Monday, August 09, 2004

Text ka dyan!

Nung weekend, dun kami nag-overnight sa Alabang sa mga in-laws ko to see my sis-in-law and her son who’s visiting from Guam for a few days. Sunday, uwi din kami pabalik ng Laguna.

Habang naglo-load si mister ng van, hindi ako makaalis sa tabi ni James dahil baka mahulog sa sofa. So pinakuha ko na lang yung extra pajama, diapers, wipes at powder dun sa bag. Eh nai-load na sa sasakyan. Naku pagbalik ni hubby, walang pajama at powder kasi daw di nya makita, at di na dala yung container kundi isang pirasong wipe lang. Tinamad na namang maghalungkat sa mga gamit!

Nung pasakay na ako sa van, andun si pajama sa car seat eh ang hirap namang suotan yung bata na one-hand lang ang gamit ko. So pawis-pawis na ako bago ko naisuot yung pajama kay James habang hawak ko din sya. Tapos nakita ko hindi pa nakatanggal yung seatbelt ng car seat ni James. Medyo naasar na ako so nasabihan kong “Paano ko kaya maiuupo ang bata dito? Kaya ko kayang tanggalin yung seat belt release na hawak ko si James?” Abaw, nairita pa ang mokong kasi daw madali lang naman daw yung gawin.

Since dun kami ni James sa likod ng driver’s seat nakaupo, mega-simangot at irap ako habang nagmamaneho ang mokong. On the way kami sa Festival Mall para i-pick up ang nanay, na kasama naman ng family ng sister ko, para sumabay sa amin pauwi. At dahil traffic, ka-text ko ang sister ko updating her kung nasan na kami.

The next time tumunog yung cel ko, nagulat ako kasi galing kay hubby yung message. Ang laman “I jst want u 2 knw, ur da fairest image frm a rear view miror. lab u. (may kasama pang smileys)” Ngek, burado tuloy ang inis ko. Pagsulyap ko sa rear view mirror, nakangisi ang loko. Sabi sa kin “O ba’t nakangiti ka na? Sino bang ka-text mo?” Pigil-pigil ang tawa ko, sabay sabing “Wala! Secret admirer!” Kainis, hagalpak sya ng tawa. “Che! Nagsasayang ka ng text! Hindi na kita lo-loadan next time hala.” sabi ko. Lalong lumakas ang tawa ni kolokoy.

Hay naku, nakakatawa talaga kami. Hanggang ngayon, kayang-kaya nya akong patawanin kahit asar na asar ako sa kanya. I’m really blessed to have a husband who has this sense of humor na jive na jive sa mga moods ko. Ayan, looking forward na naman ako, ano na naman kayang bagong pakulo nun next time :D

Tuesday, August 03, 2004

Kwentong Autoload at E-Load

Convinced na ako. Sa lahat ng home-based businesses ngayon, etong autoload na ata ang pinakamadaling gawin. Ako pa, eh hindi ako marunong mag-sales talk kaya nagsawa na ako sa kakasali sa mga networking chuva na kelangan mong magbenta ng kung anu-ano para kumita ng pera. Biro n’yo, nakapag-member na ako dati sa Amway, Vera Luz (yung soaps ek-ek) etc. at na-denggoy na rin kaming mag-asawa sa Powerhomes. Resulta? WALA KAMING KINITA KAHIT ISANG KUSING, ABUNADO PA!

Kaya nung ni-suggest ng sister ko itong autoload, (since nga naman sa bahay lang ako malimit at lumalabas lang pag kailangang mag-interview ng mga tao para sa mga articles ko) nagdalawang-isip ako. Sabi ko, baka mamya wala na namang mangyari so pag-iisipan ko pa. That time wala din akong pang-capital – kelangan bumili ng isang openline na celphone para makapag-dual sim ng para sa Globe at Smart, tapos bili rin ng retailer sims from both service providers, at initial loads na tig P500 each. Ang mabait kong kapatid, ni-loan-an ako ng pang-start up. So ‘di na ako naka-hindi.

Now, two months into the business, na-realize kong ang dali nga pala! Naglagay lang kami ng banners ng Globe at Smart sa gate, ayun kung sinu-sino na ang kumakatok para magpa-load. Oo, hindi ganun kalaki ang kita (nasa baryo lang naman kasi kami so granted hindi ganun karami ang customers) pero enjoy pala yung marami kang nami-meet na tao (kitam, sa liit ng baryo namin, marami pa rin akong hindi kilala!) at ang pinaka-importante, hindi ko kailangang lumapit sa kanila para bilhin ang produkto ko! Eh yun ang hate na hate ko about the selling business, yung pag-aalok. Ang sensitive ko pa naman sa rejections.

Ang pinaka-puhunan ko lang, yung kuryente pag-charge ng phone saka advance payment sa U2 (upline na naglalaman sa load wallet) para may pang-retail. Ay at saka yung exercise ko maya’t-maya pagbaba ng hagdan namin para makalabas ng bahay -- 19 steps po yun kaya minsan hingal din ako to the max pero great for the heart daw yun so sige lang. Projection ko, in six months’ time or less, mababayaran ko na agad yung sister ko.

Nakakabilib ang technologies natin ngayon ano? Ten years ago, di ko aakalaing magiging halos sinko isa ang celphones dito sa atin. Di ba nung unang labas ng mga cel eh konti lang ang kayang bumili dahil sa sobrang mahal? Eh ngayon, kahit elementary students may cel na! At ang pinagtataka ko lang, merong mga nagpapaload sa akin na halos araw-araw trenta ng trenta pesos. Mga estudyante yun ha. Iniisip ko nga, sino-sino kaya ang pinagtiti-text ng mga batang yun at ang gastos sa load. Kaso alangan naming pagsabihan ko eh hindi ko naman pera yun.

Kaya wake-up call din sa akin na kahit grade 5 na itong panganay ko eh hindi pa namin sya binibilhan ng cel. Sus, pag high school na siguro at kung maganda ang grades nya. Fear ko pa, baka mamya maging mitsa pa ng buhay nya yung may makatipong masamang loob na pagnakawan o kidnapin ang anak ko dahil baka akalaing mayaman.

Ay nalayo ako! So yun nga, sa mga nag-iisip ng pang extra income, try nyo yung autoload. Nga lang, dapat medyo ikaw ang una sa lugar nyo na magkaron noon. Kasi may ibang towns dito sa amin, halos every 5 houses eh naglo-load. Dito sa baryo namin, ang alam ko meron ding iba, mga tatlo ata. Pero ang advantage ko, meron akong banners sila wala. Kaya kahit strangers, dito ang diretso sa gate namin dahil kitang-kita. Sabi nga ng asawa ko “A business without a sign is a sign of no business.” So malaking tulong din yung advertising concept ng signs. Buti na lang binigyan ako ng U2 ko ng libre.

Monday, August 02, 2004

The Bookworm Strikes Again

Mababaw kaligayahan ko. Kapag me extra money ako, unlike most women na ang binibili eh damit, sapatos o anything for kakikayan, ako --- libro! At kay swerte ko naman dahil last Tuesday, nag-interview ako sa Los Baños ng isang mommy for one of my articles at tamang-tama, sale sa The Practical Shop. Naku, buy-one-take-one ang mga pocketbooks at buy-two-take-one naman ang mga children’s books (mga brand new na made in Indonesia tapos tamang-tama kay James for visual stimulation). Marami ring art books for kids na below P30 lang ang prices. Eh di ano pa, napagastos ako to the max. Pero super happy ako sa mga purchases ko. At tuwa din ang mga anak ko sa mga pasalubong ko. (These days kapag galing ako somewhere, hindi na sila nagtatanong ng “Anong toy ang bili mo Mommy?” kasi alam nilang hindi ko sila papasalubungan nun. Sa dami na ng kalat nila sa kwarto! Ngayon ang mga tanong “Me bili ka pong bagong books?” hahaha. Nasa training din pala yun!)

Nung natapos ko na ang draft, gustong makita nung interviewee ko and offered na i-meet ako halfway from where we both live. At dahil hanggang nung Saturday ang book sale, sabi ko punta na lang ulit ako ng Los Baños kasi may babalikan akong books. Ngak, nagastusan ulit ako kasi inisip ko, saan naman ako makakakita ng P45 na Ken Follett tapos me libre pang Jackie Collins na kasama? I also bought some Wilbur Smiths and Janet Daileys. Sangkatutak na naman ang dala ko pauwi. May bitbit na nga akong canvas bag para may sure akong paglalagyan na matibay. Ayun, puno lang naman sya hehehe.

All in all, I got 25 children’s books and 14 paperbacks (most are almost brand-new!) for a measly sum of P700 more or less. Ayan, looking forward akong isa-isahing basahin ang mga yun. And ang nakakatawa, ako na normally nanghihinayang sa P150 worth of roses na dinadala pauwi ng asawa ko (sobrang practical ko na ba?) eh hindi nagdalawang isip bilhin lahat ng books na yun. Uy pero sobrang appreciated ko yung uwi nyang Rosemary plant last week! Hahaha, ako nga daw ang classical example ng spendthrift na tao.


Sa Babalik

Hay na-miss ko ang mga blogs ko. One week akong di maka-computer dahil sa hard disk kong nag-crash. Buti na lang ayos na. Kinailangan na syang palitan. Tsk, tsk, ubos ang mga files ko. Burado lahat! May mga na-save akong konti sa diskette, ayun corrupted naman yung iba.

Tapos nawala din lahat ng email addresses ng mga contacts ko sa Outlook Express address book. Kaya yung mga ka-email ko dyan sa tabi-tabi, please do forgive me kung hindi ko na nasagot yung mga private emails nyo ha. Please email me back na lang kasi di ko alam saan huhugutin ang mga addresses nyo.

Hay buhay!

Sunday, July 25, 2004

Pasalubong

Natutuwa naman ako sa asawa ko. Nakauwi kagabi 3 am na kasi nag-dismantle pa sila ng World Vision booth sa Megamall. Tapos me bitbit na rosemary plant for me. Ang bango-bango! Kasi last day na nila kahapon sa Megamall eh baka matagalan bago daw sya makabalik doon. Loko talaga yun kasi nung binili daw nya, may bitbit syang iced tea tapos sinubukan muna daw nyang maglagay ng ilang dahon pang-testing. Hehehe, nata-trial pala ang herbs. Ayun masarap daw kasi may minty undertones.

Alam nya kasing aliw ako sa herbs these days. I was given seedlings ng Basil, Lemon Grass at Tarragon (yung Mint namatay, zayang!) nung isang horticulture professor na na-interview ko for a Vegetable and Herbs article two months ago. Gamit na gamit ko yung Basil sa mga tomato dishes like spaghetti and menudo. Ang bango ng dish lalo na kasi fresh leaves ang nilalagay ko. Eto at nag-iisip na ako san ko pwede gamitin yung Rosemary. Yung Lemon Grass nagamit ko kasama sa water, garlic and salt na pangpakulo ng chicken bago i-fry. Wagi!

Ang sarap ng feeling kapag nakakaluto ako ng may ingredients straight from the garden. Last year bumili si Leland sa school nila ng pechay seeds (during nutrition month) at napakinabangan namin yung mga gulay na na-grow namin! Kaso last week ang bitbit ni pogi eh Sunflower seeds. Sabi ko bakit hindi gulay, eh na-sales talk nung nagbebenta na masarap daw ang Sunflower seeds pag tumubo na. Ngak, eh ang pangit-pangit ng lasa nun! Kaya ayun, next week maghahanap kami ng place para sa seeds nya. Sana lang tumubo at mamulaklak para naman makaramdam ulit ng feeling of accomplishment itong anak ko like last year with the pechay. ;-)

Friday, July 23, 2004

Kaloka!

Minsan, nakaka-stress din ang trabahong magdamag akong nakaharap sa computer para magsulat ng mga articles ko. Para mag-unwind, binibisita ko yung Online Games ng Yahoo. Shemps, paborito ko yung mga word games. At nung na-discover ko yung Word Racer, naku ma-adik-adik ako doon. Masarap makipag-compete kasi tapos kita mong tumataas ang rating mo lalo na pag nananalo ka.  Kapareho lang sya nung Letter Linker ng Gamehouse.com pero may mga kalaban ka. Eh since feeling ko hasang-hasa na ako sa kaka-Letter Linker, punta naman ako sa competitive games.

Ang masaklap lang, kapag mabagal ang connection ng ISP ko, grabe palagi akong natatalo. Paano naman bago ma-accept yung word na isa-submit ko, may mga 10 seconds delay. Eh di by the time na ma-read ng server ng Yahoo yun, may nakasagot na at naunahan akong maka-puntos.

Eto ang matindi. Mga two weeks ago, nagkataong sinuwerte akong mabilis ang connection speed ng Infocom, hataw ako sa laro. As in para akong may winning streak dahil ang bilis ng submission ng words. Naku, maya-maya lang, may nag-instant message ba naman sa kin na kalaro ko "Ruth are you cheating?" Ack, tumaas ang kilay ko. Ako pa ang mandaya eh wala naman akong masyadong alam sa computer ano?! Sinagot ko ng "Of course not!" Aba hindi ako tinantanan at may I type pa sya ng "Sure looks like it," "You get high scores so fast!" Pano napapag-iwanan sila ng scores. Tipong nasa 1000 plus na ako, sila nasa 300-500 pa lang. Gusto ko na tuloy sagutin ng "Kasalanan ko ba kung mas matalino ako sa yo?!" hehehe as if maiintindihan nya ano. Eh mukhang kano yung username nya.

Hmp, hindi ko na nga pinansin. After a while umalis sya dun sa table. Lintsok, yung kaisa-isang gabing napatunayan ko sa sarili kong kaya kong talunin ang mga english-spokening na forengers sa vocabulary, pagbintangan ba naman akong nandaya. Masaya sya!

Friday, July 09, 2004

Simple Joys

Since yesterday, every time may magte-text sa akin ng birthday greetings for Josh, sini-save ko sa Inbox ng cel ko para pag dating nya nung hapon from school ipapabasa ko. He was smiling from ear to ear, reading all those well wishes from my sister and some friends of mine. His Ninang Sheila from the US also sent an email.

Until today, may humabol pa ng belated text. So pagdating ulit ni Josh galing school, tinawag ko and gave him my celphone. Tanong si Kuya Leland “Ano yan? Bakit mo binabasa ang celphone ni Mommy?” My proud nine year old smilingly answered, “Kasi ang daming nag-greet sa kin sa birthday ko. Si Auntie Sharon, si Ninang Sheila, si Tita Cindi, si Tita Jen ...” Kitang-kita ko sa mukha nya yung pure joy na may nakaalala sa kanya on his special day, kahit thru texts and emails lang.

Hay, ang bata nga naman, hindi natin minsan nare-realize na yung mga simpleng bagay na ganun, enough na pala para pasayahin sila ng todo. Nakakatuwa!

Thursday, July 08, 2004

On giving birth and birthdays

Grabe, nine years old na today si Joshua namin! Parang kelan lang, tinatawag ko pa si Nonoy na dalahin na ako sa hospital dahil nagco-contractions na ako at sinagot ako ng “Teka lang, di ko pa napapanood itong bagong McDo commercial na ito.” Hay naku, nakakatawa talaga asawa ko nung time na yun. Parang engs, unahin daw ba ang TV kesa sa asawang manganganak!

Si Josh lang ang ipinanganak ko na nakapasok si husbandry sa loob ng delivery room at nakapag-kuha ng pictures. Kaya si Josh lang ang may photo na dugu-duguan pa at nakabitin habang itinataas ng OB-Gyne ko. Si Josh din lang ang tanda kong nahawakan ko talaga right after ko inilabas. Dun kasi sa tatlo, puro ako bangag sa “twilight” medicine na itinurok sa akin.

Kay Leland, since first time, wipe out ako sa sobrang sakit kaya ubos ang lakas ko. I think nakatulog agad ako right after lumabas ang baby. Dun naman sa kay James, stressed labor (premature) yun kaya kinailangan syang ma-examine agad ng mga doctors so hindi na pinahawakan sa akin. Hay kay Deden naman, hindi agad dumating yung anesthesiologist (that time, feeling ko may K na akong mag-demand ng epidural dahil pang-apat na yun at ayoko ng dumanas na naman ng matinding labor pains) kaya nag-pass out ako sa pain. Ni hindi ko na alam nung lumabas si Deden. Nagising ako sa recovery room na. Buti na lang magkamukha itong sina Josh at Deden kaya sure akong hindi napalitan ang baby namin noon hehehe.

Anyway, last Monday night, habang andito pa si Noy (days-off nya from work this month is Sunday and Monday lang kasi) isinama namin si Josh sa San Pablo para bilhan ng shoes. He chose a pair with spiderman design and roller wheels. Tapos ikinain namin sa Shakey’s. Tuwa naman si bata dahil nasolo nya ang mga magulang nya. Yun na ang pinaka-treat namin sa kanya.

Mam’yang hapon, pagdating nya galing sa school, lulutuan ko na lang ng spaghetti and we’d most probably buy cake and ice cream na lang sa labas. Buti na lang low maintenance itong mga anakis ko. Nakakaintinding hindi kami rich kaya hindi pwedeng taon-taon eh may engrandeng birthday party sila. Nakakatuwa naman at sila na yung nagsasabing masaya na sila basta kasama ang family sa birthday nila.

I’m glad din to see na lumalaki si Josh na kahit sumpungin minsan eh very reliable sa ibang mga bagay. Madali syang bilinan na bantayan si James habang kakain lang ako ng lunch or dinner sa baba. Maasahan na rin na magpakain kay Panda mag-isa. At marunong magkusa na gumawa ng sariling assignments pagdating galing school.

Ang swerte kong nanay!


Thursday, July 01, 2004

Susme naman Igme!

Ang bagsik naman ng bagyong si Igme! Kahit walang nakapatong na signal dito sa amin sa Laguna, apektado pa rin kami sa malalakas na hangin at ulan. Ang masaklap pa, dalawang araw kaming patay-buhay ang kuryente. Hindi tuloy ako maka-submit-submit ng article ko via email sa editor ko kahapon eh deadline pa naman. Maiyak-iyak na ako sa inis dahil hindi pa nga tapos mag-boot up ang computer, ayan, brownout na naman!

Kapag tatawag ka ng Meralco, palaging isasagot sa yo “Ay hindi pa natin alam kelan babalik ang power. Pina-patrol pa at di pa alam saan ang trobol. Baka may linyang nabagsakan na naman ng palapa (read: dahon ng puno ng niyog).” Sa dami ng taniman ng niyog dito, tuwing hahangin ng malakas at magba-brownout, yun ang rason ng Meralco. Argh! Buti na lang kanina, after maghapong walang kuryente nagkaron din. At kahit lampas na ng office hours sa Manila, hay salamat, naka-email din ako!


Usapang commercials

Pansin nyo ba na sa dami ng commercials sa TV ngayon, nakakawindang ng pumili ng bibilhing brand names ng bawat isang product? Pero minsan, tingin ko lang ha, instead of ma-enganyo ang mga manonood na bumili ng binibentang produkto, hindi lalo bibilhin dahil nakakaasar ang commercial. Sabi ng asawa ko, pag naasar ka daw, ibig sabihin effective yung ginawa ng advertising company. May recall daw na nangyari. Sabi ko naman, paano naging effective kung hindi naman ako bumili? Ang effectiveness sa akin, gusto kong kutusan yung mga gumawa nung mga yun! Hahaha apektado ba.

Na-aalta presyon lang naman ako tuwing nakikita ko itong mga sumusunod sa TV:

1. Yung Pantene shampoo na green (walang epek sa akin ang recall factor nila dahil right now, hindi ko maisip anong definite na pangalan nun.) na may magkapatid na babae na parehong mahaba ang buhok. Susmio! Paabutin ba ng ganun kahaba ang buhok na mukhang pugad ng ibon ang kondisyon?! My golly, sino kayang niloloko nila na gaganda ang ganun kapangit na buhok in 8 weeks kung gagamitan ng Pantene? Garsh! Ganun ba katanga at kautu-uto ang tingin nila sa masang Pinoy?

2. Yung Modess napkins na may odor neutralizer chuva. Nakow, saan ka naman nakakita na kapag may dumaraan sa harap mo sa sinehan eh hindi ka sasandal sa upuan mo para maamoy mo ang pwet nung taong dumaraan? Sige, observe nyo yung guy na pagkatapos dumaan nung babae eh saka lang sumandal sa upuan nya. Eh kulang na lang idikit yung ilong nya sa pwet nung babae ah! Sabi nga nung panganay ko (10 years old) “Mommy, bakit kasi inaamoy nyang sadya yung pwet nung girl?” Pati bata pala napansin yun. Hindi nakakatuwa!

3. Yung Biolink green whitening soap. Once again, nalulungkot ako sa pinapakitang message ng commercial na ito. Bakit ba parating kailangang i-brain wash ang mga Pinay na pangit ang kulay ng balat natin? Ang masaklap pa, ipakita bang halos Negro na yung baby?! Anu yung nanay, dating Ita? Sa kin kasi, ok yung maghangad ang isang babae na gumanda ang texture at condition ng skin nya (ex. mawala ang pimples, kuminis ang balat, matanggal ang stretch marks etc.) pero yung pumuti na parang Amerikana? Napaka-absurd! Ke raming foreigners ang nagpapa-tan tapos ang mga babae dito sa atin, kumahog na bilhin ang lahat ng whitening products na mabibili sa market. So sad.

4. Mga commercials ng alak at sigarilyo na may babaeng halos lumuwa ang mga dibdib at kita ang kasingit-singitan. Ack! Beri-beri bad por the eyes op my kids. Puro lalaki pa naman! Ba’t ba hindi nila pinipili ang oras ng pag-e-air ng mga ganun????

5. Yung Rexona mini stick na merong guy na college freshman. My goodness! Kung pamangkin ko yun, hindi lang batok ang inabot sa akin nun, may kasama pa sigurong pingot sa tenga at pitik sa ilong sabay sermon ng “Utoy, wala ka sa teatro!”. Ang arteeeee grabeeee! I wonder kung merong mga teenagers na na-enganyo bumili ng Rexona after seeing that.

Hehehe, mang-okray daw ba at patulan ang commercials!

Buti na lang konti lang ang mga nakakainis. Mas marami pa rin ang nakakatuwa. Like yung sa McDo na merong new daddy na bumili ng Big Mc meal. Or yung mga J&J na may mommy at baby. Yun ang mga aliw makita. Alin nga ba ang mga commercials na nauto na akong bumili ng product nila? Hmmm…

1. Yung Rejoice reviving. Sino bang hindi mapapabilib sa buhok na literal na sumasayaw? Nga lang, nung nakabili na ako at ginamit ko na, hindi pala sya ganun kaganda sa buhok. Pero may na-discover ako, wagi sya kapag ka-partner ang conditioner na Cream Silk blue! Which, by the way, was effectively endorsed by Lea Salonga.

2. Yung Vaseline commercial na may batang nakapulot ng sumbrero. Dati Vaseline user ako, kaso after buying a sachet sa isang sari-sari store nung nagkataong nakiligo ako sa bahay ng in-laws ko sa Alabang, hindi na ako bumili ulit. Kasi mukhang peke yung nabili ko, walang amoy! Eh di ba dati nasa news parati yung mga pekeng shampoos? Sa takot kong makalbo, lie-low ako sa Vaseline. Pero nung napanood ko yung commercial, nag-try ako ulit. Shempre sa legit na grocery na ako bumili. Ayun, ganun pa rin sya, matagal ngang mawala yung fragrance sa hair.

3. Yung Purefoods Chunkee corned beef ni Kris Aquino. Solid Argentina dito sa bahay pero ni-try namin bumili nun kasi parang ang sarap ng subo ni Kris. Ngak, di naman exceptional ang lasa. Balik kaming Argentina.

4. Dati pa ito, yung Avon Anew na moisturizing cream. Sa kagustuhan kong mag-goodbye sa mga freckles ko, buylaloo ako sa aking tita na Avon lady. Sus, ke mahal mahal ng dyaske. Resulta? Namutakti ng pimples ang mukha ko dahil naging sobrang oily na pwede ng pagprituhan ng itlog! Ayun si Anew, nasa likod ata ng closet ko at hindi na nagamit muli. Mahanap nga mamya at maitapon na. Yung isang friend ko nga, nung nag Anew daw sya (nagkataong nasa office sya nung nag-try sya), after a few minutes lahat ng tao nakamulagat sa kanya. Pagtingin nya sa salamin, nagmukha daw syang si Quasimodo! Namaga lang naman ang buong mukha nya!

At marami pang iba…. Nakah, baka pag nag-enumerate ako dito eh abutin tayo ng next week. Oo na, may pagka-utu-uto rin ako minsan :P Pero all in all, practical pa rin naman ako sa maraming bagay.


Related Posts with Thumbnails