The Perfect Gift
Every time magbibirthday etong asawa ko, I try to look for gifts na alam kong maa-appreciate nya talaga and thankfully, most of the time, tama ang choices ko. Tomorrow, birthday niya ulit and naibigay ko na nitong weekend yung regalo ko.
I bought him an mp3 player pero hindi yung hi-end na branded ones like Apple ipod or anything that expensive. Shemps di rin kaya ng budget. But since nga sobrang hilig nitong si hubby sa music, I thought he would like to listen to his favorite songs lalo na kapag nagbi-byahe sya sa bus from Laguna to Manila. Kasi last year, may napanalunan syang ipod shuffle sa isang convention. Sa akin niya binigay kasi alam nyang dream ko magkaron nun. Priceless nga daw yung reaction ko nung nakita ko yun. Kasi naman tumili talaga ako sa tuwa hehehe.
Nakakatawa kasi ayoko pa sana ibigay yung player nung Friday night pagdating nya kasi china-charge ko pa. I bought it just the day before. Pinili ko yung rechargeable para di na sya bibili ng bibili ng batteries. Tamad pa naman yung magpupunta sa tindahan. Dun ko isinaksak sa outlet sa likod ng pinto ng terrace. Ewan ba naman at tamang-tama dumaan sya dun at nasilip yung ilaw nung charger so nagtanong kung ano daw yun. Wala na, buking na ang surprise ko. Ni hindi ko na naibalot yung box.
Pero tuwang-tuwa naman ang mokong. Magkabilang tenga ang ngiti nung na-realize nya kung ano yun. Lalo na kasi nilagyan ko ng mga jazz mp3s na type na type nya. As in talagang nagpakahirap akong mag-convert ng mga cd songs into wav files bago pa na-rip into mp3s. Buti tinuruan ako nung isang friend namin kung papano. Kahapon, halos hindi mo makausap kasi parang tuod na nakahiga sa sofa, nakapikit ang mata, hawak ang player sa dibdib sabay kanta. In bliss!
Ayun pag-alis for Manila kaninang umaga, hinanap talaga yung charger at baka daw maubusan ng battery :p Happy naman ako at kahit cheap lang yung regalo eh sobrang na-appreciate daw nya :D
Monday, March 06, 2006
Thursday, March 02, 2006
Plugging
Excuse the spam but I'd like to ask parents out there to consider buying Johnson & Johnson's Commemorative Powder Canister. In celebration of it's 50th year, J&J will be selling limited edition tin cans that contain two 200g J&J Baby Powders. Only 20,000 pieces of these will be sold so get one now.

Why buy? Aside from being a collector's item, every commemorative Johnson's Baby Powder canister comes with an automatic donation to World Vision to help send 50 underprivileged children to school.
I am not an employee of J&J but am one of WV's sponsors who believe in the right of every child to obtain an education. I hope you can also take up this worthy cause. You can help just by buying one can ...

Monday, February 06, 2006
Tragedy
Saturday night na ako nakabukas ng emails nung weekend at saka ko lang nabalitaan yung nangyari sa Ultra. Hindi kasi kami mahilig masyado manood sa local channels eh. Mostly, news at public service programs lang ang pinapanood ko kapag gabi, the rest of the time, either sa Star World, AXN at mga movie channels ako nakatutok pag may time mag-TV. Sorry sa tatamaan pero I honestly don’t find anything to benefit me or my family sa maraming local shows natin ngayon. Since wala rin kaming maid right now, wala ng nagbababad sa telenovelas nor noontime game shows. Except Game Ka Na Ba siguro which I happen to tune in to pag feel kong matuto ng bagong kaalaman.
As to Wowowee, never pa akong nakanood ng buo nyan. Sure I see it when I’m surfing channels, pag nasa bus ako at yun ang palabas, or nasa bahay ako ng kung sino at yun ang pinapanood nila. Pero yung willingly na upuan ko yun para ma-entertain ako? Hindi ko talaga type.
As what my fellow parents said in their posts at our parenting egroup, nakakalungkot dahil sobra-sobra na ang kahirapan sa Pilipinas kaya kapit sa patalim ang mga tao ngayon. What made it worse eh yung page-encourage ng mga game shows na “punta na lang kayo dito, easy money dito!”. Sa libo-libong taong pumupunta sa mga ganun, ilan lang ba talaga ang umuuwing panalo? At ilan ang uuwi na wala man lang natirang pamasahe pabalik ng bahay? O totoo ba yung narinig kong nagbibigay ng pamasahe ang Wowowee sa lahat ng pumunta?
Kung anu’t-anuman, the fact remains that a lot of people these days simply live from day to day, wala munang isip-isip sa kinabukasan, ang importante may pera ngayon pantawid ng gutom. Iba na din ang concept ngayon ng “may tyaga, may nilaga”. For some of the poor people, enough na yung tyaga na mag-camp out sa labas ng ABS-CBN or Ultra at pumila ng ilang araw dahil may premyo silang makukuha sa huli. Naku, nasaan na ba yung prinsipyong magtrabaho ka ng marangal para mabuhay ka ng maayos?
I don’t want to point fingers. I just wish the tragedy had been prevented. But since andyan na yan at nangyari na, sana maraming matauhan at maraming matuto from that experience. Na hindi solusyon sa hirap ng buhay ang magpakahirap sumali sa game shows kundi ang paghahanap ng trabaho na magsu-sustain ng pangmatagalan sa pamilya.
God is telling us all something. It’s up to us to heed His wake up call. Ano nga ba ang magagawa natin para sa ating mga pamilya? Sa ating bansa? Let’s pray for all those families na nawalan ng mahal sa buhay. Such senseless deaths. Nakakalungkot talaga.
To end, let me share this quote that my friend Monique recently appended to her emails. I love the thoughts because they are so true. Sana lang lahat ng Pilipino may enough sense na gawin ito:

"To put the world right in order, we must first put the nation in order;
to put the nation in order, we must first put the family in order;
to put the family in order, we must first cultivate our personal life;
we must first set our hearts right."----Confucius
Friday, January 20, 2006
The PLDT Internet Bundle
I saw the commercial the other night and thought it might be a good deal
since I'm a user of the PLDT Vibe prepaid card.
So I called up 171 to inquire and I didn't like the deal. Here's why:
1. The bundle is worth P840, yes internet is unlimited but still dial-up and hindi pa rin magagamit ang landline kapag naka-online. (Nope, ayoko pang magpakabit ng DSL kasi feeling ko mate-tempt kaming magbabad sa PC at malamang tataas lalo ang electric bill namin aside from paying a higher rate for internet).
2. If you're subscribed to other features like the unlimited calls, call-waiting etc, iba pa ang charge nun, dagdag pa.
3. The deal is co-terminus and matatali ka sa kanila for 12 months. I asked what if hindi ako satisfied sa service at mas maganda pa palang mag-prepaid na lang ako? Macha-charge daw ako ng 3 x P999 ata na disconnection fee PLUS puputulin ang linya ko. Ergo, kelangan mag-apply daw ulit for a new line. How about my old number? Eh co-terminus daw nga kaya tanggal din ang old number. When you re-apply, ibang number na daw plus bayad ka pa ng application fee. (Harang! Saka more than 10 years na etong # namin tapos mapuputol lang?! Parang hindi nila masyadong pinag-isipang mabuti ang terms nila ha!)
4. The speed daw is around 40-60 kbps (I think, hindi ko masyado matandaan. It may be lower pala ng konti) just like the prepaid connection. Kako nga, pano mangyayari yun eh sa prepaid, ang nakukuha ko pa malimit na connections 14-21 kbps lang! Hatinggabi ka pa suswertihin ng 24-32 kbps ano!
5. I was irritated at the CS rep dahil she keeps interrupting me in mid-sentence to say "Please hold, teka lang." Eh wala naman pa akong natatapos na tanong and definitely wala pa syang kelangang i-search na info related sa gusto kong malaman! 3x nyang ginawa sa kin yun, ang bastos ng dating. The 3rd time she did that, I hung up the phone. Ngayon lang ako naka-encounter ng ganong treatment from a CSR. Kahit sa Globe or Smart, they put you on hold lang when they're verifying something, hindi yung hindi mo pa natatapos ang tanong mo.
Conclusion: I'd rather continue buying several prepaid cards (Vibe, Inter.Net and Infocom) kasi at least may choices ako na kapag busy ang line nung isa, I can still get connected to the net. Besides, when I really need to download big files, punta na lang ako sa internet shop na may dsl then save the file sa aking flash disk. Mas madali pa and hindi sasakit ang ulo ko.

Thursday, January 19, 2006
On Hazing: A Parent’s Point-of-View
Nasa UPLB ako kahapon. Nakwento sa kin ng isang friend ko dun na may namatay palang neophyte just last weekend sa isang APO hazing. My goodness, pa-violent na ng pa-violent ang mga fraternities talaga! It angers me that boys (yes, boys! Because they are immature!) who claim to stand by brotherhood take pleasure in being cruel and inflicting harm to those they call brothers!
Ang kinakabahala ko, lahat ng anak ko eh lalaki at pagdating nila ng college, sana wag silang mai-involve talaga sa mga frats. Kahit matagal pa yun, naiisip ko pa lang ngayon, nakaka-praning na! Naku, siguro lunod sa paalala at threats etong mga ito sa akin pagpasok nila ng kolehiyo. At talagang mananakal ako ng mga fratmen na magre-recruit sa mga anak pag nagkataon.
I am so saddened for the boy’s family. Napakasakit sa isang magulang na ganun ang sapitin ng anak, mamamatay ng walang kabuluhan --- dahil sa mga walang-silbing “brotherhood” na tinatawag. Linstok, sa lahat ng samahang magkakapatid, etong mga orgs na ganito ang pinaka-detrimental!!!
I hope this kind of news serves as a warning to parents to be more vigilant of who their children associate with, at maging paalala sa mga kabataan na hindi katapusan ng mundo ang hindi mapabilang sa fraternity o sorority man. I should know, never kong pinangarap sumali sa ganyan nung college ako (oo takot ako sa paddle at ayokong magmukhang talong ang legs ko!) and yet, I survived college happy to belong in a Christian and an academic organization. Satisfied na ako dun. I just hope my kids would be sensible enough to make the right choices pag sila na ang tumuntong ng kolehiyo.

Tuesday, January 10, 2006
Ano, baliw?
Matagal ko ng di nagagamit ang phrase na ito ... but can't help feeling that it's appropriate sa mga nangyari the past few days.
Kwento ko lang ... nung Sunday night nag-usap kami ni hubby and decided na ire-refund na nya yung bayad sa ticket ng return air fare ng maid namin kinabukasan. Kasi nga ni ha ni ho, wala kaming nare-receive na acknowledgement man lang from her kung natanggap nya ba yung text na merong details ng flight, saan ike-claim ang e-ticket etc. etc.
Biro nyo naman, from Dec. 29 up to Jan 6, halos araw-araw nagti-text kami sa kanya (ako, si hubby, pati nanay ko!) asking "Na-recieve mo ba yung text? Alam mo na ba gagawin? Text back ka ... etc. etc." Walang reply! Pinasa-load ko pa kasi baka kako walang load, wala pa ring response. Tinawagan namin ng ilang beses, ring lang ng ring at hindi sinasagot ang phone. Ano iisipin namin di ba? After calling her 3x nung Friday night, I really gave up. Sabi ko nga, ayoko na, bahala na sya sa buhay nya.
So kahapon after the traffic and all the aberya ng pagpila sa ticketing office, na-refund na ni hubby yung bayad. Ang tagal na nga n'yang pumila, nakaltasan pa sya ng P220. Natakot kasi ako nung sabi nya sa kin na if ever daw na dumating sya sa office at na-claim na sa Zamboanga yung e-ticket, wala na kaming habol dun. Pwede ng ipa-change ng maid ang flight at baka mahirapan kaming i-trace pa s'ya. Aba sayang yung 3k pag nagkataon at baka abot-abot ang bwisit ko eh mapa-hunt down ko sya ng di oras. Malay ba namin kung balak nyang bumalik ng Luzon pero hindi na sa amin di ba?
Tapos kaninang umaga, aba nag-text ang babaisot. Hindi ko agad nabasa kasi naglalaba ako at maingay ang washing machine. Pina-ring ang phone ko ng matagal kaya napilitan akong takbuhin. Kala ko editor ko. Ang text "Pina-cancel nyo daw yung tiket ko?" So sinagot ko ng "Oo. Hindi ka sumasagot sa sangkatutak na text at tawag namin eh. Kesa naman ma-forfeit yung bayad dahil di namin alam kung may balak ka pa bumalik o hindi." Mamya text ulit, "Ate, bakit pina-cancel nyo yung tiket ko?" Hay naku, hindi ko nga sinagot. Ngayon mangungulit nung wala syang ma-claim.
Eh di ba kaduda-duda namang bigla syang magpaparamdam after more than a week of silence on her end. Maya-maya asawa ko na ang tini-text (absent si hubby from the office kasi nagpa-dentist). Naku pasensyoso pa tong asawa ko, nagtyagang makipag-text. Eto na, ang daming dahilan ng maid, kesyo low batt daw sya nung tumatawag ako, kesyo iniwan daw nya phone sa bahay at nagcha-charge, kesyo wala daw syang load, kesyo di daw nya natanggap yung pasaload ko, kesyo nag-text daw sya sa kin using another number etc. etc. Kapag nire-remind ni Noy na ang daming araw at ang daming tao ang nagta-try kumontak sa kanya, balik sya dun sa mga alibis nya. Meron pang sumbat na "Akala ko ba malinaw ang usap natin nung umalis ako?" Sagot ni hubby "Paano naging malinaw eh ni hindi ka nga sumasagot kung natanggap mo yung mga detalye ng byahe mo pabalik?!" Di ba ang labo?
Kako kay Noy itext nya na "kung gusto mo bumalik dito, pamasahihan mo muna sarili mo at ibabalik na lang sa yo pagdating mo. Wala na akong oras para bumalik na naman ng airport!" Nakow wala daw syang pera. Sabi ko na lang kay hubby wag na mag text back at wala ring mangyayari. Ang gusto ata eh padalhan pa sya ng pera. Eh naku, wala na nga akong guarantee na sa amin sya babalik kung na-claim nya yung ticket no! Ika nga ni hubby, "Palagay ko may hidden agenda yan." Malamang nga. Inisip ko baka may iba na syang na-kontratang papasukan na iba (marami syang naging friends na yaya ng classmates ni Deden sa Montessori dati, baka may gusto mag-pirate) pagbalik nya at gagamitin pa kami para makalibre sya ng pasahe.
Kayo, kung yan ang situation, di ba nakakainsulto ng talino na after kang isabin ng mahigit isang linggo, kokontakin ka lang nung wala syang nakuhang tiket? I really thank God na na-refund namin yung pera bago pa pinuntahan ng maid yung airline. Sa lahat pa naman ng ikaka-ngitngit ko, yung ang ending eh nagmukha kaming uto-uto. Ngayon, kung makabalik man sya dito using whatever means, parang ayoko ng tanggapin ulit. Kahit pa hirap ako. Kasi parang nawala na yung trust ko sa kanya after all this fiasco.
O masyado lang ba akong paranoid? Paki-batuhan nga ako ng opinyon dyan ...

Monday, January 09, 2006
Dream Destinations
I have always wanted to go to Positano, Italy someday. Bakit? Dahil dun sa favorite movie kong Only You. Dun sa place na pinuntahan nina Robert Downey Jr. Gandang-ganda ako sa mga dinaanan nilang lugar --- yung winding road na katabi eh long drop sa dagat, yung parang orchard na tinambayan nina Marisa Tomei nung nawalan sila ng gas, yung view ng mga bahay na nakatayo sa sides ng bundok ...
Pangarap ko ring marating ang Egypt at puntahan ang mga museums doon, perhaps even be able to enter a pyramid at makamayan si Zahi Hawas (masyado syang prominent sa National Geographic and I came to admire his dedication to preserve their heritage). Yun naman eh dahil naging ambition ko dati nung maliit pa ako na maging archaeologist ... impluwensya ng mga detective novels na pinagbabasa ko noon. Saka due na rin sa mga books ni Wilbur Smith (particularly River God at The Seventh Scroll), marami akong na-appreciate tungkol sa Egypt at kung paano nag-evolve ang civilizations doon.
Weird siguro ako pero never nakasama sa listahan ko ang USA. Ang France kinonsider ko pero naisip kong hindi ako magsu-survive sa Paris dahil most likely wala naman akong perang pang-shopping eh puro couture dun! Magmukha pa akong may suot na basahan, kakahiya lang hehehe
Kasama sa listahan ko ang Ireland. Dun sa MTV ni Enya na On My Way Home, napaka-poignant nung scenes, malungkot pero uplifting. Tapos kagabi napanood ko yung movie ni Andrea Corr -- The Boys and Girl from County Clare sa Cinemax (inalarm ko pa celphone ko para di ko makalimutan). Ulit, namangha ako dun sa wide expanse ng grasslands na nasa tabing dagat. Parang sobrang idyllic nung place. Well, I assume sa bandang province yun. Pero kung makakarating ako dun, for sure gugustuhin kong pumunta sa Dundalk. Oo na, obsessed ako sa Corrs!
Ba't nga ba ganito ang theme ng post ko? Ewan, feel ko lang. Gusto ko lang kausapin ang PC ko kasi tulog na ang mga tao dito sa bahay at gumagana pa ang utak ko. And I think that's a good enough reason ...

Saturday, January 07, 2006
New Year’s Resolutions
Marami na ring mga new year ang dumaan na hindi ko inisip ito sa totoo lang. Sa kin, parang ok na to live through each day that comes. Parang alam ko naman ang goals ko subconsciously so I don’t need to make a list na.
But a forwarded message on making concrete plans to realize one’s goals made me rethink my former mindset. Siguro I just have been complacent for so long dahil na rin sa dami ko laging iniisip for my family, ayoko na mag-isip pa ng ililista. Pero this year I resolved to write down all the things I hope (ayokong sabihing ‘want’ para hindi ako ma-disappoint ng todo pag hindi lahat nangyari o nagkatotoo) I’d be able to do for the whole of 2006:
1.Family-wise
- mas magkaroon ng patience in dealing with my rowdy kids
- have at least one meal during weekends (malamang Sunday dinner ito) na maging special ang lulutuin ko
- be disciplined enough to really set aside money for savings kahit pa gaano kahirap i-budget yung pumapasok na finances
- have a family outing at least once every one or two months kahit tambay lang sa UPLB field or visit the zoo
- start the planned Saturday Kids’ Library sa garage
- be able to buy kahit a second hand car for James’ checkups and family trips (Lord, please help us find the money!)
2. Work-wise
- maghanap ng ibang projects aside from the existing ones
- start that book I was meaning to write
- photocopy and file published articles na wala pa sa portfolio ko
- makabili ng laptop (kahit cheap) at PDA
3. Spiritual-wise
- have daily quiet times/devotions
- go to church more often, do again the alternating Sunday schedules namin ni Noy dati para hindi maka-miss ng Sunday school ang mga kids at the same time may maiiwan with James
4. Personally
- makapag-practice ako ng violin at piano at least 3x a week; tinwhistle dapat everyday
- makapabili sa mga uuwing relatives from the US ng new tinwhistles
- hunt down missing Wilbur Smith books para sa aking collection
- trim down all my kalat around the house, organize my books, sort through my clothes and i-rummage ang mga hindi kailangan
- maintain the orderliness ng aking work station
- have at least one major Mommy-Day-Off weekend with girlfriends (sana sa beach)

Thursday, January 05, 2006
Need to unwind
Waaah! Pagod na pagod na ako physically! Ang sakit na ng katawan ko grabecious! Magwa-one month na since umuwi ng Zamboanga etong maid cum yaya namin at hanggang ngayon di ko malaman kung babalik pa o hindi. Grrr!
Ang nakakainis, pagkatapos makipagbuno sa traffic papuntang domestic airport ang asawa ko last Thursday para lang bumili ng e-ticket para sa flight nitong maid, ni hindi man lang sinasagot ang mga texts at tawag namin sa celphone nya!
Ok lang sana na diretsuhin akong “Ate wala na akong balak bumalik,” kesa ganitong ibibitin kami. Feeling ko pinagtataguan pa kami. Kainis di ba? Kung kelan bagong taon, uumpisa ang year na aburido ako. Argh!
Ang siste pa, last week naman hindi pa ako ganito ka-stressed out. Inisip ko na baka busy lang with the holidays at baka nag-outing kung saan na walang signal ang cel. Pero naman! After almost a week na puro text at attempts ko para tawagan sya, hindi pa rin sumasagot! Pinasahan ko pa ng load thinking baka walang pang-sagot. Wala pa rin! Three times ko na tinatawagan kanina, ring lang ng ring. Kakapeste.
Hay, ba’t ba may mga taong walang kapaki-paki sa kapwa. Ano ba naman yung magsabi ng maayos??? Pagkatapos ko pa syang ipahatid kay hubby sa airport nung umalis sya, ng alas tres ng madaling araw! Hindi man lang naisip na nagmamalasakit kami sa kanya at hindi sya tinatratong katulong lang. To think na wala naman na syang pinroblema at poproblemahin sa bayad sa eroplano, ako na nga sumagot para di na sya mag-land/sea trip na pagkatagal-tagal. Tapos eto at mukhang maaabala na naman si hubby para magpa-refund ng tiket at magbayad ng extra charges pag nagkataon. Gooolay!
Buti na lang may timing na forwarded message sa kin about letting go. You can read it here. Na-remind ako na hindi lahat ng tao eh permanent sa buhay natin. Maybe nga, it’s time for us to find a replacement. Hay, ipag-pi-pray ko na lang at sana bigyan kami ni Lord ng matinong kapalit kung saka-sakaling kelangan na talaga.

Monday, January 02, 2006
Happy New Year!
Kamusta ang mga celebrations? Kami oks lang. Ang daming magagandang firework "shows" galing sa mga kapitbahay ng mga in-laws ko sa Ayala Alabang. Clarification, katabing village lang po sila hehehe. At least kitang-kita pa rin!
Ang sad moment ko lang, nung Dec. 31st. Habang binabagtas namin ang traffic sa kahabaan ng Alabang-Zapote road. Galing ako sa bahay ng friends ko para isoli yung chords book ng Corrs. Late afternoon na yun pero mainit pa rin, at ang traffic pa! Buti at hinatid ako ni hubby. Ayaw ako pag-jeep-in kasi baka daw media noche na hindi pa ako umuuwi.
Biglang may umamoy na mabango. So I checked my shoulder bag. Nakapa ko yung bottle ng perfume ko. Pag-angat ko, upside down sya at kita kong bumuhos yung lahat ng laman! Waaah, natapon lahat ng laman ng 5 ml bottle ko ng Clinique Happy Heart! *hikbi* Peborit ko pa naman yun! At hindi pa man lang sya nangangalahati!!! Ewan pano nag-loosen yung cover :( Basta biglang umalingasaw sa bango yung buong loob ng van tapos yung isang celphone ko napuruhan ng buhos. Ayun kinalas ko pa para punasan ang loob. Hanggang ngayon mas mabango pa rin sya at yung bag ko kesa sa kin :p
Pagdating namin sa bahay ng inlaws ko, para akong naligo sa pabango, malagkit-lagkit pa ang hands ko dahil sa oil base. Tapos nung umuwi yung sis-in-law ko, ang unang comment nya "Wow ang bango ng bahay!"

Subscribe to:
Posts (Atom)