Wednesday, October 11, 2006

Let's recycle fellow Pinoys!

My hubby and I are have been active supporters of recycling for many years now. Even our sons know where to "throw" their scratch papers or fruit peelings. In our home, we have several waste baskets and empty rice sacks where we segregate all our trash (paper, plastic, cans etc.). All biodegradables are buried in our backyard while those that can still be used or recycled, we sell/give to the dyaryo-bote guys roaming the village streets. Konti na lang yung nakokolekta sa amin when the garbage truck comes twice a week. We really believe in making our environment safer for future generations through responsible waste management.

The email below was such good news to me because I have long been despairing of where to dump all the non-traditional trash that we still have at home -- a broken computer keyboard, a DVD player that recently went kaput, old cellphones that don't work anymore etc. etc. I am very glad that the program below has already been initiated last September. Last week, the waste trading market has also been featured in the Probe Team and I really hope that a lot of Filipinos will take part in making our country a better place to live in.

Let's all do our part by making recycling a habit. Promise, it's not at all difficult as long as you have the determination to see it through :) Please spread the good news by forwarding this information to your friends and family.

Thanks and God bless,
Ruth

---------- Forwarded message ----------

THE WASTE TRADING MARKETS!

...... *October 6 (and every first Friday of the month) at the Gold Crest
Car
Park, Ayala Ctr* (along Arnaiz Ave. Makati), and ......*Oct 20 (and every
third Friday of the month) at the Alabang Town Center (Alabang - Zapote Rd)

WHAT THE WASTE MARKETS OFFER;

Trade scrap paper for new (office/ mimeo) paper!
Trade used ink cartridges for new!
Sell your electronic waste (junk computers) and old / broken appliances
Sell your used lead acid batteries
Redeem the following for cash: PET plastic bottles and other plastics,
aluminum/tin cans, scrap glass
Drop off points also provided for junk cellphones/ cellphone batteries/
styrofoam

The Waste Markets aim to make recycling convenient and accessible, especially for those who frequent commercial shopping areas, and also to show that Filipinos CAN make recycling a habit!

Please help spread the word and forward this announcement to friends, family and colleagues.

For more information, contact Nancy pilien at the Phil. Business for the Environment via the contact details below.

Thank you!

Philippine Business for the Environment (PBE) 2F DAP Bldg.,
San Miguel Ave., Ortigas Center Pasig City
Tel: (63-2)635.3670 / (63-2)635.2650 to 51
Fax: (63-2)631.5714 / CP: 0917.405.9265
Email: ctem@csi.com.ph
Website: www.pbe.org.ph / www.iem.net.ph

Tuesday, October 10, 2006

Spoiled ba ang anak mo?

Paano nga ba masasabing spoiled ang isang bata? Kapag humihilata na sa sahig ng mall kung hindi mapagbigyan sa gustong bibilhin? O kapag nang-aagaw ng gamit ng ibang bata ng walang guilt na nakakasakit sya ng kapwa? At marami pang ibang description ...

Pero sa akin, ang ultimate indication na spoiled ang isang bata eh yung wala na talaga syang sinasanto, hindi lang magulang niya ang binabastos kundi pati ibang tao.

Ganito kasi yun. Nung Thursday last week, field trip nina Deden. Sa kasamaang palad, ang nakatapat namin na upuan sa bus eh isang tatay at anak nyang malikot. Ok lang sana kung dun mismo sa seats nila maghurumentado yung bata ng likot eh, kaso pati kami damay.

Yung seats kasi namin ni Deden, dun nakakabit yung parang extra chair na nafo-fold out sa aisle. Yung bata, paulit-ulit nyang hinihila ng padabog yung chair tapos uupuan nya, tatayo, susugurin ng tadyak yung chair sabay upo ulit ng malakas ang force.

Imagine my headache dahil 2 hours lang ang itinulog ko the night before dahil sa puyat kay James. I so badly wanted to take short naps habang nagtatravel ang bus from venue to venue. And yet di ko magawa dahil maya't-maya naje-jerk ang upuan namin dahil dun sa pesteng bata. The dad wasn't doing anything.

After the nth time na medyo napuno na ako (napapapikit na ako sa sobrang antok pero ayan na naman, blagadag!), I turned to the kid and politely said "Iho, pwedeng stop ka sa pag-uga ng upuan? Masakit kasi ang ulo ko, gusto ko sanang mag-sleep ng konti." Ang normal na bata, I'm sure susunod yun kung napagsabihan na ng ibang tao di ba? Like my children, may hiya naman ang mga eto sakaling may ibang taong sasaway na sa kanila. Saka kung may baltik man ang mga ito sa bahay, nakukuha sa tingin at mataray na bulong kapag nasa labas kami.

But the kid? Shet, he looked at me straight in the eye and defiantly gave the chair another strong jerk. The dad lamely said, "Kyle, stop na. Dito ka na sa tabi ko." And you guessed it, hindi sya pinapansin ng anak n'ya. I was already thinking "My gosh, anong klaseng magulang ka? Ibang tao na ang nakiusap sa anak mo dahil nakaka-perwisyo na sya, wala ka man lang bang hiyang sawatahin man lang ang anak mo???"

So I had to bear that kid's obnoxious behavior all throughout the trip. By the time the bus arrived back at the school, I already have a raging headache and I was shooting dagger looks at both son and his dad.

Gaya nga ng comment nung isang nanay na witness sa paghihirap ko, "Hah, maghanda na sya ng pampyansa!" Grrr, kainiiiis talaga!!!

Tuesday, September 19, 2006

The Art of Subtlety

Minsan, kahit masama, di natin maiwasang magsalita ng hindi maganda lalo na kung may nangyayaring nakakainis sa atin. Minsan, may K tayong magalit, minsan unreasonable tayo. Pero kahit anong inis o asar natin, di ba mas magandang huwag namang marinig ng isang tao na pinag-uusapan natin sya na naririnig nya?

Since Saturday, wala kaming dial tone sa bahay. Ergo, hindi ako maka-internet, much less makatawag sa mga dapat kong i-follow up na tao para sa santambak kong article deadlines.

Kaninang hapon, pumunta na ako sa kabilang village para lang makitawag sa bahay ng mga inlaws ko. Masama man sa loob kong iwan si Deden sa maid kahit nilalagnat ang anak ko. Hindi naman kasi naghihintay ang deadlines at panic time na ako dahil nga apat na araw na akong cut-off sa mundo.

Dapat kahapon ako ng umaga tumawag sa Director's Office ng PGH para i-follow up ko yung request kong mag-interview ng doctor. Kaso di nga ako makatawag dahil lahat ng fones sa village namin, wala palang dial tone.

So kanina, noong nakatawag na ako finally sa PGH at nakausap yung secretary, sinabihan akong nawawala daw yung original fax na pinadala ko last Friday. Mag-send na lang daw ako ng panibagong copy. So I had to tell her na wala akong fax access at the moment kasi nga apat na araw nang sira ang phone ko sa bahay. Teka daw at ta-try nyang hanapin ulit.

Tapos ba naman, rinig na rinig kong may kausap sya sa background. And her words were, "Hay naku, di ko makita yung fax, di daw sya makasend ulit at wala daw syang access ngayon. Pati ba naman yun problema ko pa?!"

I was really shocked, and rightfully indignant. In the first place, kung matino silang mag-file ng mga letters nila, at niki-keep track nila lahat ng correspondence sa office na yun, dapat walang nawawalang kopya. Tapos utang na loob ko pa sa kanya na hanapin yung letter ko kung di na ako maka-resend ng request ko which nagawa ko na naman yun nung time na sinabi nilang mag-fax ako?! May nalalaman pa syang sisi na "Eh bakit kasi di ka tumawag kahapon nung andito si doktor!" Eh hello? Wala nga akong telepono kahapon, garsh! So dense!

Ang ending? Pagbalik nya sa phone, pleasant na ulit ang tono nya. How plastic! "Miss ganito na lang, tawag ka ulit mamaya para kausapin mo na lang si Dr. Tee ng diretso pagkatapos ng meeting niya." I was tempted to tell her off. Pero since kailangan ko pa ang services nya for the next days, I decided to keep mum.

Ok fine. Maayos nya akong kinausap as phone. Pero the mere fact na narinig kong inookray nya ako dun sa isang kausap niya, turned off na ako. She could at least have left the bashing after nya ako babaan ng telepono 'di ba?

Life's unfair sometimes, and it's such a sad thing when we're at the receving end of the injustice.

Wednesday, September 13, 2006

Adik

Hay grabe, natapos ko din! Natapos ko ding panoorin lahat ng episodes ng seasons 1 & 2 ng Desperate Housewives on DVD. Ngwark! Ilang gabi akong nag-marathon. Nakakabitin kasi talaga. At least ngayon, di na ako masyado mapupuyat hehehe. Nga lang, kelangan ko na makahanap ng seasons 3 & 4!!!

Medyo super relate kasi ako kay Lynette eh. Ya know, four kids, three super-dooper kulit boys, harassed housewife thingy hahaha. Ang dami-daming scenes na todo alam ko ang pakiramdam dahil nangyayari din sa akin.

Anyways, more than a month ago, ang minarathon ko eh yung Grey's Anatomy. Bitin din!!! Kelangan na nilang simulan ang Season 3 sa US. Kaya lang, kelan pa naman yun mapapalabas sa local channels dito eh season 1 pa nga lang ang airing sa Studio 23? :(

Sows, saka ko na sisimulan yung Dr. House kasi baka di ko na magawa ang deadlines ko. Pero hay, nakaka-relieve din kasi ng pressures kahit papano. For an hour or two, I can just forget about housework and article assignments ... afterwards, refreshed ako! So, it's really a nice way to unwind.

Monday, September 04, 2006

Nakahabol!

Minsan sa sobrang gusto nating gawin ang isang bagay, talagang gagawa tayo ng paraan 'no? Kahapon ng hapon, kahit soooobrang init at parang ayaw kong iwan ang airconditioned room sa bahay (pinalamigan ko si James, wawa naman pawis ever kasi), kinondisyon ko ang sarili kong kelangan ko nang lumarga dahil next year ko na ulit magagawa ito if ever.

Pinagbihis ko si Leland para sumama sa akin. Di n'ya alam saan kami pupunta. Pagdating namin ng Alabang, pasok muna kami ng Metropolis para bumili ng solo pizza sa Greenwich, iced tea para sa kanya at pearl cooler para sa akin. Tapos sumakay kami ng bus papuntang Lawton.

Naku pagka-traffic!!! Tapos ang dami pang re-routing na di ko maintindihan ba't kung saan-saan pinasikot-sikot ang mga jeep! Sows, after about an hour and a half since umalis kami ng bahay, nakarating din kami sa World Trade Center.

Yep! Annual Book Fair ang pinuntahan namin ni kuya. Last day na kahapon at kung pinairal ko ang katamaran ko, eh good luck dahil next year na ulit ako makakapunta dun!

Nakow, talagang hinanap muna namin ang booth ng Psicom para bumili etong aking drawing fanatic na anak ng mga How to Draw Manga booklets. Na-disappoint lang ako kasi last year, they sold it for P25 each. Ngayon P50 na isa! Still, cheaper pa rin sa regular price nilang P75. Kaso di ko naman afford bilhin lahat ng volumes so pili ang Leland ulit ng best 4 na gusto nya. Binilhan din namin sina Jo at Deden ng back issues ng DC Kids comics. Not bad at 4 for P100.

Next stop, Summit Media booth. Hay naku, dun ako napagastos kasi binilhan ko ng kopya yung mga ininterview kong experts para sa mga articles ko na lumabas ilang buwan na ang nakaraan. Tsk, ba't kasi wala man lang kaming free copies na writers eh :( Kakahiya namang tanggihan ang mga interviewees pag nanghingi sila kasi nga naman inabala ko na sila for interview tapos di ko pa sila mabigyan ng kahit isang kopya? So I buy pa rin for them. Yun nga lang late kasi naghihintay na ako ng back issues. Eh naman, lahat sila bibilhan ko tapos P100 each?! So hintay ako na mag-50% off man lang kasi talo talaga ako sa budget. *Sigh* Minsan iniisip ko nga kung ilang percent na lang talaga ang kinita ko sa mga writeups ko pag ni-minus ko pa yung mga pamasahe, mobile phone calls, internet fees etc. na ginagastusan ko para lang maka-submit.

Anyway, at least natuwa si Leland bumili ng back issues ng KZone at Games Master. May nabili din kaming hardbound na Dinosaur book at P100 lang. Dami ko pang gustong bilhin lalo na sa Reader's Digest booth kaso short na sa funds, baka maubusan na ko ng pang-grocery.

Pero basta naman reading materials, as much as possible, ini-indulge ko mga anak ko. I know it will broaden their minds as it did me when I was small. Buti nga sila nagsimula sa mga Archie comics, KZone at Monster Allergy. Ako? Naku, ang kilala ko noon eh Funny Komiks, Aliwan at ano pa nga ba yun? Basta yung mga korny na komiks na nire-rent ng maid namin sa tindahan hahaha. Although gumradweyt naman ako sa Nancy Drew, Dana Girls, Bobsey Twins at Hardy Boys pagtuntong ko ng grade 3.

Ending, umuwi kaming ang bigat ng mga bitbit. Umulan pa! Pero happy ang panganay ko. Pagdating ng bahay, share silang magkakapatid ng mga loots. Downside? Maga-alas onse na ng gabi ayaw pang magpatay ng ilaw dahil lahat eh nagbabasa pa! Ayun napatayan ko ng switch amidst moans and groans. Hay, kontrabida na naman si Mommy!

Ngayon, di ako makatulog kasi sumakit ang balikat at braso ko sa dami ata ng dala kagabi. Nag-Alaxan capsule na ako with matching Alaxan ointment, wa epek. Hmmm, makapag-Milo nga ...

Saturday, September 02, 2006

Plano

Nitong mga nakaraang araw, parang ang dami-dami kong dapat gawin at gustong mangyari na hindi ko magawa o hindi magkatutoo kahit ano pang pilit kong gawin. Minsan naman, wala talagang oras or paraan para magawa ko sila. Iniisip ko tuloy, sa dami ng mga plano ko, meron ba akong na-accomplish man lang kahit isa for this past week? Weekend na naman at parang di man lang ako nangalahati sa listahan!

Kaya sa mga susunod na araw, sana naman ...

... makapunta na ako sa World Trade Center para bisitahin ang Annual Book Fair na kating-kati na akong puntahan. Argh, hanggang Linggo na lang yun!!!
... maisama ko ang mga kids para makapili sila ng mga gusto nilang bilhing libro. Sige na, kahit commute lang kaming apat kasi kelangang maiwan si hubby kay James.
... magka-time mag-stay sa bahay ang asawa ko para makaalis naman ako. Problema, may trabaho s'ya bukas at kelangan n'yang pumuntang Los BaƱos sa umaga. Sa hapon, kelangan naman niyang humabol sa nurse capping ng hipag ko sa school nila.
... sa Sunday, matuloy kami ng lakad ng kids.
... maipasyal ko din sila sa Museo Pambata dahil ang tagal-tagal nang hindi kami nakakapag-bonding ng ganun.
... matapos ko na yung revision na dapat kong gawin sa isang pending kong article na ke hirap-hirap ng topic!
... ma-contact ko na yung dalawang tao na dapat kong interviewhin para sa magkahiwalay na article assignments sa akin at maka-schedule agad ng oras at araw.
... ma-release na yung mga cheke ng articles kong lumabas noong July pa! Apat din yun!

At marami pang iba. Hay naku .... sana ...

Sunday, August 20, 2006

Strike Two

Hindi smart ang Smart! Nanggugulang silaaaaa!!! For the second time in two weeks, inisahan (read: ninakawan) na naman nila ako!

Kasi kahapon, ang aga-aga, tumunog ang cel ko. Tulog pa ako noon at nagising lang sa message alert. May tone na naman na dumating. Ni-delete ko as I usually do. Kasi pag naglo-load ka minsan sa Smart, nagpapadala sila ng free downloads at dinidedma ko lang dahil mga hindi ko naman type saka aanhin ko ang monotones eh polyphonic ang fone ko? Kaso this time, yung accompanying message nya eh galing sa 8070 na number. First time ko itong na-encounter at napakunot ang noo ko dahil ang nakalagay doon eh "Thanks for subscribing! You have just received your weekly ... chuva, chuva, chuva ... P15/tone. To remove yourself, type INXS OFF etc. etc." Unang naisip ko, "ANONG SUBSCRIBE? KELAN AKO NAG-SUBSCRIBE? NI WALA AKONG ALAM NA INXS CHUVANESS NINYONG IYAN?!"

Ni-check ko ang balance ko. Nakaltasan nga ng P15! Eh monitored ko ang balances ko dahil sa ngayon, meron pa akong free texts na ginagamit to send messages. At puro Smart users lang ang tini-text ko dahil may Globe sim din ako na gamit naman sa mga contacts kong Globe users. So hindi pa ako dapat nababawasan ng airtime load.

Inis na inis akong tumawag sa customer service. Ini-insist nung nakausap ko na di daw ako pwedeng ma-subscribe doon kung hindi ako nag-ON ng service. Eh ni hindi ako fan ng INXS ano! Ba't naman ako magda-download ng kung ano dun??? Baka daw may gumamit ng fone ko. Kako wala dahil kanya-kanya kami ng fones dito sa bahay. Even my kids have their own so hindi sila nakikigamit sa akin.

Tapos naisip ko, ang isang tao lang na nakahawak ng telepono na yun eh yung CSR sa Smart Wireless Center sa Festival Mall na nag-configure ng internet settings ko last week. Mali bang magduda akong baka sya ang nag-subscribe ng number ko? Shempre extra kita for Smart yun. At kung ganun nga ang nangyari, bwiset sila, that's sinking so low para lang kumita!

When I demanded na tanggalin nila yung subscription ng number ko sa INXS downloads, aba di daw pwede at kelangan manual kong gawin. Which means makakaltasan pa ako ng P2.50 pag text lang ng INXS OFF. Grabeng pamemera yan ha! Imagine kung may 1000 kaming ginanon nila, at ayaw ituloy ang service, eh di P2500 agad sa kanila yun! Imagine, sa millions of subscribers ng Smart, kahit 10% lang sa mga taong yun eh i-automatic nilang i-subscribe sa mga downloads, grabeng laking pera nun ha!

I was berating the CSR na dapat hindi nila china-charge ang customers na magbayad pa kung gustong i-discontinue ang certain services. Sa case ko pa, ni hindi nga ako pumapatol sa mga ganung promos dahil alam kong kakainin lang ang load ko ng walang kapararakan. Hindi naman ako teenager na sabik sa downloads ano!

Ending, I had to text INXS OFF to 8070 para lang matanggal ako sa service. Naka-receive ako ng confirmation na unsubscribed na talaga ako. Next week, pag nakatanggap na naman ako ng tones, di ko na alam. Sino ba ang tamang lapitan para isumbong ang mga ganitong anomalies? Unfair eh :(

Saturday, August 19, 2006

Earning Online

Okay, hindi ko na pinatulan yung mga click ads chuva ... PERO ... naki-ride na ako sa Google Adsense craze. Eto pinag-isipan ko talaga and upon reflection, nakita kong dito, hindi ako magpapakahirap mag-log in kung saang website at gumawa ng kahit ano para mag-earn ng US dollar cents. At least sa Google ads, lagay mo lang sa website/blog mo at pag ni-click ng visitors, you'll get paid.

Of course hindi ganun kabilis ang pera dito dahil cents-cents lang ang bayaran. But in the long run, maiipon din yun at kahit abutin pa ng ilang buwan siguro bago ako magka-$50 man lang, eh at least, nakaupo lang ako at kumikita sya.

I'm sure this works dahil may ka-egroup akong nag-e-earn na talaga with Google Adsense (don't confuse this with the adsense elite na nasa post ko sa baba ha, magkaiba ito) from hers and her hubby's websites. Sabi nya it's not much but hey yung $30-50 a month nila, malaking bagay na dito sa Pinas!

So ayun, if you want to try this thing out at may website din lang naman kayong mini-maintain, sign up na din kayo. Konti lang naman ang initial time investment sa pagti-tweak ng codes at templates tapos ayos na. Just click the icon sa upper right corner ng blog na ito :)

Tuesday, August 15, 2006

Not For Me

I have tried two new things the past few days. Parehong hindi umubra sa akin.

Una, dahil sa pang-e-engganyo ng isang ka-egroup ko, sinubukan kong sumali sa isang website na kikita ka daw habang online. Kala ko naman yung tipong may gagawin kang work like write for websites or do some typing. Eh ang gagawin pala magki-click ka lang maghapon ng sites!

What's bothering is, hindi mo makikita sa support page nila paano nga ba nage-earn ang mga tao dun! Nung nagtanong na ako sa administrator, malabo ang sagot sa akin at pina-pag-sign up pa ako sa forum nila para dun daw ako magtanong. Sows, naglagay pa sila ng support page!

Ayun, sa sobrang labo ng website na yun, tinigilan ko na. Sayang lang oras ko. Tapos sa kaka-click ko ata ng kung ano-anong websites, nag-hang ang aking PC at hindi ko ma-revive! Ayun apat na araw akong walang computer. Kaya ...

Nag-try naman akong mag-access ng internet for the first time sa aking celphone. Pumunta pa ako ng Smart Wireless Center para ipa-configure yung telepono ko. Ayun, hindi rin ma-access ang gmail kahit ilang beses akong mag-try. All the while, happily kaltas ng kaltas ang Smart sa load ko :(

Nakaka-irita lang na yung promo nila sobrang deceiving! Sabi sa start up page, P10 per 30 minutes daw no matter how many times you log in. Sabi din sa kin ng CSR dun sa service center, magka-count lang ng time kapag nag-log in ka sa mga sites outside the Smart portal.

So the first three times I encountered an error message nung nag-try na ko mag-access ng Gmail, sabi ng CSR, Gmail daw may problem at mag-try ako ulit later. So after an hour, try ako ulit, error ulit. Eh di exit na lang ako ng browser kasi inisip ko tama na yung one minute lang ang nabawas sa time ko.

After another hour, try ako ulit check ng mails, ganun pa rin. So exit ako ulit. When I checked my load balance, abaw, P30 ang nakaltas sa akin! Eh wala pa ata akong 10 minutes naka-online all in all.

So tawag ako sa hotline. Ang sagot sa akin, pag daw nag-log in ka the first time, kaltas ng P10 yun. At ang pagbibilang pala, dapat within that 30 minutes ka ulit gumamit para masulit mo yung P10. Kasi after the first 30 minutes, at nag-log in ka ulit (KAHIT PA 30 SECONDS MO LANG GINAMIT ANG SYSTEM), another P10 kaltas yun.

Eh wala nga akong napala kahit ano sa original intent kong maka-check ng gmails ko! Waaah, unfair, unfair, unfair! Ganun ba alagaan ng Smart ang mga customers nila? Lilinlangin???

Sabi-sabi pa sila na no more charges per kilobytes. Eh kung ganun din lang, mas maganda pa ata yung sa Globe na ang babayaran mo talaga eh yung ginamit mo, kesyo pa by kilobytes ang bilangan noon. Kesa naman yung hindi ka nga online pero since kaltas ka na ng bayad, pinapatakbo lang pala ang oras sa bayad mo :(

Kaya ngayong ayos na ulit pc ko, balik dial-up ako. At least dito, mas madali kong namo-monitor ang internet time ko.

Thursday, June 08, 2006

Harang

Hay pasukan na naman. Bukod sa malaking bayarin for tuition fees, ang dami-dami pang miscellaneous na dapat budgetan. Andyan na ang uniforms, school supplies, textbooks etc.

Nung isang araw, bumili ako ng tela sa school ng mga bata para sa ipapatahing pants nila. Since tatlong barako ito, lampas 10 yards ang kelangan. Eh pasadya daw ng school yung kulay so no choice kundi dun mo bilhin ang cloth. Fine, wala na kaming magagawa about that kahit pa feeling ko overpriced yung tela nila.

Pero nung nagtanong ako about the books, aabutin ng almost P10k ang kelangang bayaran kung sa school ka bibili! Naisip ko na tumingin muna sa National Bookstore alin ang available titles nila dahil for sure mas mura naman doon kesa sa school.

Nung humihingi na kami ng list of books, ang sagot sa amin nung isang teacher, "Dun sa bulletin board ng guard, kopyahin n'yo na lang kasi hindi kami nagbibigay." Hala, sumakit lang naman ang binti ko pagtapak sa bench para i-support ang kapirasong papel na pinagsulatan ko. Ang dami pa namang dapat ilista.

Since meron sa list na dun lang sa school mabibili, hubby and I decided na yun muna ang bayaran. Nung nagpa-assess na kami ng fees, kumuha ng mga list per grade level yung teacher at saka doon nilagyan ng prices yung mga bibilhin namin sa kanila tapos inabot sa amin. Naasar asawa ko at nagsalita ng "Magbibigay din pala kayo ng kopya pinahirapan nyo pa kaming isulat yung nasa bulletin board!" Eh kasi daw yun lang mga dun bibili ang binibigyan nila. Hello?! Lahat naman siguradong may bibilhin dun dahil merong mga bagay na sa kanila lang available like the handbooks and journals ng students. Gah!

Nakabili kami ng ilang piraso sa NBS. At ang price differences eh around P50-70 per book. To think na around P1k din pala ang patong nung school sa mga dapat naming bilhin. Unfortunately, it looks like meron pa rin kaming bibilhin from them kasi hindi lahat ng titles eh meron sa labas. Unless, pumunta kami directly sa publishing houses. Kaya lang malayo eh so parang di naman sulit yung matitipid mo kung ubos naman oras mo sa travel at gas.

Still, sana kino-consider naman ng school na gusto lang makatipid ng konti ng mga parents kaya we wanted to take our option to buy muna sa labas. Ang hirap ng buhay ngayon ano! Eh ang dating sa amin, masama pa loob nila na di sa kanila bibilhin lahat. Hay!
Related Posts with Thumbnails