Sobra naman!
Ilang araw na akong naririndi sa isyu nitong si Jinggoy at si PNP chief Aglipay. Nililipat ko na lang ang channel kapag yun na naman ang nasa news. Naartehan na ako dito sa senador na ito ha. Kesyo ayaw-ayaw pang mag-accept ng apology at pinagre-resign pa ang kalaban sa puwesto. Ang hindi ko ma-gets, ok fine, supposedly nasigawan siya sa telepono (na hindi naman mapu-prove at hindi narinig ng sambayan first hand since it's between the two of them) and feeling nya napahiya siya, pero yung patagalin ang issue para lang mag-inarte, nakakainis na. Sa totoo lang, bumabalik sa isip ko yung pambabatok niya noon kay Richard Gomez na buong bansa nakita ng paulit-ulit sa mga news programs sa TV. Hindi ba mas masahol ang ginawa niya? And yet nakuha siyang patawarin ni Goma. Mas matinding humiliation yun sa part ng binatukan di ba? And kung ico-compare sa nasigawan, parang napakaliit na bagay. To think na kaya naman daw napagtaasan ng boses ni Aglipay si Jinggoy, para din sa security ni Erap.
Ay ewan, sana matapos na yang kaartehan na yan at sayang ang airtime.
Tuesday, January 25, 2005
Tuesday, January 18, 2005
A Funny, Sad Story
Overheard from a neighbor’s house (malakas kasi ang boses ni Aling T eh): “Ano?! Walang natira?!”
Natawa ako. Sounds familiar. Instinctively, alam ko kung ano ang pinag-uusapan nila. Eto kasing asawa ko, kapag nagprisintang gumawa ng errands, like papunta sya ng bayan (we live in a small barrio by the way), at magpapadala ako ng say P1000 na buo kasi walang barya, para pambili ng ilang items, babalik na walang sukli. Kasi marami syang pinagbibiling iba. At minsan, mapapatanong ako ng “Ano?! Walang natira?!” dahil sira ang budget ko.
Kaya nakangiti ako habang naghihintay ng sagot ni Mang J. “Eh, ano eh,” ang tangi nyang nasabi. Hmmm, typical answer. “Walang natira sa bente?! Ipinangtaya mo sa hueteng lahat?! Kasama doon ang pambaon ni Totoy!” sabi ulit ni Aling T.
Dun nawala ang ngiti ko. Bente pesos lang pala ang pinag-uusapan pero kita nyo naman, pati pala anak nilang nagki-kinder, apektado sa nangyari. Tsk, bwisit talaga sa buhay ang mga sugal-sugal na yan! At nakakalungkot na sa hirap ng buhay ng mga Pilipino, nakukuha pa ng iba na isugal ang kakarampot nilang kinikita.
Hay, napakwento lang ...

Saturday, January 15, 2005
Pamahiin at Sabi-Sabi
Member ako ng isang parenting egroup. Lately, there is this mom na masipag magbigay ng advice. As in halos lahat ng magtanong or mag-share ng problema, may remedy or advice sya (read: nagmamarunong). Ang masaklap, pakiramdam ko and some of my close friends in the group, puro pang urban legends ang pinagsasabi nitong isang nanay na ito. What’s worrisome is, sa dami ng new moms dun sa group, nakakatakot na baka may sumunod sa mga payo nitong si know-it-all-mom na wala namang scientific basis, mapahamak pa ang kids nila. There are some who have tried to subtly question some of the advice given. Kaso mo, pinaninindigan talaga nung tao ang mga una niyang sinabi, to the point na parang lalong lumalala ang mga susunod na justifications. Tsk, hirap talagang makipag-deal sa ganitong tao.
Hindi kasi ako mapaniwalain sa pamahiin or sabi-sabi ng matatanda. Saka (sorry sa mga matatamaan ha, no offense meant) ilang ako (sige na nga, honestly? banas ako) sa “Subukan mo lang, wala namang mawawala eh,” lalo na kung sobrang ridiculous na yung kailangan mong gawin. Kasi pakiramdam ko, it undermines our own decisions, parang wala na tayong choice mag-isip ng ibang mas pupuwede, mas reasonable/logical, less dangerous/harmful o kaya nating paniwalaan. Kasi kung wala akong makitang mas matino o magandang alternative (shempre coupled with research and seeking advice from people I trust), I would abandon the idea altogether.
Like sa mga chain letters, yung mga panakot chuva na may mamatay sa family kung ‘di mo i-forward. Sus, marunong pa sila sa Diyos! I would feel a traitor to my own religious belief kung ico-compromise ko yung faith ko dahil lang sa isang email na ni hindi ko alam kung sinong Herodes ang pinagmulan. Yung tipong ganun ba.
Oh well, my two pesos’ (mahal na mag-isip ngayon dahil sa inflation hehehe) worth of thoughts on the matter ...

Tuesday, January 11, 2005
Feeling ko isang taon akong nawala dito sa blogger. Hay kasi naman, sobrang ka-busy-han nung holidays. How are you all folks? Sana'y naging masaya ang inyong mga Christmas celebrations at maganda ang pasok ng New Year senyo. Ako, inubo! Lamig kasi dito sa 'min sa Laguna, nagkahawaan kami ng sipon at ubo ng kids ko. Tsk, ke hirap huminga. Kaya post-New Year, habang naghahabol ako ng deadlines ko, sumisinghot-singhot ako sa harap ng computer.
Ngayong maluwag-luwag na ulit ang sked ko from work, tuloy ang blogging. Shucks na-miss kong dumaldal dito. Will post more later.
For now, here's wishing all of us a great 2005 ahead!
Tuesday, December 28, 2004
Family Day Out
Nagpunta kami sa Enchanted Kingdom kahapon. Dun na ni-celebrate ng sister ko ang 5th birthday ng kanilang unico hijo. Shempre kasama sa pasyal ang mga makukulit na pinsan, specifically, mga anak ko :P
Ang damiiiing tao! Hay, inabot lang naman kami ng syam-syam sa mga pila bago makasakay ng rides or even sa food service! Ang tagal namin sa linya ng Rialto. Pagdating sa palabas, medyo hindi kasing impressive kesa dun sa mga dating napanood na namin. What's funny was, first time ni Deden nakanood doon. Ngayon lang kasi umabot ang height nya sa minimum requirement.
So nung palabas na kami, deadma ang dalawang kuya. Medyo blah nga naman ang napanood nila. Nagkatawanan na lang kaming lahat nung biglang magsalita si Deden. "Wow, ang galing! Gumagalaw ang seats! Na-enjoy ako!" hehehe. Iba nga naman pag first time. And at his tender age of six, madali pa syang ma-impress.
Sayang lang sold out na ang tickets dun sa Discovery Theater. Intrigued pa naman kami sa sinasabing 4D movie nila. Oh well, marami pa sigurong pagkakataon in the future.
First time kong nakasakay sa Rio Grande. The past times kasing nasa Enchanted kami, palaging sobrang haba ng pila, tinatamad akong tumayo ng mahigit isang oras para lang sa isang ride. Eh hindi ko na matanggihan ang mga tsikiting ko na samahan sila. So sige, fall in line kami. Ack, ke tagal! Pero enjoy na rin nung nakasakay na kami sa raft. Napuruhan ng splash sina Leland at Daniel habang kami ni Joshua eh mostly pants lang ang nabasa and lower back. Palit damit tuloy pagkatapos or else baka sipunin ang mga bata.
The whole clan (including our mom, brother ko at gf nya, and parents ng brother in law ko pati mga helpers) all went to line up sa ferris wheel (ano nga bang pangalan nung ride na yun?). Magkakasunod ang sinakyan naming gondolas and nakakaaliw tingnan ang mga bata, lalo na si Matt (pamangkin ko) na tuwang-tuwa kapag nandun na sa itaas.
Shempre ang grand finale, sa Space Shuttle. Ang tapang ni Josh, sumama sa akin. Proud ako sa anak ko! Hindi ko nga narinig sumigaw eh. Ako ang tili ng tili habang umiikot ang coaster sa mga loops hahaha. Pagkababa namin, ang reaction lang nya, "Mommy, sumakit ulo ko."
Next time, sana pag punta namin doon, hindi peak season. Ewan ko ba at palaging natataon na November at December kami malimit makabalik ng Enchanted. Kelan kaya ako makakarating doon na ang pila, hindi lalampas ng 5 minutes. Or walang panahong ganun?
Oh well, neverthelesss, we had fun.

Wednesday, December 22, 2004
Dalawang araw na lang ...
... Pasko na! Waah, hindi pa tapos ang Christmas shopping ko para sa mga inaanak at pamangkins. Hay, ang hirap kasing makahanap ng oras na isang puntahan na lang para mamili. May mga nabili na akong konti tuwing byahe ko pa-Manila pero hindi ako makatodo shopping dahil de-bus ako umuwi. Abaw, mahirap yatang magbitbit ano.
Kaya bukas, buti na lang at makakasabay ko si husbandry pauwing Laguna kaya may driver ako sa wakas. Hopefully, makahanap ako ng magagandang gifts (na reasonably priced) para sa mga tsikiting. Iiks, isa pang battle yang budgeting ngayon. Sa hirap ng economy ng Pilipinas, mga presyo lang ang tumataas pero ang sweldo hindi, tsk, tsk, tsk. Sana magkasya ang budget ko. Ang dami pa namang inaanak nitong asawa ko, ack!

Sunday, December 19, 2004
What a night!
Kahapon din, grand alumni homecoming ng high school ko. Nag-celebrate kasi ng 75th year anniversary. Kaaliw, ang daming pumunta, pati mga very very old batches from the 50’s and 60’s may representatives.
Nakakatuwang makita ang mga ka-batch ko noon. Hindi halos nagbago ang itsura at kakulitan nung iba although we all have grown a little older since we graduated high school 16 years earlier. Merong may kasamang asawa at mga anak. Merong mga single pa rin hanggang ngayon.
Either way, we had a very nice time laughing at silly jokes our class clowns have been cracking. Walang katapusang posing sa mga pictures and greetings sa mga dating naging teachers. Grabe, andun pa ang marami naming Ma’ams at Sirs. Walang kaupas-kupas, silang-sila pa rin.
Ang highlight ng gabi, nung nag-announce ng winner dun sa endowment fund raffle. Habang unti-unting nire-reveal ang number ng winning ticket, napa-comment yung batch organizer namin “Uy mga tickets ng batch natin nagsisimula sa 25!” At ng in-announce finally ang pangalan ng winner, pandemonium ang table namin dahil batchmate namin ang nanalo ng Corolla Altis!!! Nasa abroad nga lang yung tao. So some of us got to talk to her over the celfone. Hindi sya makapaniwala. And we’re all so happy for her. It was a perfect way to end a great get-together.

Reklamador
Kahapon, maaga natapos ang Christmas program ng bunso ko sa school. Dahil may oras pa ako ng konti bago ako pumunta ng Los Banos for my high school’s grand alumni homecoming, nag-decide akong bumili muna ng sapatos sa Liliw, Laguna since isang sakay lang naman.
Sa dami ng shoe stores doon, shempre palipat-lipat ako ng tindahan para makapili ng mas maayos. On the 10th or so store, nag-reklamo na ang batang makulit na kasama ko “Mommy, an dami-dami namang lakad natin! Pagod na ako sa pag-walk. Gutom na gutom na ako! Hindi mo ba ako papa-eat?”
Naku ayan na nga ba ang sinasabi ko, bukod sa sapatos, gagastusan ko rin ang kain ni kolokoy. So we ended up in a snack house at nag-order ng spaghetti. While waiting for our food, hirit ulit ang bata “Ang init-init naman dito. Nipapawis na ako.” Saka ko lang napansin na, oo nga naman, bakit ba hindi bukas ang mga ceiling fans nung snack house? Request akong pakibuksan and after that, nagtahimik sa wakas si bunso.
Aliw naman akong panoorin si bata dahil pagdating ng spaghetti, talagang inubos ang food nya. Hahaha, nagutom nga kakalakad! After eating, wala na syang reklamo habang hila-hila kong pumasok sa iba pang mga shoe stores.
Pagsakay namin ng jeep pauwi, sumandal sa akin and tumahimik. Maya-maya pagsilip ko, nakapikit na. Hehe, tinulugan ako! Hay ang bonding moments nga naman, kahit kailan, pwede.

Friday, December 17, 2004
Tulong please
Hello mga kababayan! Magtatanong lang po kung sino senyo ang may kilalang Pinoy nurse/s na nasa US o Canada ngayon na pwede kong maka-email? I have an assignment kasi na magsulat tungkol sa buhay ng mga nurse sa abroad and gusto ko sana may ma-interview ng konti para naman mas maging malawak ang pagkaka-intindi ko ng pinagdadaanan nila doon ngayon. Please have them email me at writermom@hotpop.com kung willing silang mag-share ng experiences nila. Hindi ko ilalagay ang real names nyo kung yun ang inaalala ninyo.
Salamat :)

Monday, December 13, 2004
Volunteers Needed
In case you'd like to share a little of your time through volunteer work, World Vision is still in need of volunteers for the next two weeks in the repacking of relief goods for the typhoon victims in Quezon province. They are very much lacking in manpower due to the huge volume of relief goods they are receiving.
Their office is open 24 hours. Please call 372-7777 if you need more information or visit www.worldvision.org.ph. World Vision is located in Quezon Avenue, just a little distance after the "kanto" of Roosevelt. Right side if you're coming from EDSA.
Thank you so much! Your help is greatly appreciated!

Subscribe to:
Posts (Atom)