Thursday, December 15, 2011

Raymart Santiago at Claudine Barretto sa huling handog ng “Spooky Nights” sa 2011

FYI lang po sa mga fans nina Raymart at Claudine at sa mga mahilig sa nakakatakot na palabas :p

Press Release:

Itotodo ng “Spooky Nights” ang pananakot sa huli nitong episode sa taong 2011 kasama ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto pati na rin ang Magic Palayok child star na si Angeli Nicole Sanoy.

Maganda ang taong 2011 para sa horror program at patuloy itong nangunguna sa time slot nito tuwing Sabado nang gabi. Nitong Disyembre 3 at 10, nakapagtala ang “Spooky Nights” ng karampatang 29.7% at 29.9% household audience shares sa Mega Manila ayon sa overnight data ng Nielsen TV Audience Measurement.

Ngayong Sabado, siguradong pakakaabangan din ng mga manonood ang “Spooky Nights Presents: Perya”. Sa isang maliit na perya nagaganap ang kwentong ito tungkol sa dalawang malungkot na taong muling nakatuklas sa kahulugan ng Pasko matapos makilala ang isang ulila.

Marami nang nanlokong lalaki kay Jackie (Claudine) kaya sinisikap niyang magdamit-lalaki upang hindi na siya maligawan pa. Sa kabilang banda, ang kaibigan niyang si Jilmer (Raymart) ay palagi ring sawi sa pag-ibig dahil sinasamantala ng mga babae ang kanyang kabaitan.

Makikilala ni Jackie si Alice dahil sa isang insidente sa peryang kanyang pinapamahalaan. Nang malaman niyang ulila na ito, nagdesisyon agad si Jackie na kupkupin ang bata kahit tutol si Jilmer at nag-aalalang baka kasama si Alice sa sindikato.

Ang hindi alam nina Jackie at Jilmer, mas nakakatakot pa sa sindikato si Alice dahil nababalot ng kadiliman ang nakaraan nito. Sadyang desperado sa pagmamahal ng magulang ang bata at nagiging psychotic obsession na niya ito, dahilan upang tapusin niya ang sinumang bumigo sa kanya. Matatakasan pa ba siya nina Jackie at Jilmer ngayong nakapasok na siya sa kanilang buhay?

Kasama sina Mel Kimura at Tom Olivar, ang “Spooky Nights Presents: Perya” ay pinagtulungang likhain nina Direktor Uro Q. Dela Cruz at Headwriter Senedy Que.

Huwag palampasin ang huling handog ng “Spooky Nights” sa taong 2011 pagkatapos ng Manny Many Prizes ngayong Sabado sa GMA-7.


Monday, August 22, 2011

Inihahayag ng CSM ang “Ito ang Pinoy!” sa 32nd Manila International Book Fair

Para sa mga mahilig magbasa, may good news ang CSM para sa nararating na MIBF sa isang buwan! :)

Press Release:

Mula sa paghalal ng bagong pangulo hanggang sa pagpapamalas ng pambihirang talento sa larangan ng palakasan, sining, at iba pa, tunay ngang may dahilan tayong mga Filipino upang manindigan at itaas ang ating bandera bilang isang lahi.

Sa pagbubukas ng 32nd Manila International Book Fair para sa mga lokal na manlilimbag at mahihilig sa aklat, nakikiisa ang Church Strengthening Ministry sa pagpapanumbalik ng ating pagka-Pilipino sa temang ”Ito ang Pinoy!” Pinahahalagahan ng CSM ang ugat ng ating pagiging Filipino sa pamamagitan ng mga obrang nagmula sa panulat at kaisipan ng ating mga kababayan—mga libro, audiobook, at video, na aming handog sa saktong halagang P100 lamang!


Sa pamamagitan ng isang hanay ng mga pinagbuting materyal na hinabi sa liwanag ng Salita ng Diyos, minimithi ng CSM na maging daluyan ng mga resources para sa aming mambabasa upang mapalakas at mapagtibay ang kanilang loob at kasarinlan sa gitna ng mga dagok na dumarating sa ating panahon.

Magaganap ang 32nd MIBF sa September 14-18, 2011 sa SMX Convention Center sa lunsod ng Pasay (katabi ng Mall of Asia). Halina sa Church Strengthening Ministry booth numero 40-42 upang makabili kayo ng sulit sa halaga.

Kilalalin ang ating mga Pilipinong manunulat tulad nina Rex Resurreccion, Ed Lapiz, Eric Maliwat, Joey Umali, at iba pa at saksihan ang Grand Launch ng mga pinakabagong mga resources ng CSM sa September 17.



Hanggang 200 kopya lamang ang maaring bilhin kada title. Makakakuha ng libreng gate pass sa aming opisina sa Pascor Drive, Sto. Niño, Parañaque City. Tumawag sa 851-0521 at 25 para sa karagdagang detalye.

Maaari ring mag-pre-order mula Setyembre 5-9, mag-email lamang sa order@csm-publishing.com. Bisitahin ang www.csm-publishing.com para sa pre-ordering guidelines at para makita ang listahan ng mga resources.

Sunday, July 17, 2011

Naglalaro ka ba ng Barbie?

Thought for the day:

Ang babae daw parang barbie doll, pwedeng laruin, pwedeng hubaran, pwedeng bihisan.

'Pag nagsawa, pwedeng iwanan, pwede din namang ipamigay sa iba.

Pero ang tunay na lalaki, HINDI naglalaro ng Barbie! :)


Tama naman 'di ba? Thanks to my friend Stel for sharing this on her FB wall.

Sunday, May 15, 2011

Pinoy Lang Ang Makaka-Gets Nito!

Kung gusto mo maaliw at tumawa ng bonggang-bongga, watch this! :)



On the other hand, may version si K Brosas na pwede sa international audience. Mas laugh trip ito!

Thursday, May 05, 2011

Short Stress-Reliever

Natawa naman ako dito! :p Share ko lang.

It was posted in Facebook by the son of my friends. Thanks David! :)

===

Isang probinsyano nag-rent ng room sa hotel ...

Prob: Alam ko probinsyano lang ako kaya wag mo akong lokohin! Bakit ganito room ko? Maliit!! Walang kama at bintana!! Mahal na mahal ng binayad ko tapos ganito lang??

Roomboy: Sir nasa elevator pa lang tayo.. Huwag kang excited!!!

Monday, April 25, 2011

Bagong Kanta Tungkol sa Pilipinas

Naaaliw ako kapag may nababalitaan akong foreigners na kumakanta ng awiting Pinoy. Mas nakaka-impress kapag nagco-compose sila ng kanta tungkol sa Pilipinas. Here's the lyrics to one such song written by Julien Drolon, a French music artist:


PHIL SO GOOD Lyrics

Paradise islands, white sand beach
Tropical jungles where tribes still live
Land of Rizal and the guitar strings
Gotta find some time to live it here

I am in the Philippines x 3
And I feel so good, so good

People speak tagalog, sometimes taglish
They love to have fun, they know how to live
With a warm welcome, they will make you feel
Like it is your turn to smile and sing

I am in the Philippines x 3
And I feel so good, so good

comma down selectah…
seat back relax uminum ng beer
itaas ang bote isigaw ang cheers
lay back, while listenin smooth jazz and
feel the cold breeze and keep the wheels blazin
cause all we need is a time to relax
ihanda na ang serbeza lets drink some wapak
sige sige dont stop, non stop ang saya
pag-katapos ng lahat libutin luzviminda
tawagan mo na si jo and i will text julien
hatakin na si joven all over again
cause the best thing in life is life and that’s true
huwag hayaan ang saya lagpasan ka nito
take a zip just a trip and take a deep breath
libutin tiaong gubat all by your self
fiyah grill, cold beer, lay back and chill
watch the daet sunsets thats the thrill
sounds cool huh

I am in the Philippines x 3
And I feel so good, so good
Boracay in summer, I went there twice
Wanna feel colder, go to the rice terraces
Palawan is where I took my love
She wanted a romance under the sun
Surf is the best in Siargao
You can also dance up to Malasimbo
And when I need a break from Manila
I got a secret place that I won’t say to ya

I am in the Philippines x 3
And I feel so good, so good


Song Credits:

Julien Drolon: songwriting english part/vocal/production
Leal Nanca: songwriting tagalog part/ rap/ keyboards
Jojo Duenas: Arrangement/ bass
Enzo Queyquep: Guitars
Paolo Santiago: Drums
Girlie Capulso: back up vocals

Recorded at Tracks by Angee Rozul
Mixed and Produced by Angee Rozul

Below is a video of the song that I found on YouTube. Medyo malabo nga lang pakinggan. If you want to listen to a clear mp3 copy, download Phil So Good for free sa www.orangemagazinetv.com

To know more about Julien Drolon, paki-bisita yung isa ko pang blog

Thursday, April 14, 2011

Summer Katatawanan Handog ng Star Cinema at M-Zet Productions

Sa April 23, kalimutan muna ang mga problema at manood ng pinakabagong comedy na dinirek ni Tony Reyes at pinagbibidahan ng mga talents mula sa Star Cinema at M-Zet Productions.

Mabigat ang casting ng Pak! Pak! My Dr. Kwak! dahil talaga namang star-studded ang pelikulang ito. Pinangungunahan ito nina Vic Sotto, Bea Alonzo, Zaijan Jaranilla, Xyriel Manabat at Pokwang. Andun din sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Joonie Gamboa, Jon Avila, Victor Basa, Johnny Revilla, Dextor Doria, at Paw Diaz. Mayroon ding special participation nina Peque Gallaga, Anjo Yllana, Bella Flores, at Joey de Leon.


Ito ang kuwento ng isang anghel (Jaranilla) na naparusahan sa langit at pinababa sa lupa. Assignment niya na mapagbagong-buhay ang isang fake healer (Sotto). Nang magkakilala ang dalawa at nalaman ni Angelo na nakakagawa ng milagro si Anghelito, ginamit n'ya ang anghel sa kanyang ilegal na negosyo. Ang usapan nila, ang bawat milagro na gagawin ni Angelito ay dapat may katumbas na gawing kabutihan si Angelo.


Samantala, nakilala rin ni Angelito si Cielo (Alonzo), isang doctor na galit kay Angelo dahil sa pagiging fake healer nito. Kaya binalak ng anghel na magkabati ang dalawang taga-lupa. Nang tumagal-tagal, napalapit ang loob ni Angelito sa kanyang mga kaibigan at hindi na niya masiguro kung gugustuhin pa niyang bumalik sa langit o manatili na lang sa lupa. 


Maraming twist ang istoryang ito na nag-uumapaw sa katatawanan. Abangan at manood ng Pak! Pak! My Dr. Kwak! simula April 23, Sabado, sa mahigit 100 na sinehan sa buong Pilipinas. Para sa karagdagang impormasyon, mag log-on sa www.starcinema.com.ph, www.facebook.com/starcinema, www.twitter.com/starcinema, at www.starcinema.multiply.com.

Para makita ang mga litratong kuha ko noong Press Con last April 7, paki-click lang dito.

Tuesday, April 05, 2011

One of the Best Nestle Commercials Ever!

Napapaghalatang hindi ako masyado nakakanood ng TV lately sa sobrang dami ng trabaho. Buti na lang nakaka-check pa ako ng Facebook kung saan ko nakita ang commercial na ito na ni-post ng isang kaibigan ko. Ang galing-galing ng pagkagawa! Very smooth ng transitions from one life stage to another, in good taste ang subtle na promotion ng Nestle products during each scene, at very appropriate ang kanta. Timeless talaga ang marami sa compositions ng Apo Hiking Society. Panalo!

Enjoy watching. I'm sure maraming moments sa video na ito ang makaka-relate din kayo :)

Wednesday, March 30, 2011

Reaction sa Latest Issue Tungkol kay Willie Revillame

Hindi ako nanunood ng game shows or variety shows sa local channels.  Pero nanay ako at nasasaktan kapag may nababalitaan akong mga batang naaagrabyado. Nung nabasa ko sa Facebook ang mga balita tungkol sa pag-iyak ng isang bata sa Wiling Willie habang sumasayaw ala-macho dancer, sinadya kong hindi panuorin ang kumakalat na video.

Tama na yung alam ko ano ang reaksyon ng karamihan. Lahat halos ng nabasa kong comments ay negative. Ayoko nang ma-imprint sa isip ko ang itsura nung bata habang tila tino-torture sa harap ng napakaraming tao. Alam ko kasing maiiyak lang ako sa awa at inis kung papanoorin ko pa.

Kanina, napunta ako sa isang blog kung saan naka-post ang partial na listahan ng mga advertisers ng Wiling Willie. Nung nag-search ako, may isa pang website na mas marami ang nakalista. Meron doon na ginagamit namin dito sa bahay. Mukhang hindi muna ako bibili ng mga yun next time mag-grocery kami. Sorry po sa mga PRs na kilala kong nagha-handle ng iba sa mga products na nabanggit. I'm just making a stand.

Ika nga nung blog owner: "Here are the Willing Willie advertisers that rightfully deserve a boycott. Yes, maybe a boycott of his advertisers' products is the only way to end the national arrogance that is Willie Revillame..."

Share ko na rin lang kung ano yung mga advertisers na yun. I read yesterday na nag-express na ang CDO na magpu-pull out sila from the show. Sana nga. Pero for now, kasama pa sila sa listahan.

1. CDO Karne Norte
2. Pepsodent 

3. Islander Sandals

4. Camella Homes
5. Cignal HD 

6. Cebuana Lhuillier 

7. Pau Liniment

8. Smart Wireless Telecom
9. Belo Medical Group 

10. Oishi 

11. Vaseline 

12. Bench Daily Scent
13. Bench Wil Cologne 

14. Wil Tower Mall
15. Techno Marine 

16. Surf
17. UFC Ketchup 

18. Smart C Juice Drink

Hindi ko intention na siraan si Willie Revillame. Matagal na n'yang ginagawa yun sa sarili n'ya. Ang sa akin lang, gusto kong makapag-express din ng disgust sa kung ano ang nire-represent n'ya sa bansang ito. Hindi s'ya savior ng mahihirap. Hindi uunlad ang Pilipinas kapag may mga taong gaya n'ya at mga game shows na nage-encourage ng maling pananaw tungkol sa pagsisikap (na pumila mula madaling araw para makapasok sa studio?) at sa pagpapayaman (sino ba ang tunay na umasenso dahil umasa lang sa swerte?)
Nakakalungkot ...

Friday, February 11, 2011

OMB Says "Bawal Kumopya!"

Sharing lang po ng press release galing sa Optical Media Board (OMB). For everyone's information ...

“Bawal Kumopya!” is OMB’s latest imperative in cooperation with the Philippines' Motion Picture Anti-Film Piracy Council’ (MPAFPC) against those attempting to copy and sell pirated version of motion pictures and recordings.

OMB’s campaign against piracy has hit viral stage during the recently concluded Metro Manila Film Festival led by its current chairman Mr. Ronnie Ricketts. Vouching for the effective results of the recent anti-piracy operations is the country’s Anti-Piracy Council which stated that the accumulated box-office gross of the film festival’s entries reached 540 million in 14 days. With OMB in the midst of the Phils.’ largest group of entertainment guardians, Mr. Ricketts’ initial anti-piracy operations has successfully pre-empted attempts to sell pirated copies of the film fest’s entries. This is also the second time that the OMB has participated in the MMFF parade, “It’s symbolic because as OMB, it is our responsibility to protect the films that are included in the festival. It sends out a message to those groups who are into piracy that the OMB is here to watch over the industry,” shares Mr. Ricketts. “I like playing as a team, I believe that everybody played a big part in the success of our anti-piracy campaign,” he further notes.

Ronnie Ricketts and Dominic Du (from anti-piracy council)

“This is also a very good example of public-private organizations working together,” according to Anti-Film Piracy Council. “Without OMB and Mr. Ricketts’ leadership, our goal to protect the industry would not have been possible. We are also glad that the anti-piracy bill has been approved last year, because in the R.A. No. 10088 also known as the Anti-Camcording Act of 2010, even an attempt to record any motion picture or recording is already a crime in itself.”

Currently in place is OMB’s information campaign wherein the group makes the rounds in barangay levels and in campuses. As an actor and producer, Mr. Ricketts states that it helped that he knows the industry’s problems and thus allows him to come up with effective solutions on protecting it against piracy.

A passionate martial arts expert, Mr. Ricketts’ subtle moves in the sports eventually translated to his current post as he parlayed the same moves when it comes to leading the institution. Only in his second year as OMB’s chairman, Mr. Ricketts introduced a systematized organization for better work flow, deputized select civilians in rural and urban cities reporting from the newly-established satellite offices which is also a first in the institution, engaging the institution’s employees into sports particularly running and martial arts where he himself teaches the sports to further realize one’s productivity, and upgraded OMB’s website www.omb.gov.ph.
Related Posts with Thumbnails