama. My goodness! Napaka-kitid ng utak ng ibang bata. Napaisip ako, saan ba nila nakukuha ang concepts na ganito?! Hindi ko napigilang magsalita ng “Bakit wala ba kayong bestfriend? Dahil ba sa enjoy magkasama ang dalawang tao at mag-drawing palagi sa isang tabi, kailangan nyo ng lagyan ng malisya? Yan bang mga babaeng mag-bestfriend, sinasabihan nyo ding tomboy naman?” Hindi sila makasalita. Kids can really be cruel. Ang adviser nila, pinagalitan silang lahat dahil daw bakit sya ang huling nakaalam noon. Bakit daw hindi agad sinabi sa kanya para nasolusyunan agad bago pa lumala. Sumagot ang isang babae, “Mam kasi po sabi nila pag nagsalita kami, sumbungera daw.” Mahina ang sagot ni Leland “Ayoko rin po kasing matawag na sumbungero.” Again, that blasted peer pressure thing. Ayaw nga naman ng isang batang madikitan ng label but at what price? Argh, at elementary pa lang ang anak ko! May high school at college pang pagdadaanan. God help me!
Ang ending, after magsalita ang dapat magsalita, pinangaralan ko silang lahat. Sabi ko bago sila gumawa ng kahit anong bagay, kung sa tingin nila makakasakit lalo na kung sa sarili nila gawin ng ibang tao iyon, wag nilang ituloy. “Hindi lang para kay Geffrey kundi para sa lahat ng nasasaktan ninyo. Iwasan nyo na may nasasaktan, kahit kalooban o physical man yan. Mali yun eh.” I also told them na sa susunod na may marinig akong may nanakit ulit kay Leland, dadalhin ko na sa guidance counselor ang kaso at ipapatawag ko mga magulang nila. Sana lang magtanda na ang mga dyaskeng batang yun!
Iniisip ko, could I have done something to prevent this? Dapat ko bang sisihin ang sarili ko? But I don’t want to dwell on self-flagellation. Meron bang magandang maidudulot yun? Gugustuhin ko bang magpaka-depressed na lang dahil wala akong nagawa? Or I can choose to learn from this experience. Nangyari na eh, so ang magandang gawin, umaksyon para ma-prevent itong mangyari ulit. We can all do so much as parents pero hindi natin hawak ang bawat sandali ng mga anak natin nor ang ugali ng mga taong nakakasalamuha nila araw-araw.
Lessons learned para sa akin, hindi sa lahat ng oras kasama natin ang mga anak natin para mabantayan sila ng todo. Kahit gaano mo i-try protektahan ang anak mo, hindi mo kakayanin yan 24 oras lalo na kung school-age na. They have to learn to stand up for themselves. Hindi porke wala silang sinasabi, ok lang lahat. Kailangan mag-probe deeper ka every now and then sa kanilang inner thoughts and feelings.
Ang goal ko tuloy ngayon, empowerment para sa mga anak ko. Ang i-remind sila palagi na matutong mag-speak out at ipagtanggol ang sarili sa mga oras na agrabyado na sila. Na kausapin sila ng masinsinan once a week (baka kasi overkill kung araw-araw) to find out what REALLY happened to them for the past few days. At mas maging diligent na ipagdasal ang safety nila sa bawat sandali.
Sa mga kapwa ko magulang, sana may napulot kayo dito. And I pray na sana hindi ninyo pagdaan ito dahil sobrang sakit para sa isang ina ang malamang sinasaktan ng ibang tao ang anak mo.

Tuesday, February 15, 2005
Violent-time Valentines
Argh, nakakainis na ang mga terorista! Talagang itinaon na Valentines Day pa para magpadanak ng dugo. I-color coordinate ba!
May article deadline ako kahapon at todo tutok ako sa computer maghapon to edit and rewrite. Hindi tuloy ako nakanood ng news. Bandang 8 pm, nagtext ang asawa ko “Hi mom! Jus want u 2 knw na ok lng ako. Minutes lng ang pagitan ng bus na sinasakyan ko at nung bus na sumabog sa edsa corner ayala. M on my way hom to Alabang na.” Me smiley pa sa dulo ng message!
Ack, delayed panic reaction ako. Napabukas tuloy ako ng TV ng di-oras. To my horror, aside from the EDSA bombing meron din palang nangyari sa Davao. Doble panic ako kasi andoon ang brother ko since Sunday. Text agad ako kung ok lang siya. Buti sumagot agad. Malayo daw yung hotel nila from the site. Nakahinga ako ng maluwag.
Sadly, yung brother in law ng isang friend ko, nakasama dun sa bus na sumabog and badly burned daw although alive naman. Nakakalungkot talaga. Ang daming tao ang walang magawang matino kundi mag-cause ng dalamhati sa iba.
Naalala ko tuloy yung Rizal Day bombing. Yung isang friend namin na nakatira sa Sampalok nakitulog sa bahay namin sa Alabang. Late kaming nagising at late ding naka-prepare ng breakfast kaya late na sya nakaalis pauwi. Buti na lang! A few hours later, tumawag sa amin na buti hindi sya nakasakay sa LRT na sumabog. Eh yun pa naman ang sinasakyan niya palagi pauwi. Grabeng relief din ang naramdaman namin noon.
Kaya dapat talaga pinagpi-pray natin ang mga mahal natin sa buhay lalo na kapag wala sila sa bahay at malayo sa atin. Ingat tayong lahat at wag kalimutang magdasal!

Monday, February 14, 2005
Parinig
Nung Sabado, kinuwento ko kay husbandry na ang topic dun sa isang egroup ko eh “Ano bang magandang gift ang magandang ibigay kay hubby sa Valentines Day?” Merong nagpa-plan ng surprise dinner, meron ding overnight stay kung saan, etc. etc.
Paringgan ko nga ng “Ako kaya kelan ulit madadala sa isang date na pang Valentines?” Paano, the last time kaming nakapag-dinner date ng Feb 14 eh 1998 pa! As in! Sa sobrang busy sa pag-asikaso sa mga bata, parang wala na kaming ka-oras-oras mag-celebrate ng special occasions. Although happy naman na ako sa mga “dates” na nag-go-grocery kaming dalawa lang or mag-meet sa Manila for dinner kapag luluwas ako in the middle of the week to interview somebody for an article assignment. Nakatuwaan ko lang biruin.
Kahapon, nag-church silang tatlo nina Leland at Josh. Dahil day-off ni yaya kapag Sundays, alternate kaming lumabas para may maiiwan kay James. Bandang tanghali, biglang nag-text. Meron daw fund-raising Valentine Dinner ang isang Christian org sa Los Baños at nagpa-reserve na daw sya ng slot for 8pm. Naks! Nadala sa parinig!
Kaya tamang-tamang dumating si yaya from her day-off, nakabihis na kaming mag-asawa para mag-date (officially!). Ang nakakatawa, merong mga asungot na batang kinukwestyon kami na bakit hindi sila pwede sumama. Si Leland, knowing na yung venue eh sa restaurant ng family friends namin, mega-request na “Sige na Mommy, dun ako sa loob ng bahay nina Tita at makikinood lang ako ng TV.” Ngek! Si Deden din, tanong ng tanong, “Bakit aalis kayo eh gabi na?” (Tsk, hindi talaga sanay ang mga anak namin na nagdi-date ang mga magulang nila). Nung sinabi naming “Magdi-date po kami.” Ang sagot, “Date? Ano yun? Isama nyo na lang kasi ako!” Ayayay!
Anyways, we did enjoy our time out from the kids last night. Kami ang last couple na umalis dun sa venue kasi nakipag-chikahan pa kami sa mga kabarkada naming doon nakatira. At least kahit umalis na si hubby kanina for work, nakapag-celebrate kami ng Valentines kahit one day early. Ang saya ko lang naman hehehe.

Subscribe to:
Posts (Atom)