Susme naman Igme!
Ang bagsik naman ng bagyong si Igme! Kahit walang nakapatong na signal dito sa amin sa Laguna, apektado pa rin kami sa malalakas na hangin at ulan. Ang masaklap pa, dalawang araw kaming patay-buhay ang kuryente. Hindi tuloy ako maka-submit-submit ng article ko via email sa editor ko kahapon eh deadline pa naman. Maiyak-iyak na ako sa inis dahil hindi pa nga tapos mag-boot up ang computer, ayan, brownout na naman!
Kapag tatawag ka ng Meralco, palaging isasagot sa yo “Ay hindi pa natin alam kelan babalik ang power. Pina-patrol pa at di pa alam saan ang trobol. Baka may linyang nabagsakan na naman ng palapa (read: dahon ng puno ng niyog).” Sa dami ng taniman ng niyog dito, tuwing hahangin ng malakas at magba-brownout, yun ang rason ng Meralco. Argh! Buti na lang kanina, after maghapong walang kuryente nagkaron din. At kahit lampas na ng office hours sa Manila, hay salamat, naka-email din ako!
Thursday, July 01, 2004
Usapang commercials
Pansin nyo ba na sa dami ng commercials sa TV ngayon, nakakawindang ng pumili ng bibilhing brand names ng bawat isang product? Pero minsan, tingin ko lang ha, instead of ma-enganyo ang mga manonood na bumili ng binibentang produkto, hindi lalo bibilhin dahil nakakaasar ang commercial. Sabi ng asawa ko, pag naasar ka daw, ibig sabihin effective yung ginawa ng advertising company. May recall daw na nangyari. Sabi ko naman, paano naging effective kung hindi naman ako bumili? Ang effectiveness sa akin, gusto kong kutusan yung mga gumawa nung mga yun! Hahaha apektado ba.
Na-aalta presyon lang naman ako tuwing nakikita ko itong mga sumusunod sa TV:
1. Yung Pantene shampoo na green (walang epek sa akin ang recall factor nila dahil right now, hindi ko maisip anong definite na pangalan nun.) na may magkapatid na babae na parehong mahaba ang buhok. Susmio! Paabutin ba ng ganun kahaba ang buhok na mukhang pugad ng ibon ang kondisyon?! My golly, sino kayang niloloko nila na gaganda ang ganun kapangit na buhok in 8 weeks kung gagamitan ng Pantene? Garsh! Ganun ba katanga at kautu-uto ang tingin nila sa masang Pinoy?
2. Yung Modess napkins na may odor neutralizer chuva. Nakow, saan ka naman nakakita na kapag may dumaraan sa harap mo sa sinehan eh hindi ka sasandal sa upuan mo para maamoy mo ang pwet nung taong dumaraan? Sige, observe nyo yung guy na pagkatapos dumaan nung babae eh saka lang sumandal sa upuan nya. Eh kulang na lang idikit yung ilong nya sa pwet nung babae ah! Sabi nga nung panganay ko (10 years old) “Mommy, bakit kasi inaamoy nyang sadya yung pwet nung girl?” Pati bata pala napansin yun. Hindi nakakatuwa!
3. Yung Biolink green whitening soap. Once again, nalulungkot ako sa pinapakitang message ng commercial na ito. Bakit ba parating kailangang i-brain wash ang mga Pinay na pangit ang kulay ng balat natin? Ang masaklap pa, ipakita bang halos Negro na yung baby?! Anu yung nanay, dating Ita? Sa kin kasi, ok yung maghangad ang isang babae na gumanda ang texture at condition ng skin nya (ex. mawala ang pimples, kuminis ang balat, matanggal ang stretch marks etc.) pero yung pumuti na parang Amerikana? Napaka-absurd! Ke raming foreigners ang nagpapa-tan tapos ang mga babae dito sa atin, kumahog na bilhin ang lahat ng whitening products na mabibili sa market. So sad.
4. Mga commercials ng alak at sigarilyo na may babaeng halos lumuwa ang mga dibdib at kita ang kasingit-singitan. Ack! Beri-beri bad por the eyes op my kids. Puro lalaki pa naman! Ba’t ba hindi nila pinipili ang oras ng pag-e-air ng mga ganun????
5. Yung Rexona mini stick na merong guy na college freshman. My goodness! Kung pamangkin ko yun, hindi lang batok ang inabot sa akin nun, may kasama pa sigurong pingot sa tenga at pitik sa ilong sabay sermon ng “Utoy, wala ka sa teatro!”. Ang arteeeee grabeeee! I wonder kung merong mga teenagers na na-enganyo bumili ng Rexona after seeing that.
Hehehe, mang-okray daw ba at patulan ang commercials!
Buti na lang konti lang ang mga nakakainis. Mas marami pa rin ang nakakatuwa. Like yung sa McDo na merong new daddy na bumili ng Big Mc meal. Or yung mga J&J na may mommy at baby. Yun ang mga aliw makita. Alin nga ba ang mga commercials na nauto na akong bumili ng product nila? Hmmm…
1. Yung Rejoice reviving. Sino bang hindi mapapabilib sa buhok na literal na sumasayaw? Nga lang, nung nakabili na ako at ginamit ko na, hindi pala sya ganun kaganda sa buhok. Pero may na-discover ako, wagi sya kapag ka-partner ang conditioner na Cream Silk blue! Which, by the way, was effectively endorsed by Lea Salonga.
2. Yung Vaseline commercial na may batang nakapulot ng sumbrero. Dati Vaseline user ako, kaso after buying a sachet sa isang sari-sari store nung nagkataong nakiligo ako sa bahay ng in-laws ko sa Alabang, hindi na ako bumili ulit. Kasi mukhang peke yung nabili ko, walang amoy! Eh di ba dati nasa news parati yung mga pekeng shampoos? Sa takot kong makalbo, lie-low ako sa Vaseline. Pero nung napanood ko yung commercial, nag-try ako ulit. Shempre sa legit na grocery na ako bumili. Ayun, ganun pa rin sya, matagal ngang mawala yung fragrance sa hair.
3. Yung Purefoods Chunkee corned beef ni Kris Aquino. Solid Argentina dito sa bahay pero ni-try namin bumili nun kasi parang ang sarap ng subo ni Kris. Ngak, di naman exceptional ang lasa. Balik kaming Argentina.
4. Dati pa ito, yung Avon Anew na moisturizing cream. Sa kagustuhan kong mag-goodbye sa mga freckles ko, buylaloo ako sa aking tita na Avon lady. Sus, ke mahal mahal ng dyaske. Resulta? Namutakti ng pimples ang mukha ko dahil naging sobrang oily na pwede ng pagprituhan ng itlog! Ayun si Anew, nasa likod ata ng closet ko at hindi na nagamit muli. Mahanap nga mamya at maitapon na. Yung isang friend ko nga, nung nag Anew daw sya (nagkataong nasa office sya nung nag-try sya), after a few minutes lahat ng tao nakamulagat sa kanya. Pagtingin nya sa salamin, nagmukha daw syang si Quasimodo! Namaga lang naman ang buong mukha nya!
At marami pang iba…. Nakah, baka pag nag-enumerate ako dito eh abutin tayo ng next week. Oo na, may pagka-utu-uto rin ako minsan :P Pero all in all, practical pa rin naman ako sa maraming bagay.

Tuesday, June 22, 2004
Celebrating Fathers’ Day
Ang galing talaga ng parenting egroup namin, ang daming ideas ng mga members na applicable for everyone. Like last week, ang usapan, anong magandang gift for Fathers’ Day. April shared how she did a collage of photos ng hubby and son nya. Ayus, nagka-idea ako bigla na gayahin since Friday na eh wala pa akong maisip iregalo kay husbandry.
On Saturday afternoon, I took out all old negatives (naka-file naman lahat) since birth ng panganay namin (almost 11 years ago na!) and had those pics of the kids with Nonoy recopied. Around 30+ rolls of negatives yun. Kala nga ng tao sa photo shop milyong piso ang gagastusin ko hehehe. Actually 38 pictures lang ang pinakopya ko. Pinili ko yung may solo lang si Noy and 1 kid, saka yung group pics nilang mag-aama. Nakakatuwa kasi preserved yung mga negatives, hindi madidilaw ang lumabas na prints, parang kelan lang kinuhanan.
After dinner, bilis-bilis akong nag cut out. Buti na lang gagabihin daw ng uwi si hubby. Spent around 2+ hours. I pasted all pics on different colored construction papers (1 color for each kid, another color for group pics) para may borders. Tapos ginupit ko ang lay-out naman sa 1 whole illustration board (malaki talaga kelangan dahil apat ang tsikitings :P). Pati ako aliw dun sa mga pictures kasi kitang-kita how all the kids grew from being a tiny baby up to now. Wala akong kuha kahit isa, talagang daddy and son lahat.
Then nag-lettering lang ako sa ilalim ng "Happy Fathers' Day to the World's Greatest Dad!". Naku biglang nag-text ang Geffrey. Kala ko nasa bayan na (20 mins away). Buti nasa Alabang pa lang daw sya. Bilis-bilis kong nilagayan ng plastic cover (dami pang tira from the pambalot ng school books). Wala na akong time magpa-frame eh.
Si Leland and Deden, gumawa ng card. Nakakatawa kasi yung mga play money nila, yun ang dinikit ni Leland sa harap ng card with some drawings tapos sa loob nilagyan nya ng "Thank you daddy kasi nagwo-work ka para magkaron tayo ng money." Gaya-gaya si Deden hehehe. Si Josh kasi may sinat the whole day dahil sa tonsillitis kaya di nakagawa. Nilagay namin lahat sa sofa para pagpasok ng pinto ng daddy nila, kita agad.
Ayun tuwa naman si Mister. Unang comment "Paano ko kaya bibitbitin ito sa bus papuntang office?" hahaha. Ipapakita daw nya sa mga ka-officemate nya. Eh para namang 3 hours ang byahe bago sya makarating ng opisina tapos bitbit nya yung laking yun. Ang tagal nakatitig sa mga pics, muntik ng lumamig yung dinner na ini-prepare ko for him.
Hay pagod, pero his reaction was all worth it. Ah, what we do for the people we love!

Thursday, June 17, 2004
Energy Issues Explained
In a parenting egroup I belong to, iisa ang sentiments ng mga nanay na katulad ko – ang pagtaas ng pamasahe at ang napipintong pagtaas ng Meralco billing bukod sa pagbaba ng value ng piso at pagtaas ng gasoline prices (argh ang dami-dami-dami!!!). Meron akong isang ka-egroup na financial analyst, si Jen, and I’d like to share here her take on the subject. Mas naliwanagan ako sa explanation nya:

“Am actually in the energy sector. Ang sad to say, sinisisi ko si GMA sa mga pangyayaring yan. What happened started May 2002, PINILIT ni GMA ibaba ang prices ng electricity to the point na malugi ang NPC. I know last year alone, NPC lost over P150B and we expect this year (kung hindi umakyat ang power prices ha) eh malugi ulit sila ng $2-3B (DOLLARS YAN ha at BILLIONS!). And saan kukunin ang pantapal dito??? SA TAXES NATIN!!! Sino ngayon ang niloko ni GMA?!?!? Binabaan nya ang kuryente kasi yun ang madali maintindihan ng masa. Little that they know eh sa taxes rin nya kinukuha ang pang-support sa Napocor. Para lang tayo niloloko noh... yung taxes na binabayad natin eh pambayad lang din sa kulang ng Napocor, plus utang. In a recent report I read, over 90% of government revenues is now budgeted to address our loans (be it interest or kung may principal pa kailangan bayaran). Ano daw yun!?!?!? (talagang ANAK ng #(@!$@%!!!). Less than 10% of our budget is now dedicated to government services.
Iawas mo pa ang corruption, eh talagang wala nang matitira. Kawawang Pinoy.
Now... LOOMING POWER SHORTAGES. Totoo po yan mga kaibigan. Dahil sa binaba ni Arroyo ang prices ng power to unreasonable levels... na hindi nya dapat ginawa kasi hindi naman nakabuti sa bansa natin. It was just a stop gap measure para maboto sya. Ni walang programa or reporma silang ginawa ng Dept. of Energy para supportahan ang mga taga-produce ng electricity. Basta babaan ang prices ng power, at bahala na ang Napocor at mga IPP sa buhay nila. So ngayon, walang matinong investor na gusto mag-invest sa power plant all because sobrang baba ng power prices na and it is not enough to recover investments sa power plant. With the increase in demand, kailangan eh nagtatayo na po sila ng planta this year or latest next year. Eh wala ngang investors in their right minds who would do that. Kaya we are now looking at rolling brown-outs in Luzon by 2007. As for the Visayas, meron ng shortages ngayon. Mindanao next year. Now that malapit na ang 2007... tsaka ngayon magiging desperate ang government na maghanap ng investor. We will then be back in our early 90’s situation, na nagmamakaawa sa mga investors. Ayan, papasok na naman ang matataas na charges kasi nga last minute projects na fast track. Di all the more lalo tayong end consumers ang ma-pi-penalize!!!
To add pa po, am working for an American IPP and nalulugi talaga kami since 2002 because of Arroyo's actions. Our mother company is threatening to withdraw from the Philippines. Ayan, one less investor. And not only that, we just filed for corporate rehabilitation early this month. We manage and own a power plant in Cavite kasi. Anong ibig sabihin nito? We just filed for bankruptcy and kahit kailangan ng Luzon ng extra capacity for power, eh isa-isang investor ng power na rin ang umaalis or nalulugi. More so, puede pa lalong mabawasan ang capacity kung kailan mas kailangan natin, tsk, tsk, tsk.
Kaya kung may senator (i.e. Enrile) or congressman na magsasabi na bababaan nya ang price ng kuryente... either nambobola sya para makakuha ng boto (or sabi nila may personal vendetta against the parties - like Enrile eh galit sa mga Lopez's ng Meralco) or hindi talaga nila naiintindihan ang sinasabi nya. Syempre naman lahat tayo eh gusto bumaba ang presyo ng electricity o maging gasoline man. Kaso kung mali ang pamamaraan at ibaba nalang ng basta-basta ng walang ka plano-plano, ay susmio, baka nga maging Argentina tayo in no time!”
Finally!
Hay salamat, naayos din ang computer ko. Dalawang linggo lang naman akong nagtiis na giant size ang lahat ng fonts at windows saka sabog-sabog ang mga colors ng monitor dahil na-corrupt na naman daw ang video card nito. Tiniis ko ng 2 weeks dahil may mga deadlines akong tinapos. Last week, pinadala ko sa Manila to my very bait brother-in-law who had this repaired sa office nila. After another long week, eto at ayos na ulit sya.
Ack, daming nangyari sa buhay ko at sa bansang Pilipinas. Kwento ako ...
Saturday, June 5
Pumunta akong Alabang to meet with my sister para ibigay nya sa akin yung mga retailer sims ng Globe at Smart na pang-autoload. Business kasi yun ng isang kasama nya sa church and sabi ok daw na sideline so go kami. Inisip kasi namin, hindi na luho ang celphones ngayon, need na talaga. Eh dito sa baryo namin, wala pa akong nakikitang may signs ng autoloading so magta-try kami. Anyway, mababa lang naman ang capital.
Habang nata-traffic ang bus papasok ng Alabang toll gate, may mamang umakyat. May dala syang megaphone at nagsalita tungkol sa strike nilang mga bus drivers at konduktor sa isang bus line sa Manila. Ewan ba at may heart talaga ako sa mga manggagawa, nakakaawa nga naman ang mga working conditions nila tapos sinasamantala pa ng mga employers nila. Everytime nakaka-encounter ako ng ganun, I drop a coin kahit 5 piso lang dun sa collection box nila. Samantalang 30 minutes ago, may isang nag-preach ng bible pero di ako nag-donate. Sabi kasi ng husband ko, hindi naman daw siguradong legit yung mga ganun. Saka ang isipin ko daw palagi, nagbibigay kami sa tamang paraan (we are sponsoring a child thru World Vision kasi), sa isang organization na sigurado kaming tumutulong talaga sa mga mahihirap.
Tapos after mga 10 minutes, traffic pa rin, lakas pa ng ulan, may isa na namang manggagawa ang umakyat with the same requests at kwento. Kaso napa-double take ako kasi na-recognize ko yung mama! Distinctive kasi yung intonation ng boses nya kapag nagsasalita (yun bang pataas na pitch lahat ng sinasabi sa hulihan ng sentences) at natandaan kong a few months ago, na-encounter ko na rin syang nanghihingi ng donation dun sa same place na yun. Nag-donate din ako sa kanya noon. Nakow, nag-isip tuloy ako, mag-iisang taon na ba yung strike nila na yun at hanggang ngayon eh nangongolekta pa rin sila ng donations? O raket na pala yung ganun? Ang masama pa, pagsulyap ko dun sa rear view mirror nung driver ng bus namin, nakita ko syang iiling-iling na nakangisi dun sa konduktor habang nagsasalita yung mama. Tsk, ayoko na ngang mag-donate next time!
Naghanap kami ng sister ko ng isang celphone sa Metropolis para gamitin sa autoload. Naku, ang hirap palang maghanap ng mukhang totoong brand new! More than 20 booths siguro ang napuntahan namin, with varying prices at kaduda-dudang mga sales talk. Finally, we decided to buy dun sa tapat ng entrance ng Robinsons Department Store kasi maayos at believable yung page-explain ng tindera paano malalamang orig yung binili namin. Binuksan nya yung fone, pinakita yung side na patungan ng keypads and told us dapat walang mga warranty stickers doon kasi kapag brand new, hindi nilalagyan ng manufacturer dahil directly galing daw factory yun. May kaha de yero sila sa gitna ng booth kung saan andun yung mga cels na nakakahon pa. Dun sa iba kasi, mga wala na sa kahon ang ibinibenta sa amin saka sangkatutak na warranty stickers na may Chinese characters dun sa banda nga ng keypads.
Sabi din nung babae, legit sila dahil may TIN # ang resibo nila and registered sila as certified celphone dealers. Ok fine, since pagod na paa namin kakaikot, binili na namin plus an attachment for dual sim para madaling mag-lipat from Globe to Smart kapag may nagpapaload. I chose a Nokia 2100 katulad nitong existing fone ko. Gusto ko kasi dito, may option kang maglagay ng security code everytime you need to unlock the keypad. So walang ibang pwedeng gumalaw ng contents ng fone mo kung sakaling maiwan mo somewhere.
Pagdating namin sa bahay ng sis ko, nakakatuwa kasi unang customer ko ng reloads eh yung yaya ni Matt, pamangkin ko. Naka P100 akong buena mano hehehe.
Nung gabi, sinundo ako ng asawa ko with our 2 older kids (na nagbakasyon sa sis-in-law ko sa kabilang village). Inuwi namin yung isang Dalmatian puppy doon since 2 months old na. Ang cute! Pinangalanan sya ni Matt ng Panda kasi may black ring sa mata. Aliw ang mga bata.
>June 7, Monday
Hay pasukan na yung dalawa kong nasa elementary! Nagbalot na ako ng mga notebooks kaso kinulang yung binili naming 3 meters ng acetate para sa mga books. Umpisa na naman ng mga early mornings pahirapan-sa-gisingan at after dinner assignments-time. Tsk, maulan pa. Kelangan kong bilhan ng mga payong na bago itong mga ‘to. Ang bilis makasira! Yearly na lang kelangan kong bumili.
June 8, Tuesday
Nakita namin ang transit of Venus! Buti na lang hindi masyadong umulan dito sa amin. At buti na lang may mga naitago akong xray films ng mga bata dati. Ayun, sinilip namin ni Deden. Ang liit pala nun! Kung di mo pa tititigang mabuti, di mo agad makikita yung maliit na spot sa bandang upper left ng sun.
Pagdating nina Leland at Josh from school, tingin din sila. Nakakaaliw kasi excited din silang makita. Sabi nga ng friend kong si Ate Myra noong nag-lunar eclipse last month, “I try not to miss meteor showers and eclipses kasi those are some of the free things in life.” Na-inspire din tuloy ako to really LOOK at the sky and see the wonders in store for me.
>June 9, Wednesday
Pinanood ko yung Crying Ladies nina Sharon Cuneta. Maganda daw eh. Nanghiram kasi ako ng mga VCDs sa kapatid ko since wala naman akong time magpunta sa mga sinehan. Hanggang home movies lang talaga ako.
Nakupo, naalala ko na naman yung mamang nanghihingi ng donation sa bus dahil dun sa isang scene sa movie. Ngak, malamang raket na nga yun.
Sad lang kasi ang daming realities sa buhay Pinoy yung pinakita sa movie na yun. Andun na yung magpi-pretend na mali ang sinakyang jeep para makalibre ng bayad, raraket sa street corner preachings para sa donations, mapuputulan ng koryente dahil sa hindi pagbabayad, pagbili sa mga hulugang appliances sa mga bumbay at kung anik-anik pa. Naron na rin yung pagkaka-hiwalay ng isang ina sa kanyang anak dahil hindi nya kayang buhayin mag-isa yung bata. Sobrang nag-hit home sa kin na napakarami naming blessings na dapat muli’t-muli ay ipagpasalamat kay Lord. At nakakalungkot na ang dami pa rin nating mga kababayan ang namumuhay sa matinding kahirapan. Hay, sana talaga umaayos na ang takbo ng bansa natin. Hindi yung puro pansariling kapakanan ang inaatupag ng mga linstok na pulitiko!
>June 12, Saturday
Kasal ng barkada kong si Binky. Such a nice wedding! Pink and lavender ang motif nila. Peborit colors ko rin. Ang galing ng weather kasi after the ceremonies sa church, umulan ng malakas tapos tumigil din agad. So pagdating namin sa reception area, malamig ang panahon at di masyadong pawis-pawis ang mga tao habang kumakain ng lunch. Isinama ko si Leland. Ayun at reklamo ng reklamo na ang tagal-tagal daw at kelan pa kami uuwi. Hmp, sinasabi ko na nga ba, itong mga batang ituuu! Nagpi-prisintang sumama tapos ako ang mamadaliin sa pag-uwi.
>June 13, Sunday
Uuuuy, naka-one week na ako sa autoload business ko. Nakapaubos na ako ng P500 loads sa Smart users within the week. Mas malakas kasi ang signal ng Smart dito sa amin kaya halos lahat ng tao dito naka Smart or Talk and Text. Yung Globe, konti pa lang. Kami nga ata ng asawa ko ang makakaubos ng load nito eh hahaha. Pero ok nga pala ito, customers ang lumalapit sa’yo, di mo na kelangang mangumbinsi na bumili sa yo. Halos maya’t-maya may nagtatawag ng “Pa-load po!” dun sa may gate namin.
Pumunta kaming Manila. Kasama ko si hubby with Josh and Deden. Iwan si Leland kasi sumama sya sa kasal the day before at ayokong iwan namin si James na mag-isa with the yaya. Kelangan laging may kasamang isang family member just in case ... praning na kasi akong mag-iwan ng bata sa yaya lang eh.
Anyway so ayun, pagsakay namin ng bus galing San Pablo, nagulat ako kasi ang pamasahe papuntang Ayala, from P84.00 naging P104.00 isa! Inulit ko pa sa konduktor na Ayala lang kami. Tumaas na daw ang pasahe. Inaykupo! Magkano kaya kung hanggang Cubao pa ang biyahe??? Paano na ako mag-iinterview ng mga resource persons ko kung yung kikitain ko sa bayad sa mga articles ko eh mapupunta lang sa pamasahe??!! Buti na lang P25.00 pa rin ang flagdown ng mga taxi.
We attended the birthday party ng anak ng isang good friend ko sa Makati. Ang cute ni Paolo, ke ganda ng smile! One year old na agad. Bilis ng panahon, parang kelan lang eh kino-congratulate ko pa si Abbie sa pagbubuntis nya. Enjoy ang mga bata sumali sa games at manalo ng prizes. Sabi ni Noy, oks daw yung habang maliliit pa sila, nae-enjoy nila yung ganun dahil a few years from now, mahihiya na silang sumali for sure.
Nag-hold ng surprise birthday party yung friend namin sa asawa nya kaya tuloy kami ng Quezon City nung gabi. Ang saya-saya! Daming close friends namin ang andun kaya parang reunion na rin. At dahil very close kaming mag-asawa sa couple na ito, naisipan kong gawan ng unique birthday gift si Jepoy. Hinalungkat ko lahat ng old negatives ko (buti naka-file ng maayos halos lahat) at pina-recopy ko yung mga pictures naming magkakasama since the late ‘80s. Ganun na kami katagal magkakaibigan. Tuwa naman daw sya. At last napakinabangan ko rin yung maingat na pagtatago ko ng mga bagay-bagay.
June 15, Tuesday
Waaaah! Official ng tumaas ang pasahe sa mga jeep dito sa amin. Wasak ang budget ko! From P8.50 naging P13.50 ang papuntang bayan. Asus, dapat ata hindi na ako mag-grocery ng once a week kundi twice a month na lang! Buti na lang ang minimum fare pala hindi ginawang P6.00 kundi P5.50 lang. Pero kahit na, ang mahal pa rin! Eh tatlong bata ang namamasahe papuntang school araw-araw. Susmio talaga! Dapat after 20 years na ulit bago magtaas ang pasahe! Hmp!
And that was the week that was sa buhay ko. Mag–nobela daw ba. Eh kasi naman kesa isa-isa kong kukwentuhan mga kaibigan kong hina-hunting ako online the past week, isahang kwento na lang. Baka may mapulot pa kayong ibang blog visitors ko dito di ba? ;)

Friday, June 04, 2004
Pasukan na naman!
Hunyo na, tag-ulan na, tag-gastos na panahon pa. Hirap talaga ng buhay sa Pinas. Ayun tapos na mag-enroll sa mga bata. Yung bunso ko Senior Casa (Kinder 2) na sa Montessori at hindi ko maiwasang mainis nung nakita ko yung resibo. Sana hindi na lang nila na-itemized lahat ng binayaran. Sana ni-lump na lang nila lahat sa miscellaneous.
As it is, ang nakalagay na amount katapat ng books – P1031 eh lima lang naman yun! At ang notebooks? P535 para sa 9 na makapal at 1 manipis! My gulay! Dahil sa school logo eh pe-presyuhan mo na ng more than P50 isang pipitsuging notebook na hindi man lang maganda ang papel??? Kung di ba naman mag-init ang ulo mo. Mantalang ang bili ko lang ng notebooks ng 2 ko pang anak na elementary sa ibang school, tag P10.75 lang isa sa Expressions book store! Tapos may P100 daw na aircon fee every month. Nakah, eh last year pinagpapawisan naman ang mga bata sa classroom dahil hindi ata nalalagyan ng freon ang aircon nila. Argh!
May isang tatay doon, nakikiusap sa principal. Kung daw compulsory ba talaga ang bayad sa monthly taekwando fees ng elementary students. Kasi daw last year, nagbayad sila pero di na-avail ng anak nya dahil mahina ang puso. Kung pwede daw wag na nilang bayaran this year. Aba P175/month din yun. Sagot ng principal? “Titingnan pa ho natin.” Ganun?
Last school year, isa pang kinakainisan ng mga nanay, may pa-bingo ang school every December. P150 ang ticket at compulsory na bilhin ng mga studyante. Sabi ng isang nakausap ko “Aba grade 1 pa lang ang panganay ko dito, for the benefit of the computer room na yang bingo na yan! Eh grade 6 na ngayon, computer pa rin? Ilang computers ba ang dapat bilhin (kung binibili nga) bago tumigil ang pa-bingo na yan?” Sabi naman ng isa pa “Teachers lang naman ang nag-e-enjoy dyan eh. Tingnan mo ilan bang bata ang marunong maglaro nyan? At ilang magulang ang magsasayang ng oras pumunta dyan ng weekend?”
At ang masaklap pa, kahit may appointment ka ng araw ng bingo at hindi ka makakapunta, sasabihin lang ng teacher na kelangan mo pa ring magbayad at ipapag-laro ka na lang nila. Hindi nga ako nagbayad agad. Dinedma ko talaga. Ni hindi nga kami nakiki-lotto, bingo pa! Tapos pagdating ng January, ayun may reminder bill akong hindi pa kami bayad sa bingo card na ni hindi ko nahawakan o nalaman man lang anong kinahinatnan.
Pero anong magagawa nga ng mga magulang? Ang policies ng karamihan ng private schools ngayon, bawal ang reklamo. Kung ayaw mo ng palakad nila, wag mo dun i-enroll ang anak mo. Kung sumpungin ka mang ilipat ang bata, ganun din halos ang patakarang makakatapat mo sa lilipatan nya kaya anong choice mo? Wala!
Sa isang egroup ko, enrollment ang topic. Walang nanay ang hindi nagrereklamo sa taas ng mga dapat bayaran sa schools ng mga tsikiting. Meaning lahat talaga ng schools ngayon unang inaatupag ang profit bago ang tamang edukasyon sa mga estudyante. Merong school required na doon bilhin lahat -- mula uniforms, bags hanggang pencil case at lapis dahil sa school logo! Buti sana kung reasonably priced. Eh most of the time 300-500% ang patong nila! No wonder hirap bumangon ang Pilipinas sa kahirapan. Eto ang mga magulang, naghahangad ng magandang edukasyon para sa mga anak nila, pero ginagatasan hanggang masagad ng mga gahamang tao na nagpapalakad ng mga schools.
How sad.
Tapos tataas pa ang pamasahe! Waaah! Tama ba namang pahirapan tayo ng husto??? Sirang-sira tuloy ang budget na ginawa ko for this school year. Kelangang i-adjust na naman. Buti sana kung maraming extra na pwedeng idagdag ano.
Kaya kayong mga mommies dyan na namamasahe ang anak papuntang school, avail of the student’s fare na 20% discount! Right ng mga bata ang magbayad ng mababa. Last year, since P4.00 ang minimum, ang allotment ng kids ko for fares, P3.25 one way. Pinapadalhan ko talaga ng barya kasi kung hindi, kahit pa isigaw mong “Bayad ho, isang estudyante!” hindi ka susuklian ng 75 centavos. Hoy magkano din yung matitipid mo ng balikan kung dalawa ang batang pumapasok sa eskuwela? That’s P30.00 a week savings din! Kaya ipun-ipunin nyo na ang mga bente-singko nyo dahil P4.75 na ang magiging bayad sa jeep ng mga bata ngayong June.
Sabi ng isang kaibigan ko, nuknukan daw ako ng kuripot. Sabagay 2 pa lang anak nya at hindi pa parehong nag-aaral kaya may K pa syang mag-comment ng ganun. Aba sa panahon natin ngayon, kung di ka magtitipid, ikaw rin ang kawawa. At kapag nagkaroon ng emergencies at wala kang ipon, baon sa utang ang mangyayari sa yo. Linstok!

Monday, May 24, 2004
Mga Kantang May Kakabit Na Memories
Galing akong Alabang kanina with my cousin. Namili kami ng school supplies for our kids. Nakupo, pasukan na naman! Daming gastos.
Pero tuwa ako kasi nakabili ako sa Odyssey ng mga albums of “old” songs, specifically 80’s music. Panahon ko yun! (Ngii, napapaghalata ang katandaan ko). I got a double cassette worth P190 lang titled “80’s Replay”. Andun yung mga songs na nagpapa-alala sa kin ng high school days ko – Take On Me by A-Ha, West End Girls by Pet Shop Boys, Manic Monday by Bangles, I Like Chopin by Gazebo, 99 Red Balloons by Nena, Let’s Hear it for the Boy by Denise Williams at marami pang iba.
Meron pa akong nabili on sale, P50 lang entitled “Absolute Classics: 16 Hard-to-Find Classic Love Songs”. It includes Ever Since the World Began by Survivor, Don’t Give Up On Us by David Soul, A Penny for Your Thoughts etc. What made me decide to buy it? Dahil sa kantang You Don’t Love Me Anymore ni Weird Al Yankovich. Sobrang tawang-tawa ako sa song na yun noong unang lumabas yun, around 1992 ata. I remember a friend of mine who even transcribed that song at binigyan ako ng copy sa sobrang aliw namin. Brought back lots of memories.
Kaya sa mga 80’s fans na gaya ko, punta kayo ng Odyssey stores at baka may mga natira pang copies dun! Tingnan mo nga naman, kaya ako pumasok ng Odyssey para bumili ng The Corrs album na wala naman pala silang stocks, ayun napabili tuloy ng kung anik-anik.

Sunday, May 23, 2004
Sunday at Villa Escudero
At last! For the first time, narating ko rin ang Villa Escudero sa Quezon province! Nag-aya ang sister ko kaya go naman kami. Kasama ko ang nanay namin and dalawa sa makukulit kong anak. Hirap magbitbit ng maraming bata, eh may trabaho pa naman ang Daddy kaya 2 lang ang kaya ng powers ko. Nagpaiwan na si Kuya sa bahay since kasama naman sya last week sa annual trip ng mga teachers sa school ng nanay ko. Nakarating sya ng Baguio at Vigan.
Anyways, so ayun, we arrived there mga 11:30 am. Ack, P950 per person pala dun. Kapag bata, kalahati ang bayad. Included na dun sa tickets ang carabao cart ride, buffet sa waterfalls, use of the pools and museum tour. Hmmm, pwidi na rin.
Una naming ginawa, sumakay ng carabao cart papunta dun sa loob. Nakakatuwa ang views. Well-maintained ang lawns and maraming statues made to look like barrio people reinacting everyday things like babaeng nagtitinda ng mga kakanin, isang bata na nagpapakain ng mga alagang baboy, mga magsing-irog na nakaupo sa benches etc. Basta marami, nagkalat here and there.
Dun sa place kung saan tumigil yung kalabaw, nakita namin si Aiza Seguerra. “Cute” nga sya, very petite. Simple ang dating, naka white lang na polo saka naka-shades. Gusto ko nga sanang mag-ask kung pwede pa-picture with her yung mga bata kaya lang nahiya ako. Sabagay hindi naman ako die-hard fan kasi. Pero ibang usapan na yun kung si Dingdong Dantes ang nakita ko. Ako ang magpapa-picture kasama nya, hahaha!
Tumuloy kami sa may waterfalls para mag-lunch. Man-made lang pala sya (hehehe, ignorante ba dating? First timer eh) na may hydraulic chuva na nagpapatakbo ng tubig. Ok naman, maganda yung place. Naka-mojo sandals ako kaya pwedeng-pwede mabasa. Enjoy ang mga bata. Kaya lang yung mga nasa katabi naming tables, minsan napapahiyaw kapag natatalsikan sila ng tubig na nilalaro ng mga kids. Buti wala namang umaway sa amin hehehe. The food was not outstanding though. Ok lang, edible naman but I feel mas masarap pa ang luto ko ng sinigang.
After eating, picture-picture dun sa may falls. Kahit hindi pa kami mga nakapang-swimming, basing-basa na kami kaka-pose dun sa mismong nalalaglag na tubig.
Then off to the swimming pool. Inabot na kami ng 5 pm doon kaya di na kami nakapunta dun sa museum. Kelangan pa kasing bumalik ng family ng sister ko sa Manila. Buti kami at malapit lang ang bahay, less than 1 hour away.
Bago kami makaalis ng tuluyan, katakot-takot uling picture-an. Naubos ko yung 36 shots na film. Mostly mga bata ang kinunan ko. Sometimes nakiki-pose ako with 1 kid while the other takes the shots. Nakakatuwa kasi aliw mag-photographer mga anak ko, even 5 year old Deden.
Nakauwi kami magse-seven na ng gabi. Pagod pero enjoy. Pero kung papapiliin ako between Villa Escudero and Puerto Galera, ay! Hands down, panalo ang Puerto :)

Wednesday, May 19, 2004
Ang damot mo!
Hala, after the kinse anyos chuva na commercial, yung sa KFC naman ang nasa hot seat ngayon. Sa isang parenting egroup kasi na member ako, yun ang topic nung isang araw. A parent reacted na mali ang values na tinuturo nung commercial.
Sa mga wala sa Pilipinas at di napanood yun, eto ang kwento: May isang guy na nag-alok ng KFC chicken burger sa buddy nya, describing lahat ng ingredients with shots of the sandwich na mouthwatering nga naman talaga (ayan, parang gusto kong bumili ngayon, as in ngayon na para matikman yun, la lang KFC dito sa may amin). Nung tinanong na nya yung kaibigan nya kung “Gusto mo?” at sumagot si friendship ng “Oo ba!” biglang dinilaan ni guy #1 yung sandwich sa magkabilang sides sabay abot. Syempre di tinanggap ni guy #2. Eh nauhaw si guy #1 kaso wala syang drinks. Nung humingi sya kay guy #2, pina-bubbles nitong huli yung softdrink nya bago inalok.
Truthfully? When I first saw the commercial, natawa ako. Kasi naalala ko ang mga kabalastugan ng mga kabarkada kong guys nung college kami. Nung 1st time din napanood ng husband ko yun, I watched for his reaction, natawa rin, hagalpak pa nga eh. For sure may mga naalala din sya. Eh magka-barkada kami noon ano!
Nung nakita na sya ng isa sa mga anak ko at madiri-diring nagtanong “Mommy, bakit nya dinilaan?!” (with shocked accent), sinagot ko sya ng “Kasi madamot sya, ayaw nyang mag-share. Tama ba yung gawin?” To which my son answered “Hindi po. Bad yun.” I found it a learning opportunity para sa anak ko. Tipong “Ayan anak ang example ng hindi mo dapat gayahin.” I think kids these days are intelligent enough to handle things like that. Naman, with all the sex and violence na nasa movie trailers (Bakit ba hindi yun ang ipagbawal ng mga TV companies? Dun ako asar!), napaka-small time ng damot issue na ito.
Dahil sa natawa kaming mag-asawa, does that make us bad parents? I don’t think so. Gaya nga ng sabi nung isang ka-egroup ko, nasa parents na yan kung paano mo io-orient ang mga anak mo sa mga bagay-bagay na nakikita nila sa mundo. Hindi naman natin sila forever na mashe-shelter sa mga ganyang exposures. Gaya ng mga nangyayari sa school na hindi natin nakikita. Nasa diskarte na ng parents yan paano tuturuan ng magandang asal ang mga bata. Besides, as another member said, the commercial is targeting college students kaya yun siguro ang “pull factor” na naisip ng mga gumawa ng ad.
But it seems nakarating sa KFC ang mga hinaing ng maraming concerned parents. May isang article pa nga daw sa Philippine Star kahapon written by Butch Francisco about it. Kanina while watching TV, I saw 2 new revised versions ng KFC commercial. Wala na yung nilalawayan part, pero andun pa rin yung damot factor. Would it count kaya if I say honestly na hindi sya nakakatawa like the first one? Ewan ba at aliw kasi ako dun sa expression ng mukha at sound nung guy (“Mmmmm!”) na nag-blow ng bubbles sa drink. Again, that doesn’t mean I’m taking the damot factor lightly. Malakas lang ata talaga ang sense of humor ko.
Bottomline, how our kids turn out to be in the future should not be influenced greatly by other factors than the values taught by the parents. Kaya nakasalalay pa rin sa ating mga magulang ang kahihinatnan ng mga anak natin.

Sunday, May 09, 2004
Tudings Pork Chop
Kahapon, galing kaming Binan Perpetual kasi pina-check up naming mag-asawa si James sa neuro-pedia nya. Nung pauwi na kami, nagka-ayaan kaming kumain sa Tudings sa Calamba.
Kilala nyo ba itong resto na ito? May kwento kami tungkol dyan.
Kasi nung 1997, na-ospital si James sa Binan for 40 days. Dahil sa tagal ng stay namin, naikot na ata namin ang bayan ng Binan sa kakabili ng gamot sa 3 branches nila ng Mercury Drug doon, at nakainan na ang mga establishments around the town.
Na-discover namin ang Tudings dahil isinama si hubby ko ng medrep friend nya doon nung dumalaw sa amin sa Perpetual. Isa syang maliit na karinderya na ang sini-serve lang eh fried porkchops, sinangag at sunny side up na itlog plus softdrinks. Pramis, yun lang talaga ang binibenta nila. Pero mapapansin mo na sa inaraw-araw nilang pagbubukas, hindi sila nauubusan ng customers. Minsan nga tatayo ka pa ng matagal sa labas para hintaying may matapos kumain sa loob dahil wala pa atang sampu ang tables nila. Halos araw-araw atang kumakain kami ng dinner doon noon. Ewan nga ba bakit masarap yung fare nila.
Pati sister ko, nung nadala namin doon, nagustuhan din ang Tudings at kahit nung nakalabas na ng hospital si James, dinadayo pa nilang mag-asawa ang Binan from their house in Muntinlupa para lang kumain doon.
Tapos kahapon ayun nga, na-miss ko bigla ang Tudings at finally pinasok namin ang branch nila sa Calamba na nadadaan-daanan lang namin for several months na. After 6 years, nabalikan din namin ang Tudings at sosyal na sila ng konti ngayon. Malawak na ang lugar, marami ng lamesa at marami ng electric fans kaya di na mainit kumain hehehe. Nakakatuwa lang kasi ganun pa rin ang menu nila ---the same old porkchops, sinangag at itlog with softdrinks, the same timpla. Wagi ang lunch namin ni Mister!
O ano, nagutom kayo? Try nyo minsan dun. Aliw ang kain. Affordable pa. Ang alam kong branches nila aside from the original one in Binan is the one in Calamba at may isa na rin sa Muntinlupa. Kain na!

Subscribe to:
Posts (Atom)