Thursday, May 15, 2008

Daddy ... Bingi? hehehe

Kanina, habang nanonood ng Disney's Magic English DVD si James, papalabas si husbandry sa pinto. Biglang napatigil at nag-double take sa narinig sa TV. "Ano daw?!"

Eh busy ako sa pagsusulat dito sa computer kaya di ko alam ang sinasabi nya. Turned out narinig daw nya na sinasabi dun sa video "Holy sh*t they're afraid!" Sabay nung inulit yung frame, ang nasa subtitle ... "All the sheep were afraid!" nyahahaha.

Monday, May 05, 2008

Bagong mga alaga



Hala, may tatlo na naman kaming tuta! Actually, apat sila pero namatay yung isa one day after pinanganak :( Tsk, in a few weeks, pag hindi na sila nagbi-breastfeed sa nanay nila, dagdag na naman sa bibilhan ng dog food, waah!

Ang ku-cute naman, in fairness -- for mixed askal with dalmatian lineage. Kaya kailangang pag-isipan kung ilan ang ipapa-ampon (hindi po kasama ang bata sa picture hehehe) at kung may maiiwan na naman.

Sunday, March 23, 2008

Sa wakas ...

... napaayos ko rin ang navigation key ng celphone ko! Kasi naman, ilang buwan ding nagtyaga akong sumpong ang down scrolling ng Ericsson K700i ko. Eh paano, parang di ko ma-take na singilan ako ng P500 (lahat ng tinanungan ko dati, yun parati ang quotation eh) para lang palitan ng pagkaliit na component yung navi key. (Oo na, kuripot na! hahaha) Kaya ayun, mega-tyaga talaga at pasensya pag nagte-text or gumagamit ng ibang functions. Sirain talaga ang bilog na navi keys ng mga SE series. Kahit yung sa brother ko, nagsa-stuck na rin daw.

Eh nagsa-start na ring magloko yung SE Z500a ko. Kaya inisip kong time na para ipaayos yung isa. Fortunately, pag punta ko ng Metropolis Mall last Wednesday (di na nakatiis), may nahanap akong technician na P300 lang ang singil tapos may 2 weeks warranty pa. Eh di ayun, naayos din finally.

Next time talaga, pag may budget na ako, SE na may flat navi-key na yung bibilhin kong telepono! Wondering bakit loyal ako sa SE? Kasi ayoko na sa Nokia, sobrang bilis bumaba ng value tapos yung magaganda ang features, sobrang mahal!

Pero crush ko din yung myPhone na dual sim. Iniisip ko pa kung mas magandang yun na lang para isang phone na lang dala ko lagi. Hmmm, bahala na ....

Wednesday, March 12, 2008

Bottomless Iced Tea

A few months ago, na-"discover" ko sa supermarket yung Magnolia Lemon Iced Tea. We tried it and liked it. At sa laki ng price difference nya with the other brands we used to buy, sobrang laking tipid without sacrificing the taste. Imagine P37.50 compared with P50.00-60.00+ for 500 grams!

Tapos around December yata yun nung naglabas ang Magnolia ng new flavors. Nung binili ko yung Apple-flavored iced tea at first time kaming nagtimpla sa bahay, comment agad ni Joshua (the food critic in the family) "Bakit nasa pitcher yung C2?" hahaha. Nung pinakita ko yung packaging nung iced tea, tuwang-tuwa ang bata sabay sabing "Yey! Bottomless na ang C2 natin!" :p

Naku, sana wag magtataas ng price ang Magnolia kasi their products are really great alternatives to the other brands' higher prices.

Sunday, February 03, 2008

Sobrang LSS na itoooo!

Unfortunately, gusto ko mang mag-blog at magkwento ng marami dito, sobrang toxic ng work life ko since mid-December. Pero I needed the breather kaya magpo-post ako ng konti.

For the past week, halos araw-araw na pinapanood ng anak ko ang DVD ng Hairspray. Nakupo, kahit patulog na ako sa gabi, napapakanta pa ako ng "Good Morning Baltimore" o kaya "You Can't Stop the Beat". Tsk! Kulang na lang pati sa panaginip madala ko yang cast ng pelikulang yun! hahaha.

Uy pero in fairness, ang galing naman talaga ng mga songs doon. Nakakabaliw lang talaga yung character ni John Travolta kasi di ko masyado ma-separate sa utak ko na guy sya under all the makeup and body suit ni Edna Turnblad :p Ika nga dun sa ibang discussion forums na nabasa ko dati, para daw ka-boses pa sya ni Dr. Evil hehehe. Pero ang cute nilang couple ni Christopher Walken 'no?

James Marsden was a revelation kasi maganda pala yung boses nya. Sa Ally McBeal ko lang sya kasi napapanood noon sa role nya bilang pretty boy. Amanda Bynes also has a surprisingly sweet voice! Si Queen Latifah, as usual, ang galing ng role portrayal (I love her character sa movie na Taxi). Michelle Pfeiffer fits her character perfectly at maganda pa rin sya kahit medyo tumatanda na. Zac Efron is cute, as always, while Nicki Blonsky's voice and dancing prowess is commendable.

Sunday, December 30, 2007

iPot ... este, "iPod"

Nung nag-birthday si Deden last October, ang wish nyang gift eh mp3 player. Kasi naiingit dun sa ginagamit ni Kuya Leland nya, (na originally eh kay Daddy nila pero inangkin na ng panganay namin) at bihira nya mahiram. Kaso wa kaming budget that time kaya di namin mabilhan. Sabi ko na lang sa kanya, ipon sya ng money para pagdating ng December, try ko dagdagan pera nya.

Last Dec. 24, nag-request ulit si Deden. Buti may bonus na si hubby. So pumunta kami ng Festival Mall para maghanap ng mp3 player na mura lang. Kaso lahat ng nakita ko, sobrang mahal tapos de-battery pa. Tapos nakakita kami nung mp4 na kamukha ng iPod nano. Grabe, unang tingin, kala mo orig! For P1500, good buy na sya kasi 1GB na, pwede pang lagyan ng videos, pictures at gawing voice recorder bukod sa music. At dahil P800 ang pera ni liit, dinagdagan ko na lang para mabili na nya. At least very appreciative sa music ang mga anak ko kaya ini-encourage din namin yun sa kanila.

After Christmas, nag-request na rin si Josh na bilhan din sya. So kahapon, nagpadala sa kin ng P1000 na galing sa mga napamaskuhan nya. Padagdagan na lang daw ng konti para may pang-deposit pa sya sa bank na matira.

Naisip kong tumingin muna sa Metropolis kasi isa lang ang store sa Festival na nakitaan ko nung "iPod". Alam ko, mas maraming nagtitinda sa Metropolis nun. Hay naku, nanghinayang ako kasi yung nabili ko para kay Jo, P1100 lang! Argh! Tapos yung 2GB na nakita namin, tinanong ng asawa ko kung magkano, P1600 daw at pwede pang tawaran ng P1500 :S Bad trip naman o, nagastusan pa ako ng extra P400 dun sa una, tsk, tsk!

Lesson learned: mag-canvass mabuti at tumingin sa ibang malls, hindi lang sa ibang stores within one mall.

Thursday, December 06, 2007


Ever since my college days, I have been familiar with Kuya Gary's songs because he's a familiar face in IVCF gatherings in Los BaƱos. I haven't had a chance yet to get to know him better but he and my husband often meet with fellow musicians. Last week, hubby brought home two CDs given by Kuya Gary himself after their get-together at Conspiracy.



Kuya Gary's musical genius and versatility became once more evident. As always, I was amazed at the lyrics and melodies of the songs. Some are very inspiring, some made me contemplate about our country's current circumstances and then there are the songs that made me laugh out loud.


Here are some examples:

"In All Things" (lovely melody, great words) from the album God of Jubilee, Lord of the Nations

Even though the little sparrows
Neither sow nor reap
Never do they beg or borrow
They must know something deep

In all things I can rejoice
In the name of Jesus
Unto Him I lift my voice
God's grace will suffice

In all things I can be glad
For I'm clad with the blood
And the love of Christ


"Mga Kanta ni Goryo" (sung in the tune of Itik-itik -- you really have to hear it to appreciate how funny it is) from the album Saranggola sa Ulan

Itext-itext mo na lang ako
Kung may credit pa ang celfon mo
Ngunit baka magbigla kayo
Ang balance nyo ay biglang zero

Uto-uto din naman tayo
Nagpapaloko pag may promo
Smart o Globe, kung Sun mo gusto
Nakasampung lipat na ako

Kahit ang text mo’y di dumating
Bawat pindot mo sisingilin
Tuloy-tuloy na kakaltasin
Kahit na nga di mo pindutin

Ipindut mo, ipindut mo, ipindut mo, ipindut mo
Ipindut mo, ipindut mo, ipindut mo, ipindut mo-


From his old albums, my favorites are:

The romantic "Dagat" (very apt for OFW families -- with a haunting melody and is quite a tear-jerker) which we have on cassette tape pa!

Namamaybay
Ang tubig sa paypay ng hanging habagat
Dumadampi
Sa umaasang pisngi ng tabindagat

Dagat na pagitan ng ating pag-ibig
Singlawak, singlayo, singlalim
Ngunit sa isang panig, dagat ang nagsasanib
Ng dalampasigan mo sa akin

Namamangka
Ang aking diwa sa nakalipas
Tumatawid
Sa ibayong daigdig ng ating bukas

Sa dagat ng pangako, sa laot ng pangarap
Sa alon ng iyong mga halik
Dagat din ng luha ng pusong naghihirap
Naghihintay sa iyong pagbabalik


"Pagkatapos" (Ladies, you'll have fun singing this to your hubbies too! hehehe)

Alam mo bang magliliwanag na
Ang bait mo’t umuwi ka pa
Pagkatapos kitang ipagsaing
Pagkatapos kitang ipaghain
Sasabihin mong ika’y kumain na

Para bang isang instant replay
Ng nangyari nung isang gabi
Pagkatapos mo akong pangakuan
Pagkatapos ng ating kasunduan
Hihiritan mo akong muli

Sana man lamang ay paminsan-minsan
Mauunawaan ko pa
Napakapalad mo lang aking hirang
Mahal na mahal kita

Isang araw ang langit kukulog
Mahal, alam mo na ang kasunod
Mauubos ang aking pasensya
Igagapos kita sa isang bomba
Giliw, sana ay maawa ka

Huwag hayaang ako’y maging kontrabida
Huwag bayaang ako’y maging byuda
Pagkatapos ay, pagkatapos ay
Pagkatapos ay tapos ka na


Curious to hear these songs? The good news is, they're all downloadable at www.garygranada.com! :) Go check them out now. You'll find complete lyrics at the website as well. I'm sure you'll have fun discovering the other songs there. Happy listening!

Saturday, December 01, 2007

Malaking Abala Lang

Huwebes ng umaga, nagbalak akong kumulekta ng mga cheke ko sa mga publishing houses na pinagsusulatan ko. Nag-text at nag-confirm pa ako dun sa contact person ko sa Makati na pupunta ako sa office nila ng hapon.

Pero bago pa ako makapag-prepare lumarga, biglang nagkaron ng flash reports sa TV tungkol sa kaguluhan sa Makati at nadismaya ako sa mga balita. Habang naglilitanya ng kung anu-ano si Gen. Lim, hindi ko mapigilang mainis at mapasabi ng "Sows! Wag na kayong magsimula na naman ng ganyan!" At dahil madadaanan ng jeep na sasakyan ko ang Manila Pen, nagdalawang-isip akong tumuloy.

Pero since kailangan ko ng datung (magpa-Pasko na daw ba!) at dahil holiday kinabukasan, inisip kong lalong tatagal ang clearing ng checks kung Monday ko pa kukunin. So tumuloy ako.

Pagbaba ko ng bus sa Ayala cor Edsa, nakaka-alarma yung paligid kasi ang daming sirens tapos may helicopter pa na umiikot sa taas. Yung jeep papuntang Washington, ang layo ng inikutan sa may Pasay Road kasi iniwasan ang Makati Ave. Bago lumiko yung jeep papuntang Glorietta area, nakita ko pa yung mga trak na puno ng armadong sundalo. Tsk, sana pala ni-picture-an ko sa celphone para may souvenir! :p

Thank goodness nakarating naman ako dun sa pupuntahan ko at nakuha ko yung cheke ko doon. Tapos tumuloy na ako pa-Ortigas via Buendia kasi for sure traffic ever ang Ayala.

Nasa bus na ako ulit nung tumawag ako sa asawa ko. Hehehe, panic ang mama, uwi na daw ako at nagpuputukan na sa Makati. Nahimasmasan lang sya nung sinabi kong lampas na ako ng Boni. Still, yung travel ko pabalik ng Alabang, inabot ng 2 hours sa sobrang traffic.

Now, ang masasabi ko lang dyan kina Trillanes eh, nakakaasar sila kasi mali ang diskarte nila! Hindi man lang yata pinag-isipan mabuti yung gagawin nila from beginning to end. Sure, marami tayong grievances sa gobyerno natin, sino bang wala??? Pero yung iparating mo yung protesta mo na mangdadamay ka pa ng ibang tao, foul yun! Kawawa naman yung mga may ari ng Manila Pen, sira ang business nila. Kawawa ang mga taong na-late sa mga appointments (buti umabot pa ako sa check releasing!) at yung mga na-trauma sa pangyayari (unfair yung ginawa sa media people at kahiya sa mga foreigners na guests nung hotel!).

Most of all, nagmukha na namang eng-eng ang Pilipinas sa mata ng buong mundo kasi lahat na lang ng naging leaders ng bansang ito, gustong patalsikin via "people power". Ano ba?! Hindi na ba tayo mahe-headline man lang sa world news na maganda ang image? Para kasing laging negative ang mga balita kapag galing dito sa atin :(

Tuesday, October 23, 2007

Batang Wais

"Sayang ang lamig ng aircon! Matulog ka dun sa kwarto, tabihan mo sina Kuya," utos ko kay Deden isang hapon last week na sobrang init. Half day sila kasi exams. Gustuhin ko man makitabi sa mga bata, kelangan ko magtapos ng deadlines sa computer dito sa sala. Tulog na yung tatlo habang itong si bulinggit eh mega-marathon ng DVDs.

"Hindi nga ako inaantok Mommy!" protesta ni Deden. Kako, kahit 5 minutes lang, try n'yang mahiga at baka antukin din sya. "Okay, okay!" sagot ng batang makulit na halatang naiinis. Maya-maya pa, pinatay na yung TV at pagkatapos manggaling sa kitchen, pumasok na ng kwarto.

Engrossed na engrossed ako sa mga tina-type ko nang biglang mag-"Ding!" yung timer ng oven toaster. Inisip ko, aba, nag-toast pa pala ng tinapay ang bata eh baka tulog na.

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto, hindi ko pa man nasasabing "Uy tumunog na yung toaster, luto na yung bread mo", andun pa lang ako sa "Uy ..." biglang bangon si liit sabay tanong "Tumunog na yung timer? Time's up na yung 5 minutes ko? Pwede na ako ulit manood ng TV?"

Bwahahaha! Mautak na bata! Pagsilip ko, hindi nakasaksak ang toaster at walang tinapay. Sows, na-good time ako. Ang lakas ng halakhak ng asawa ko nung itinawag ko sa office nila :p

Saturday, September 15, 2007

Taxes sa Air Parcels na Kinukuha sa Post Office

About two weeks ago, nakatanggap ako ng registered mail notice galing sa Alabang Post Office. Sumubok akong tumawag para itanong kung saan galing kasi wala naman akong ini-expect na importanteng sulat. It turned out na may air parcel daw ako galing sa US na padala ng American friend kong may mga anak ding naka-tube feeding.

Akala ko kasi ipapadala niya sa hipag ko sa California yung mga ibibigay nyang gamit para kay James, para sister-in-law ko na lang ang magpapadala dito. It turned out na diniretso na lang i-mail papuntang Pilipinas ng friend ko yung mga feeding tubes, syringes and special gauzes. According to her email a day later, para daw magamit agad ni James.

Nung kinuha ko yung box, hiningan ako ng P35 as Custom Fee daw. Since maliit naman yung amount, binayaran ko and nagbigay naman sila ng official receipt.

Tapos two days ago, naka-receive na naman ako ng notice. This time, alam ko ng may paparating, kasi binanggit na sa akin ni Diane na may susunod na package na may lamang tubefeeding pump, feeding bags, formulas, etc. Pagtawag ko sa Alabang office, sabi nila wala sa kanila yung package at mag-inquire ako sa Las Pinas Post Office kasi daw mukhang subject to custom inspection yung contents kaya dun bumagsak.

So tumawag ako ng LP post office to ask kung gaano ba kalaki yung box kasi baka mahirapan ako ulit i-commute pauwi like last time. Wow, ang sagot ba naman, "Ay naku, basta malaki yun kung air parcel. Pumarito ka na lang at kunin mo!" Ang taray!

So hinintay ko muna kung kailan libre ang asawa ko para masamahan ako ng naka-van. Ang layo kaya ng Las Pinas! Saka ilang sakay sa jeep at tricycles ako pag nagkataon. Eh pano kung malaki at mabigat yung box?!

Kahapon, natuloy kaming pumunta. Habang tulog pa si James, ibinilin muna namin sya kay bunso na bantayan hanggang dumating si Kuya Jo nya from school na mas marunong mag-alaga kay James. Pagdating doon, medyo natagalan pa bago kami na-entertain kasi di masyadong namamansin yung mga tao sa parcel receiving area. After ma-verify yung ID ko, pinagbayad ako ng P35 dun sa isang window. Again, may official receipt.

Pagbalik ko dun sa packages counter, ilang minutes ulit bago nila inilabas yung box. Tapos sinabihan kaming kelangan nilang buksan yun to check the contents. Naghintay ulit kami ng medyo matagal before dumating yung magi-inspect. Tapos isa-isang nilabas yung mga nasa loob ng box.

After another long wait, may binigay sa aking papel. Na-confuse ako kasi may mga computations. Nakalagay dun:
Customs Duty – P178
Evat – P799
Import Processing Fee – P250
Customs Docu Stamp - P250
BIR tax - P15
Amount Payable - P1492

"Mam, ano ho ito?" tanong ko. "Yan ang babayaran nyo pa," sagot nung ale. Huwaaaat???! Nung tinanong ko ulit bakit ganun kalaki, may binigay sa aking four or five pages ata yun na Xerox copied documents. "Ayan, basahin mo para maintindihan nyo bakit kayo kailangang magbayad. Based yung computation sa assessed value ng contents nung box nyo." Kung paano inassess at paano nila nalaman magkano ba yung mga laman (ako nga wala akong idea eh!) bukod dun sa paano sila nakarating sa P1492, hindi ko na alam.

contents ng kahon
So binasa ko. Pero confused pa rin ako kasi sabi dun, (ang intindi ko ha) yung nagpadala galing sa ibang bansa, hindi nagbayad ng tax sa Pinas kaya yung recipient ng parcel, sila ang dapat mag-shoulder. Eh di lalo akong nalito kasi yung postage na lang dun sa box, $76.70 na!

Pagtingin ko sa wallet ko, P500 lang cash ko. Si hubby, P700 lang. Kako, hanap na lang sya ng ATM muna para mag-withdraw. Ako, nagpa-iwan na lang dun sa post office. Sa layo ng pinakamalapit na BPI bank, natagalan bago nakarating pabalik asawa ko.

Tapos chinika ako nung ale sa counter. Ano daw ba yung mga laman nung box namin? So inexplain ko na feeding equipment para sa anak kong sa tube lang na nakakabit sa tiyan niya nakakakain. Kako bigay nung kaibigan ko kasi sa US naman, maraming surplus ang mga Kano kasi insurance ang nagbabayad ng lahat ng needs ng mga anak nilang may special needs. Yung sobra, ni-share sa anak ko.

Pagdating ni hubby, tinanong ako kung binasa ko na daw ba yung documents at ano nga daw bang dahilan bakit kelangan naming magbayad pa. Nanghihinayang din kami kasi yung ibabayad namin, pambili na sana ng Pediasure ni James.

Nung sinabi kong hindi ko pa rin magets yung logic ng customs, umandar na ang pagka-PR ni mister. "Mam, ba’t naman ho ganito kalaki yung babayaran namin? Eh kung tutuusin, yang mga gamit na yan, donation sa anak naming may cerebral palsy kasi di namin kayang bumili ng mga ganyan." Basta explain, explain sya dun sa mga ale.

Binanggit pa namin na two weeks ago nga, sa Alabang PO nag-claim din ako ng package from the same sender, P35 lang pinabayad sa akin. Ang sabi ba naman, "Ay naku, smuggled yun! Lahat ng package dito sa amin dapat dumadaan." Ngek! Pano kaya nangyari yun? Eh marami din naman akong nakitang boxes dun sa Alabang na naka-stack. Ay basta, ini-insist nilang smuggled daw yung unang package na nakuha ko. Kahit pa ini-insist kong may official receipt na binigay, ayaw nilang maniwala. (Pagdating sa bahay, pinag-compare ko yung receipts from Alabang at Las Pinas, pramis, OR # lang ang pinagkaiba!)

Maya-maya, sabi nung parang head nila. "Sige, tingnan natin kung pwede itong ma-under sa exemption. Itatawag namin." Ayun, after several minutes, biglang ok na daw, pumayag daw yung boss nila (hu dat?) at pwede na daw hindi kami magbayad. Hay, ang laking buntong-hininga ko kasi kung ako lang pala ang nag-claim, malamang nagbayad ako without arguing. Mahina talaga ko sa negotiations.

Yung katabi kong babae na nagki-claim din, bumulong sa akin, "Sobra naman, pwede naman palang hindi bayaran, sisingilin pa kayo ng P1000+! Kawawa na nga anak nyo!" Hay, buti na lang talaga at hindi na kami nakapaglabas ng P1k+. Isang malaking can na yun ng gatas at diapers ni James.

Ngayon ang medyo nagwo-worry ako, may paparating pa daw na pinaglakihang wheelchair nung anak ng kaibigan ko na ipapadala nya ulit para kay James. Sana naman kung sakaling sa LP na naman bumagsak, wag na nila kami hingan ng extra fees. Buti sana kung mayaman kami :(



Related Posts with Thumbnails