Tuesday, October 28, 2003

KOMERSYALISMO……SA TV :)

Kayo ba eh naimpluwensyahan nang bumili ng kung ano dahil sa kakapanood ng paulit-ulit ng mga commercial sa TV? Ako, oo. Gaya nung sa Skyflakes. Magaling yung gumawa ng commercial nila ha. At dahil sa suggestions na pwedeng kainin ang Skyflakes kahit saan at kahit kelan, ilang almusal nang yun ang ka-partner ng mug of Milo ko. At masarap na combination yun. Try nyo! Isa pa yung Pancit Ulam. Nakupo, noon eh hindi ko ma-imagine sa hinagap ko na someday kakain ako ng pancit kasama ng kanin. Pero wag ka, nung first time bumili ang mister ko at nakita kong nilantakan ng mga bata with matching rice, napakain din ako. Aba, patok nga! Hmm, malaki kaya ang kinita ni Bayani Agbayani sa pag-e-endorse nun?

Shempre meron ding bad experiences sa pagpapaniwala sa mga commercials na yan. Gaya nung bumili ako ng pagkamahal-mahal na Avon Anew. Kala ko kasi pampa-clear ng skin, sobrang believable ng commercial nila. Ayun, nagmantika lang naman ang mukha ko at nagkaron ako ng sangkatutak na pimples! Pero wala yun sa sinapit ng isang kaibigan ko. Nung inapply daw nya yung Anew, namaga ang face nya at nagmukha syang si Quasimodo! Kaya ngayon, pag mahal ang product, hintay ako ng samples para siguradong hiyang sa kin. Kaya nga love na love ko ang All About You magazine at Nestle club kasi malimit silang magpadala ng product samples. Lalo na sa mga beauty products, kailangang-kailangan yung “subok muna” period. Aba, ang mamahal din naman nga mga yun!

Tapos, merong mga commercial na over na. Sus, sino ba namang maniniwala na hindi computer-generated yung mga shampoo commercials ano? Parang sobrang ganda naman nung buhok nung babae dun sa Sunsilk na paganda nang paganda. Tapos yung sa Rejoice reunion chuva, kintab nga ng buhok nung girl pero ampangit naman ng gupit n'ya :P Hehehe, mang-okray ba? At naalala n’yo ba yung Sunsilk commercial na may sinasabing “para walang takas”? Natawa na lang ako nung minsang naka-ponytail ako at biglang nag-comment ang anak ko ng “Mommy, dami mong takas na buhok! Di ka kasi nagki-Creamsilk!” Ngek, may memory recall nga kaso mali ang product!

Meron ba kayong kinaiinisang commercials? Ako, marami! Sabi ng asawa ko, kaya nga daw binabaduyan ng todo ang approach dun sa iba, mas malaki ang chance na maalala ng viewers. Yung sa Sinigang mix with sili, di ba parang nagle-labor yung babae tapos mega breathing excercises pa sya. Ngak, naanghangan lang pala sa sinigang na hipon. Comment ulit ang anak ko “Mommy, para naman syang nanganak ng hipon!” Grrr, OA! At masasabi kong wa-epek sa kin yun dahil hindi ako mahilig sa maanghang kaya no sale ang sinigang mix na yan dito sa amin.

Hay marami pa akong komento kaso baka di matapos ang write-up na ito kaya iwanan ko na lang kayo ng payo, from one consumer to another: Wag basta magpapaniwala sa commercials. Mas magandang humingi muna ng feedback sa mga kamag-anak at kaibigan para siguradong maganda ang produktong pagkakagastusan mo. Sige kayo, mahirap nang kumita ng pera ngayon dito sa Pilipinas.

Monday, October 27, 2003

Wow, meron na palang sem-break ang mga elementary and preschools ngayon! Dati kasi eh naranasan ko lang mag sem-break nung high school ako sa Rural High sa Los BaƱos. Sabagay matagal-tagal na rin yun. Mukhang isa ito sa mga pauso ng DECS ngayon. Ok na rin na makapag-pahinga ang mga bata kahit isang linggo lang.

Kaya hala, starting tomorrow eh dalawang bata ang mangungulit marahil sa akin na makisingit sa computer buong linggo. Buti na lang at na-schedule ang sem-break ng bunso ko na preschool sa isang linggo pa kaya menos ng isa ang pampasakit ng ulo ko.

Hay, kelangang mag-isip ng mga activities na pang-aliw sa mga bakasyonista at ng di magkaron ng maraming time para sa mischief. Wish me luck!

Saturday, October 25, 2003

I just joined Friendster. Mukhang bagong uso ito ah. I haven't explored yet lahat ng features pero from a review made by the editor of FeMail (Femalenetwork's e-newsletter) maganda daw. A lot of my friends are already members and addicting daw! So far di pa naman ako addict hehehe. We'll see after about a week. I hope I can get connected kasi again with old friends I've lost contact with through the years. Sana ma-meet ko ulit sila. If you're interested, just go to the Friendster's website.

Wednesday, October 22, 2003

Mababaw na kung mababaw ang kaligayahan ko pero tuwang-tuwa talaga ako kanina. Kasi naman, sa dinami-dami ng reruns ng Ally McBeal sa RPN 9, palaging season 5 ang pinapakita nila eh di na ganun kaganda ang mga episodes dun. Hindi na tuloy ako nanonood. Tapos kanina, nung nagsi-switch ako ng channels, nakita ko Ally na sa channel 9. Napansin ko lang yung scene parang season 4 eppy. So pinanood ko... Alright! Tama ang kutob ko dahil andun nga ang super-duper crush kong si Robert Downey Jr.! O yan alam nyo na sinong kaisa-isang artista ang obsession ko hehehe.

Naku mukhang magiging couch potato na naman ako nito tuwing Tuesday nights dahil for sure papanoorin ko yung mga eppys na yun just for a glimpse of him :) Hay naku, ewan nga ba at bakit aliw na aliw ako kay RDJ. Ang galing kasing mag-act (proof: watch Chaplin the movie among other things) tapos gwapo-gwapo pa with matching nakakatunaw na eyes. Ah basta, magaling s'ya kaya kung sino pa man senyo ang RDJ fans dyan, pagkakataon ng mapanood ulit sya as Larry Paul. Pramis, sobrang charming ng character nya doon. Wait until you see the episode na guest si Sting at kumanta silang dalawa ng "Ev'ry Breath You Take" kasi for sure, hahanga kayo sa galing ng boses ni RDJ. Hmmm, kelan kaya sya gagawa ng sariling album?

Ooops, sobrang ramblings na ito. Wala lang, gusto ko lang talagang i-share yung katuwaan ko na napanood ko ulit sya sa TV kanina :D Oo na! Mababaw ako!

Tuesday, October 07, 2003

Kwentong Celphone

Wala na akong celphone. Ganun lang kasimple yun. Kaninang umaga pumunta ako ng UPLB dahil nag-interview ako ng isang professor para sa isang article ko. Bago sumakay ng jeep pauwi, nakakita ako ng display ng mga celphone housing so bumili ako. 5110 na nga lang phone ko, yoko namang magmukhang gusgusin pa. Ibinili ko rin nga ng housing ang celphone ng nanay ko para naman mapalitan na ng malambot yung keypad nya, tigas kasi gamitin.

Tapos sumakay na ko ng jeep. Nag-text pa sa kin ang friend ko na binati ko ng happy birthday kaninang umaga. I don’t know kung naging sobrang attractive ba sa mata nung housing na nabili ko at napagdiskitahan ang telepono ko. Kulay sky blue and white. Yung backpack ko nasa lap ko. Yung zipper nasa left side ko ang opening. Alam kong sinasara ko ang zipper pagkatapos ko ilagay dun ulit ang cel sa loob ng bag.

Nung naisipan kong i-text ang editor ko kung na-receive na nya yung sinubmit kong article sa kanya via email kahapon, hindi ko makapa ang celphone ko. Medyo nag-panic na ako. Then yung mama na katabi ko sa left, biglang pumara. At the back of my mind parang gusto ko sya pigilan bumaba para tanungin kung nasa kanya yung cel ko. Kaso inabutan ako ng hiya dahil baka mali at di ko pa nase-search lahat ng pockets ng bag ko. After thorough searching, ayun wala na talaga at nakababa na yung mama.

Medyo hysterical na ako and asked yung mga katapat kong nakaupo kung me napansin silang cel na nalaglag. Sabi nung bading, “Yung blue na hawak mo? Naku baka kinuha na nung mama na bumaba.” Nanlambot na ako.

Reaching the city, I rushed to buy a PLDT phonecard and called my cel #. Wala, nag-ring lang hanggang naputol. Tapos I tried calling my hubby, hindi nya sinasagot phone nya, baka super busy at maingay sa workplace kaya di naririnig. I looked at my address book sa wallet ko, hindi na updated and # lang ng brother ko ang nakita ko dun. I was able to contact him and told him na mag-text and pretend na kamustahin si kuya nya kung nakalabas na ng hospital at kung me nakuha na akong money para pambayad. Engot ba at gumawa pa ng kwento? In my panicky and confused state of shock, naisip ko lang baka sakaling maawa pa at ibalik ang phone ko.

Grabe, ganito pala ang feeling ng nawalan ng cel—taranta, panic, galit, naiiyak, nanginginig buong katawan. Sus, ang cheap na nga ng fone ko pinag-interesan pa! Ni hindi ko na nga pinangarap magpa-upgrade ng unit or bumili ng bago kasi ok na sa kin na me nagagamit ako for communication. Mas marami akong kelangang i-prioritize para sa mga anak ko. Mostly, nanghihinayang ako dun sa sim. Andaming phone numbers dun na di ko pa naisusulat sa main address book ko dito sa bahay. Alam nyo yun, yung tipong madaliang hingian ng number at hanggang celphone na lang naso-store. Wala pa naman akong sauladong numbers aside from sa kin at sa asawa ko. Yun ding number na yun ang alam ng lahat ng clients ko so I guess dami sigurong mawawalang assignment sa kin L

Ngayon bigla ko naisip, baka nga it’s time to let my celphone go. Nun kasing field trip ng bunso ko last week, nalaglag yung cel na yun from my bag sa lupa while I was tying his shoes sa isang stop-over para mag-CR ang mga bata. Me isang nanay ang nag-alert sa kin na nahulog daw kaya super thankful ako na kahit naputikan pa eh hindi nawala. Kaso natuluyan na rin today. Hay buhay!

As I was riding another jeep home, gusto ko maiyak. Lifeline kasi celphone eh di ba? I felt so helpless and stupid for letting that happen. Nung nanakawan hubby ko sa bus ng celphone last year dahil natulog sya, inalaska ko ng todo. At mas affected pa ako kesa sa kanya. Sobrang hinayang ko talaga. Ngayon eto at gising na gising ako nung nangyari, ni hindi ko man lang namalayan na nanakawan na ako. Ang tanga ko!!!!

Dami tuloy “sana” na pumasok sa isipan ko…Sana di na ako bumili ng housing, siguro di ko nakasakay yung mamang magnanakaw…Sana naging alert ako…Sana nilagay ko na lang sa bulsa ng jeans ko ang cel ko. I normally do that kasi pero today sa bag ko sya nalagay…Sana mas kailangan nung mama na yun ang celphone. Pero itinataga ko sa bato na ipapa-block ko ang serial number nun sa NTC at magbayad sya para ma-unblock! … Sana ma-karma sya! Hehehe, vindictive ba?….Ah basta, sana wala na lang masamang tao sa mundo…Sana hindi na maghirap ang Pilipinas para di na kelangan ng mga tao na magnakaw…

So there, wala na and I don’t know kung me katiting na chance mabalik pa sya sa kin. Ang prayer ko nga kanina sa jeep “Lord, don’t let me hold on to material things. Pwede ko naman pag-ipunan pa yan. What’s important eh hindi ako nasaktan physically or nawalan ng wallet.” Natuto na rin ako ngayon na next time, pag nasa labas ako ng bahay, maging doble-doble ingat sa lahat ng oras. Lagi pa naman akong nagco-commute.

Pagdating ko ng bahay, sinalubong ako ni bunsoy. Seeing him made me more thankful na celphone lang nawala sa buhay ko. Andito naman sa tabi ko ang mga taong mahal ko. Pag pasok ko ng kwarto, smile sa kin agad si James, ang special child namin. Blessed pa rin ako! At eto me internet connection pa naman ako kaya kahit dito sa blog nakukwentuhan ko kayo ng nangyari. Writing it down too helps me let the pain out. Sakit din kasi sa loob eh.

Sana etong experience ko na na-share ko senyo eh kapulutan nyo ng aral. Ngek, nobela na ata ang nilabasan. Basta ang moral lesson today eh mag-ingat sa lahat ng oras at mag-trust kay Lord na He lets things happen for a reason. Hindi ko man maintindihan ngayon bakit, pero umaasa akong mananalo ng celphone sa raffle, este mapapag-ipunan ko din ang pambili ng bagong celphone.

Ingat mga friends. Salamat sa pagbabasa. Gumaan-gaan na ang pakiramdam ko. Eto nga’t sinisipon na ako kakapigil ng iyak. Babu at sisinga muna ako sa tisyu!

Monday, October 06, 2003

Hay naku, tagal ko na palang di naka-post dito. Pano, nasira ang video card ng computer ko at lahat ng windows at fonts eh giant size! Kandaduling akong magbasa ng emails for almost 3 weeks! Buti at naayos na ng bro-in-law ko. Ang hirap pala talaga pag nasanay kang computer ang companion sa madaling-araw -- oo na, me lahi na akong aswang! hehehe.

Mas madali kasi magsulat kapag tahimik ang buong paligid at wala ng mga batang nangungulit na "Gusto kong mag-Jumpstart!".

Tapos na kaya yung Kris-Joey issue? Sana naman. Aba'y pati si First Gentleman siguro eh laking hinga na natabunan ang mga issues nya ano. Nakow, wala akong pasensya magbantay ng mga pahayag na paulit-ulit lang naman ang sabi. Kung maabutan ko man sa news, ok fine. Pero di ko na inambisyon na lahat ng palabas eh bantayan para lang makasagap ng pinaka-bago. Mas masarap pang matulog!

Kung di pa sa mga ka-egroup ko, hindi ako maa-update. Pero ewan ba at wala akong kagana-gana sa pinagsasabi ng dalawang panig. Magulo silaaaa! Asus, basta ang masasabi ko lang dyan, BUTI NA LANG HINDI NILA AKO FAN! Sayang lang oras ko maki-chism sa buhay nila. Pero ha, mukhang nabuhay lahat ng dugo ng karamihan sa mga Pinoy. Tsk, tsk, tsk, ganito na lang kaya tayo palagi, uzi forever? Mas importante ang chismis kesa sa mga isyung pambasa na dapat eh tutukan natin?

Kelan kaya uunlad ang Pilipinas??? *buntung-hininga*

Monday, September 22, 2003

Yehey! Nag-start na new season ang Survivor! Ewan ba at sa lahat ng reality shows, ito lang at ang Amazing Race ang talagang pinapanood ko. Kahit pa merong mga rumors na maraming peke sa production – like hindi naman daw talaga ginugutom ang mga players at etching lang ang mga hirap nila dun, enjoy pa ring panoorin. At least yung challenges mukhang totoo naman. Nakakabilib lang kasi what people would do just to win a game. Naalala ko isang season, merong mga naglagay ng fresh fish (as in hindi luto at siguradong super lansa) sa bibig nila, aside from dun sa hawak ng kamay, during a challenge para mapadali ang paglipat ng mga isda from one container to another. La lang, naa-amaze lang talaga ako sa capacity for a lot of things ng human race.
On --novelas

Nauso at nauso ang chinovelas, hindi ako na-hook sa Meteor Garden fever. Hindi tuloy ako maka-relate sa mga kwentuhan ng iba kong kaibigan hehehe. Ang nakakatawa,, dahil singkitin ako, palagi akong nabibirong “San Chai” kahit hindi ko sya kilala noon. Pati pamangkin kong 3 years old, sa kakapanood ng yaya nya ng MG, nung dumalaw dito bahay ang unang bati sa kin eh “Auntie Wuth, Tan Tai!” Tawanan tuloy lahat.

Tapos last week, nung nagsimula yung “My Love, Cindy” (ang corny ng title!) sa GMA, pinanood ng mga anak ko. Pa’no sa advertisement, daming clowns and parade ang pinakita. Setting pa was a theme park. Kala ng mga tsikiting, pambata. Yung lead character na si Cindy, medyo sumpungin at palaging may kaaway kaya laging “bad trip” ang disposition.

Nung weekend, dahil maghapong nasa bahay ang mga makukulit kong anak, hindi maiwasang mapagalitan ko ng ilang beses sa dami ng mga kalokohan. Puro boys kasi kaya laging mukhang wrestling arena ang bahay namin. Bandang hapon, after another “sabunan” blues, biglang nagsalita ang panganay ko “Mommy, alam mo kamukha mo si Cindi!” Isip ko, ah kasi singkit na naman katulad ni San Chai. Ngek, may kasunod pa pala kasi humirit pa ang batang wais, “Kasi lagi kang galit!” Ayun natawa tuloy ako. Ang galing talagang mag-dissolve ng sermon nitong mga ito. Tsk, tsk, tsk, ang labas tuloy minsan, uto-uto na ako :D

Pero ha, fantastic talaga ang trends dito sa Pinas! Dati mexican chuva ang kinababaliwan, ngayon mga Asian naman. Oh well, at least getting closer to home. Although frankly, hindi ako pala-panood ng mga tele-novela. Nabo-bore ako kakahintay ng ending! Dati nun, hooked na hooked ang biyenan ko sa Mara Clara so wa akong magawa kundi makinood din. Aruuu, katagal matapos! At least yung mga foreign ones, may lifespan talaga, hindi yung pipigain at ida-drag ng mga writers habang type ng tao hanggang hindi matapos-tapos.

Heniways, tama na sa kin ang weekly obsessions kong Charmed, The Pretender at Survivor. Pag lumampas pa dun, baka wala na akong magawang trabaho sa bahay!

Thursday, September 18, 2003

Last week napanood ko yung ilang episodes ng Extra Challenge. Ok ang naisip nilang concept, ginawang taong-grasa ang mga artista tapos pinagala sa kalye doing typical homeless-person things. Di ko ata kaya yun -- namalimos, natulog sa damuhan sa QC circle, pinahuli sa pulis at nagkalkal sa tambakan ng basura! And to top it off, bawal maligo for the whole duration of the challenge. As in! Nanlilimahid sila ng ilang araw.

Kahit may discouraging moments eh go na go talaga yung mga challengers para tapusin yung game. Hmmm, magkano kaya binayad sa mga yun to do all those things?

Pero in fairness, mukhang marami talaga silang realizations na naranasan. Ibang klase na siguro talaga yung ikaw mismo ang makaranas na layuan at pandirihan ng tao dahil madumi at mabaho ka. At ang mamalimos ng pera para may pambili ka ng makakain at the end of the day. Man, that was something!

Bumilib ako sa pinagdaanan nila!

Nga lang, nakakalungkot isipin na merong mga totoong tao na ganun ang mismong pinagdadaanan sa araw-araw. Na reality pa rin sa bansa natin na maraming taong-grasa at mga palaboy ng kalye ang araw-araw eh nahihirapang maghanap ng ikabubuhay nila :( Hay, kelan nga kaya magkakaron ng magandang pagbabago? Kakalungkot ...

Thursday, September 11, 2003

Katawa naman ang pangalan ng bagong bagyo -- Pogi! Ganun na ba kaunti ang choices ng Pag-Asa? Sabagay, ok na rin kasi may humor, Pinoy na Pinoy ang dating. Naaliw lang ako sa comment ng isang kaibigan ko: nung umulan daw sa kanila ang sinabi nya "Andyan na si Pogi!" Biglang tingin sa kanya ang asawa nya at may pagdududang nagtanong "Ano? Sinong Pogi ha?!" hehehe

Ayan pati pangalan ng bagyo, pwede na pala ngayong pagsimulan ng away.
Related Posts with Thumbnails